Chapter 6

2 1 0
                                    




"Anong ginawa mo?" He instantly asked as he let go of my wrist.

"Anong ginawa? Wala akong ginagawa." Inis na usal ko dahil alam kong si Moreen ang tinutukoy niya.

Nandito kami sa paahan ng hagdanan at mabuti nalang ay wala masyadong estudyante.

"She feels so embarrassed on what you did, Majo."

Agad kumunot ang noo ko sa sinabi niyang 'yon.

"Tangina, siya pa napahiya eh siya nga 'tong nag-umpisa?"

"Ano bang nangyari?" He sighed before asking calmly.

"You better ask her, Kaihan."

"Why can't you just tell me?"

"I don't wanna cause any trouble, okay? Kaya siya nalang ang kausapin mo." Inis na usal ko bago naglakad muli pabalik sa classroom. "Tsk, sakit sa ulo." I whispered before sighing.

As I've entered the room, sobrang awkward at tahimik ng paligid dahil sa nangyari kanina.

"Hays, darating pa kaya si Sir?"

At binasag na nga ni Aki ang katahimikan dahilan para makuha ang atensyon ng mga kaklase namin.

"Tagal, tara laro." Sambit pa ni Mervin at maglalabas na sana ng baraha nang pumasok si Sir. "Ay, nandyan na pala." Dismayadong aniya.

At doon ay nag-umpisa na nga ang klase. Ang aga-aga ay wala akong gana at gusto ko nalang matapos 'tong buong maghapon para makapag-practice na.

Nahagip ng paningin ko si Moreen na siyang nakayuko sa lamesa niya, kadalasan ay active ito pero ngayon ay parang wala rin itong gana makinig o magparticipate.

Natapos ang morning classes namin at napagdesisyunan na naman naming sa labas ng school mag-lunch dahil ayokong kumain sa canteen at baka makita ko ang pagmumukha ni Moreen. Sa hindi naman inaasahan ay nasalubong namin ito kasama si Kaihan. Nagtama ang paningin naming dalawa ni Kaihan pero agad din akong umiwas at sumunod na kila Aki sa paglalakad.

I didn't bother looking at Moreen because I don't want to, naiirita ako sa pagmumukha niya.

"Ang mukha ng gaga akala mo may galit sa mundo, eh kay Majo lang naman dapat." Sambit ni Mervin nang makalabas kami ng hallway 'tsaka sila nagtawanan.

"Gago, marinig ka. Baka sabihin pinag-uusapan natin sila." Usal naman ni Monique.

"Gaga, bakit hindi ba?" Natatawang sambit ni Aki dahilan para matawa ako.

Hindi na talaga ako magtataka kung mapapaaway kami dahil sa mga kaibigan kong 'to eh.

Nang makarating sa karenderya ay kumain na rin kami agad. At ang mga loko ay hindi maka-get over sa nangyari kaninang umaga.

"Ano kaya nangyari kay Moreen kanina no'ng nag-walk out?"

"Namamaga nga 'yung mata kanina nang bumalik siya eh."

"Baka nagsumbong sa darling niyang si Kaihan."

Natatawang sambit nila habang kumakain habang tahimik lang akong nakikinig at kumakain.

"Eh ikaw? Saan naman kayo pumunta ni Kaihan?"

At itinapat na nga sa akin ang mikropono.

"Nag-usap, ano raw ginawa ko kay Moreen." Sagot ko sa tanong ni Mervin bago uminom ng tubig.

"Oh, tapos?"

"Eh 'di sabi ko kausapin nalang si Moreen."

"Kita mo 'to, ang lakas-lakas mag-rebutt pero tiklop naman kay Kaihan." He answered while pointing his spoon on me.

Living With The Passion (Living series #3)Where stories live. Discover now