Chapter 3

6 1 0
                                    

"Oh 'yan na pala sila Majo eh." Sambit ni Kuya Ewald habang nakaupo sa lapag.

"Dumating na ba si Coach?" Kaihan asked before approaching Kuya Ewald and they do a high five.

"On the way na raw pero syempre as usual, once na dumating na si Majo we can proceed na sa warm up." Usal naman ni Elona bago tumayo.

Since kulang pa kami ay umupo muna ako sa concrete barrier para magpahinga kaunti. I saw the new members are practicing on the other side kaya tinawag ko sila para naman medyo lumapit sa amin at hindi sila magmukhang others dito.

Ilang sandali lang ay dumating na rin ang ibang members kaya nag-umpisa na kami mag-warm up and alas-syete na ng gabi nang makapag-umpisa kami kasama si Coach.

"Isa pa! May tamad sa likod oh, sabi pull out eh. Ano petiks?" Sigaw ni Coach kaya naman agad kaming bumalik sa pwesto namin from the top. 

"Ayos, baka anong oras tayo makapag-water break nito." Kuya Ewald said before he went back to his position.

Nang mag-umpisa ang kanta ay agad na rin naman kaming humataw at ramdam ko ang hataw ng bawat member. Kaya naman na-satisfied si Coach pero nag-isang pasada pa kami at napag-desisyunan ni Coach na mag-water break na pagkatapos.

Habang kaming official members ay nagwa-water break, ang new members naman ang inasikaso ni Coach.

"Hey, have you heard about the upcoming event in our school?" 

Halos mapagitla ako nang magsalita si Kaihan sa tabi ko.

"Mm. They announced earlier." Simpleng sagot ko.

May event na in-announced kanina at ni-rentahan akong choreographer para sa upcoming event. Tuturuan ko ng basic lang naman sa sayaw ang mga candidates sa nasabing event and also the school's dance club. Actually ang school namin ang main venue for a certain event, dadayo ang iba't ibang school kaya as an opening our school will present a dance number. At pagdating naman sa mga candidate, well ganun na rin.

"What's your plan? Moreen told me you'll be teaching them and I heard from my classmates na kasali sa dance club na tuturuan mo rin daw sila."

"Ang  chismoso mo pala."

"Hindi naman, 'yung chismis ang lumalapit sa 'kin." Natatawang sambit nito.

Self support sa sariling banat.

"As usual, they hired me."

"Alam talaga nilang walang libre-libre sa 'yo ah." He said before throwing the empty bottle on the trash bag. "Need help?"

"H'wag na. Aagawan mo pa ako ng kita eh." Pang-aasar ko pero umiling ito.

"I'm not. I just wanted to help you. Dalawa ang tuturuan mo, may academics ka pa plus practice rito. Sige na, hindi kita hahatian sa ibabayad sa 'yo." He clarified before standing and pat my head.

"Okay. May meeting ako bukas with the dance club and candidates, alas-otso ng umaga."

"That's noted, then." He then said before going to Kuya Ewald.

"Huy, anong meron? Kayo ah, medyo nakakahalata ako." Biglang sambit ni Elona nang makalapit ito sa akin.

"Ikaw, literal na chismosa ka talaga." I poked her head and she just laughed at me.

Ilang sandali pa ay bumalik na rin kami sa practice. Ilang pasada ang nagawa namin hanggang sa ma-satisfied si Coach. At matapos nyon ay pina-uwi na rin kami.

Nag-paalam na kami sa isa't isa bago nagkani-kaniyang landas. And I was about to walk with Elona and others when Kaihan approached me.

"Sabay kana sa 'kin." 

At ayun, inaya na naman ako ni Kaihan.

"Go na, Jo!" Rinig kong sigaw nila Elona na siyang bumibili sa isang tindahan.

"Amats ka ba? Gusto mong makarating 'to kay Moreen, ha?"

"Una, wala akong amats. Pangalawa, walang kami. Kaya tara na, nagugutom na ako." Sambit nito 'tsaka inabot sa akin ang isang helmet.

Wala naman akong nagawa at sinuot nalang ang helmet at sumakay.

"Just drop me off kapag may balak ka pang lumamon ah."

"Ayaw mo kumain?" Tanong niya bago pinaandar ang motor.

I just remained silent hanggang sa makalabas kami at makarating sa main road. At dahil malawak ang kalsada, bumilis bigla ang takbo nito dahilan para mapakapit ang isa kong kamay sa balikat niya.

"Don't hold me like that, baka madisgrasya tayo." I heard him said kaya naman napalitan akong humawak sa beywang nito. 

"Gago, ayoko pang mamatay. Ayusin mo magmaneho!" I exclaimed and he acted like he didn't hear me but he laughed. As he overtake to a car in front of us, I immediately wrapped my arms around him. 

Ramdam na ramdam ko ang hangin sa bilis ng pagpapatakbo nito at sa aaminin ko, parang anytime na bumitaw sa kanya ay liliparin ako sa ere.

Ilang sandali lang ay bumagal ang takbo niya at lumiko sa kinainan din namin kagabi. 

"I told you to drop me off kung lalamon ka pa, gusto ko na umuwi." Usal ko nang tuluyan kaming makahinto.

"Kalma, uwing-uwi na rin ako. May bibilhin lang ako, wait me here." He said before giving me his helmet and entering the place.

I sighed before sitting on his motorcycle and waited him to come back. 

After a few minutes, nakabalik na rin ito at may inabot sa aking paper bag.

"Ano 'to? Gagawin mo pa akong taga-hawak mo."

"That's yours, this is mine." He said before showing me the one he's holding. 

"Para saan naman 'to?" 

"Wala. Dami mong tanong sumakay kana nga." Sinenyasan niya ako at kinuha ang helmet niya mula sa akin.

At dahil alam naman nito kung saan ako nakatira ay doon niya ako hinatid. I thanked him for driving me home before he left. Ilang village lang din naman ang pagitan naming dalawa.

Si Ate Lea ang nagbukas ng gate para sa 'kin.

"Kumain kana ba?" Tanong niya nang tuluyan kaming makapasok sa bahay at ipinakita ko sa kanya ang paper bag na dala ko bago dumiretso sa kwarto.

Pabagsak akong umupo sa gilid ng kama 'tsaka nilapag ang bigay ni Kaihan na pagkain. I stared at it for almost a minute before opening it. At tumambad sa aking ang isang buong fried chicken. 

"Grabe, ganun ba ko ka-takaw sa paningin niya?" 

Ibinalik ko ito sa paper bag bago napagdesisyunang maghugas ng katawan bago tuluyang kumain at matulog.

Kinabukasan, maaga akong pumasok dahil alas-otso ang meeting ko with the dance club and candidates. As I've arrived the school, nakita ko agad si Kaihan na biglang lumawak ang ngiti nang makita ako. Nag-iba ako ng direksyon pero agad naman niya akong naabutan. 

"Saan ka? Didiretso kana ba sa hall?"

"Dadaan muna ako sa classroom." I answered while walking.

"Ah okay. Kita nalang tayo sa hall mamaya." He then said before slightly tapping my shoulder and went back to his business with his friends.

Kagaya nga ng sinabi ko, pumunta muna ako sa classroom at doon naabutan ko sila Aki na abala sa paggawa ng kalokohan. Naglalaro ng baraha. 

"Ang aga-aga nagsusugal kayo." Binaba ko ang bag ko sa upuan at pinanood sila.

"Pusoy dos lang eh wala namang pera na involve, kaya chill." Sambit ni Mervin habang sinusuri ang baraha niya.

"Mamaya mayari kayo sa President eh." Natatawang usal ko dahil si Moreen ang President ng section namin.

"Mamaya pa naman eh, patapos na rin kami." Pagbibiro ni Monique at natawa nalang kami.

Umalis na ako para pumunta sa hall at nang makarating ako ay nakabukas na nga ito. I saw Moreen sitting on the table who's looking at me now like she was waiting for me. She crossed her arms in front of her chest before walking towards me. 

"Oh, Hi! Nandito ka na pala—" And unexpectedly, she cut me off by slapping me. 

Living With The Passion (Living series #3)Where stories live. Discover now