Chapter 5

1 0 0
                                    

"From the top! Ano uwing-uwi na kayo at tamad na tamad magpull-out?" Sigaw ni Coach.

Dali-dali naman kaming bumalik sa una naming position. Nakailang beses na kaming nagsimula pero wala kaming natatapos dahil nga hindi nasasatisfy si Coach. I would admit it hindi consistent ang energy ko, hindi ko rin alam kung bakit parang wala ako sa mood ngayon at nauubusan ako ng energy.

"Kung uwing-uwi na kayo bigyan niyo ako ng magandang pull out, ayusin niyo naman." Dagdag pa ni Coach.

Napatingin ako sa tumapik sa balikat ko at nang makitang si Kaihan 'yon ay agad kong iniwas ang balikat ko upang tanggalin ang kamay niya. I saw how his expression changed, umiwas nalang ako ng tingin para magfocus.

Nang mag-umpisa ang kanta ay inayos ko na ang performance ko dahil alam kong apektado ang lahat sa kinikilos ko. Alam kong pansin nila 'yon. Natapos ang kanta at sabi ni Coach ay isang pasada pa na agad naming sinunod. Doon nga ay na-satisfy na siya 'tsaka tinapos na ang practice at ngayon ay nagmi-meeting na kami.

"Oh, e 'di pagod kayo ngayon? Bukas ayusin niyo kung ayaw niyong tumatagal nang sobra ang practice natin kakaulit nang kakaulit sa pull out. Ikaw Jo, ano bang meron sa 'yo? Parang wala ka sa mood ngayon o sadyang uwing-uwi ka na?" Usal ni Coach bago bumaling sa akin ng tingin kasunod ng tingin ng lahat. "Actually, hindi lang ngayon eh, nitong mga nakaraang araw ang tahimik mo, hindi mo man lang tinitinggan ang mga kagrupo mo."

Oo, halos mag-iisang linggo na ata akong ganito magmula ng magka-usap kaming dalawa ni Moreen dahil kay Kaihan. Nakakainis lang kasi bakit damay pati pagsasayaw ko. Siguro ay naiinis lang ako dahil bakit kailangan mo maka-encounter ng ganoong bagay.

"Pasensya na kayo, may mga pinagdaraanan lang. Bawi ako bukas." Nakayuko na usal ko at ginulo naman bigla ni Kuya Ewald ang buhok ko na siyang nasa tabi ko.

"Dapat lang." Our coach said before proceeding on announcing about the upcoming dance contest on Saturday.

"Nga pala, bakit wala 'yung dalawang bago? Walang chat sa group chat eh, nagsabi ba sa 'yo, Jo?"

"Walang chat sa group chat pati sa 'kin, Coach." Sagot ko bago tumingin kay Dar.

"A-Ah, may project po kasi silang ginawa para sa P.E, magkaklase kasi silang dalawa. Pasensya na, ngayon ko lang po naalala." He then explained.

Tumango-tango naman si Coach.

"Next time sabihin agad bago mag-umpisa ang practice." Sambit ko at tumango naman siya.

Ilang sandali pa ay natapos na rin ang meeting at nag-uwian na ang lahat. Sumabay ako kila Elona hanggang makarating sa sakayan.

"Hoy, anyare sa inyo?" Tanong ni Elona nang makita ang pagdaan ni Kaihan sa amin na siyang naka-motor.

"Oo nga, anyare? Ilang araw na kayong hindi nagpapansinan." Dagdag pa ni Andrei.

"Kamo, ilang araw na hindi pinapansin nito ni Majo si Kaihan." Sambit ni Claren.

"Ano bang tanong 'yan? Ano naman kung hindi?"

"Syempre nakakapagtaka lang kasi hindi na kayo sabay umuwi, tapos hindi pa madalas nag-uusap. Nag-away ba kayo?" Tanong ni Andrei bago pumara ng jeep.

"Wala lang talaga ako sa mood makipagkulitan sa kanya, 'tsaka ayaw niyo ba akong kasabay umuwi at parang push na push kayong isabay ako kay Kaihan umuwi?" Pagpapalusot ko.

"Gaga, syempre gusto ka namin kasabay. Magbayad kana nga." Elona then said before we gave her our jeepney fare.

Nakarating ako sa bahay at ramdam na ramdam na ngayon ang pagod at bigat ng pakiramdam. Si Ate Lea ang nagbukas ng gate at tulog na raw ang mga tao sa bahay. Dumiretso na ako sa kwarto ko para makapaghugas ng katawan at makapagpahinga na.

Living With The Passion (Living series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora