Chapter 2

5 1 0
                                    

"Oh himala ata at medyo maaga ka ngayon?" Usal ni Mama habang naghuhugas ng plato. "Kumain kana. Buti at may natira pang ulam para sa 'yo." 

"Kumain na po ako." Sagot ko bago dumiretso sa kwarto ko. Marami pa itong sinabi pero hindi ko nalang inintindi dahil sanay na rin naman ako sa paulit-ulit niyang sinasabi sa tuwing umuuwi ako galing practice. 

Tutol si Mama sa pagiging mananayaw ko. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil gusto niya akong maging isang mang-aawit katulad niya. Si Papa naman support sa 'kin dahil isang mananayaw si Papa noong kabataan niya. Katulad ko ay pangarap din ni Papa makatuntong sa isang malaking entablado, syempre sobrang excited akong sabihin sa kanya ang balita na within three months ay tutuntong na kami ng grupo ko sa big event. This is not only my dream, but I'm carrying my father's dream as well. 

Ibinaba ko na ang gamit ko at pabagsak na umupo sa study table ko. Tinignan ko ang to-do list ko at nakitang may dalawang homeworks pa akong hindi nasasagutan. I sighed before taking a bath and started doing my homeworks right after. At ngayon ko lang napagtanto na ang haba pala ng isa kong homework kaya naman inabutan na ako ng antok ay doon ko lang siya natapos 'tsaka ako humiga na sa kama para matulog. Agahan ko nalang pumasok at sa school ko nalang gagawin 'yung isa. 

Kinabukasan, inagahan kong gumising dahil maaga akong papasok. Ayokong makasabay ang pamilya kong kumain ng agahan dahil kapag ganitong wala ako sa mood ay ayokong nakakarinig ng sermon. Sermon na paulit-ulit ko nalang naririnig kay Mama. Baka tamarin ako gumawa ng homework if ever. Kumain na ako ng agahan bago dumiretso sa school. 

Nang makarating sa school ay agad akong nakahanap ng bakanteng table sa pali-paligid. Wala pa masyadong tao kaya medyo tahimik pa. 

I took my notes and paper before started doing my homework. Homework na sa school na ginawa. Hindi ako matalino, pero kaya ko makakuha ng sapat na grade every semester. Average student ganon. Noong elementary ay palong-palo ako, sobrang trying hard ako mag-aral para lang maging honor student pero nga-nga pa rin naman. Noong nag-high school naman nagiging honor student pero hindi naman consistent. Ngayong senior high school na ako, minabuti kong h'wag pilitin ang sarili ko. Kung ano ang kaya kong ibigay, kuntento na ako. Kung kaya kong taasan pa e 'di maganda. 

"Need help for that?" 

Halos mapagitla ako sa biglang nagsalita sa likuran ko. 

"Ano ba? Nakakagulat ka naman!" Singhal ko kay Kaihan na ngayon ko lang napagtantong sobrang lapit ng mukha sa akin kaya naman agad akong napabalik ng tingin sa ginagawa ko. 

Umikot naman siya at umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo." Sagot ko bago nagsulat muli. "Patapos na rin naman ako eh." Dagdag ko pa. 

"Okay." He simply answered.

Hindi ko nalang siya pinansin nang hindi pa ito umalis at nag-umpisa na mag-cellphone. 

"Nag-breakfast kana?" 

"Oo." Sagot ko nang hindi ito binabalingan ng tingin.

"Sungit mo naman, ang aga-aga eh." He then said before he left. 

Napailing nalang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. Hindi naman ako masungit, seryoso lang ako as of the moment dahil nagka-cram ako sa homework ko. 

Nang tuluyan ko na ngang matapos ang ginagawa ko ay napa-stretch ako ng kamay dahil sa ngalay. At napatigil ako nang may maglapag ng bottled water sa lamesa at dire-diretso lang sa paglalakad ang naglagay nyon. It was Kaihan who turn around to look at me and winked. 

The side of my lips rose up before getting the bottled water and raised it for appreciation. Ngumiti naman ito bago tuluyang umalis. Binuksan ko ang tubig 'tsaka ininom ito na siyang malamig pa. 

Nag-stay lang ako ng kaunti bago tuluyang pumasok sa klase bago mag-umpisa ang first subject. 

"Hey!" Salubong sa akin ni Aki na siyang nakaupo na sa katabi kong upuan. Tinanguan ko lang ito bago umupo.

"Sila Mervin nasaan?" Tanong ko nang makita ang bag nila sa upuan.

"Pumuntang canteen bumili ng tubig." 

Naghintay lang kami ng ilang minuto bago nag-umpisa ang tuloy-tuloy at sunod-sunod na klase. Syempre mayabang ang nagngangalang Marjorie a.k.a Majo dahil may homework kaya todo recite ako. Sayang din 'yung points sa recitation aba, kung alam mo naman ang sagot why not answer 'di ba?

Matapos ang ilang subjects ay break time na rin kaya naman sabay-sabay kami nila Aki kumain sa canteen. Syempre sila lang naman ang mga kaibigan ko rito. 

"Ikaw, Jo?" Mervin asked as he is the one who will buy my food while Aki will buy Monique's.

"Magkakanin ako, adobo ulam ah." Usal ko bago nag-abot ng bayad.

"Mervin, dalawang egg sandwich sa 'kin tapos sa drinks kahit anong softdrinks na."

Umalis na silang dalawa habang kami ni Monique ay naghintay lang dito sa table. Medyo maraming tao, dahil breaktime ng buong senior high school student from different sections and strands.

"'Di ba si Kaihan 'yon?" Monique asked before looking at the entrance of the canteen.

"Siya nga, bakit?" And he's with Moreen.

"Wala lang, nililigawan niya pa rin kaya si Moreen or may label na sila?" She asked while looking at them until both of them are sitting already.

"Aba, malay ko."

Sa akin pa magtatanong eh malay ko ba sa kanilang dalawa. They are both together for almost three months now or four. Hindi ko naman masabi na may label or in a relationship na sila. 'Tsaka why would I even think about them, I have my own business. 

"Goods naman silang dalawa 'no? Ang gwapo ni Kaihan, maganda si Moreen... may pagka-pangit nga lang ugali."

Agad ko naman siyang pinandilatan ng mata sa sinabi niya at agad naman siyang tumahimik. 

Nang dumating sila Aki ay kumain na rin kami agad. 

"Hoy, Jo, 'yung friend kong dancer from Iconic sabi ay may contest daw silang sasalangan next week. Kayo ba?" Mervin said while he's eating.

"Meron kami next week din sa QC, sila saan?"

"Sa QC din. Sama kami!" Sagot nito bago tinignan sila Aki.

"Kayo ang bahala kung makaka-byahe kayo at kung may sasakyan kayo."

"Yun oh, ngayon lang kami ulit makakanood ng laban niyo." Aki said before finishing his food. 

Matapos kumain ay nagpaalam muna akong pumunta sa cr dahil syempre gusto ko magbanyo. Matapos nyon ay naghilamos ako dahil mainit. Paglabas ko ng cr ay sakto namang lumabas din si Kaihan mula sa cr ng boys. He wiggled his eyebrows at me that made my brows furrowed. 

"Anong oras ka pupuntang practice?" He asked as I walked passed by him.

"E 'di before call time, bakit?" 

"Sabay ako, baka mauna si Ewald do'n eh." Sagot nito bago lumapit sa akin at parang may balak pang sumabay sa akin sa paglalakad.

"May motor ka naman bakit ka pa sasabay sa 'kin?" Sabi ko bago nag-umpisang maglakad. "'Tsaka lumayo-layo ka sa 'kin, ayoko ng issue." Dagdag ko pa as I stopped and faced him dahil sumabay nga itong maglakad sa 'kin.

"Issue?" 

"I know there's something between you and Moreen, okay?"

"I don't even care about what people say. I got you, okay? You're the closest person I had here aside of my other friends, plus we're in the same dance group. Saan ang issue ro'n?" Seryosong usal niya bago naunang maglakad. 

Yeah, I guess. Hindi man halata pero we've been friends and in the same dance group for almost five years now. 

Napalingon ako sa kaniya as he called my name. Wala na rin naman akong nagawa kung 'di ang sumabay sa kanya. 

Living With The Passion (Living series #3)Where stories live. Discover now