*VenTo CHAPTER: BAD Enough For You

772K 6.1K 1.2K
                                    

*VenTo CHAPTER: BAD Enough For You

Mabalik tayo sa araw bago mapunta sa detention ang tropa nila Bryle at ang tropa nila Bryan.. Bago nagkanda leche leche ang lahat dahil sa lecheng kwek kwek ni Nash. Haha. Mabalik tayo sa araw kung kailan ipinagbenta ni Bryle bilang slave ang mga kaawa awa nyang kabarkada...

TOMMY's POV

"Ok! Now we will go on to the last slave! Sabi nga nila, save the best for last, so now for slave number 3: The Perfect Gentleman, A Real Life Prince, Your Ideal Boyfriend, Tommy Lopez!" -Bryle

Wala talagang patawad tong si Bryle. Talagang pati ako ipagbebenta nya. Pero saan nya naman nakukuha yung mga introduction niya? Perfect gentleman? Real Life Prince? Ideal boyfriend? seriously? at english speaking pa sya huh!

"Hello please be nice to me ^__^"  - yan na lang ang nasabi ko pagtapos niya akong iintroduce at pinilit ko na lang ngumiti kahit na nangangawit na ako kasi naka chain pa yung magkabila kong kamay

"Kyaaaaaaaaaaaaaaah!!" -ang daming nagsigawang babae

Hays, I can't believe I'm being sold as a slave. Bakit kasi nakisama pa ko sa kalokohan nila Third eh, yan tuloy.

"Let's start the bidding!" -Bryle

"10 000!" -sigaw nung isang babae

Grabe una palang 10k na agad ang bid para sa akin?

Seriously?!

"15 000!" -isa pang babae

eh? 15 000?

"18 000!"-isa pa ulit babae

18 000? What the?

Hindi ko akalaing sa aming tatlo nila Steve ako pa ang magkakaron ng pinaka mataas na bid. Hindi ko talaga expected.

"20 000!" -isa pang babae

"23 000!"-isa pa ulit

Grabe.. pataas ng pataas yung bid

Logical pa ba to? Gagastos sila ng ganun kalaki para lang maging slave ako ng isang araw?

Alam kong maraming mayayamang studyante dito pero hindi ba parang sobra naman ata to?

"Bryle itigil mo na kaya to---" -sa wakas nagsalita din si Nash, mukhang naiisip nya rin na hindi na ata tama to kaso pinutol sya ni Bryle.

"Wait lang Nami, pagtapos nito, ililibre kita ng maraming maraming pagkaen. Ok ba yun?"

At pagkasabi nun ni Bryle, nanahimik na si Nash. Nanahimik na lang sya sa isang tabi at kumikinang kinang pa yung mata. Mukha nga pala syang pagkaen, parang si Bryle lang.

Ang tanging pag asa ko para maka takas dito sa parusa ni Bryle, nasuhulan pa nga ng pagkaen. Mukhang wala ng choice kung hindi makisama na lang sa trip ni Bryle, total isang araw lang naman to. How bad can it be hindi ba?

"Okay! Slave number 3 sold for 55 000!" -Bryle

pag sigaw nun ni Bryle nanlaki ang mata ko at ni Nash

"55 000?!" -kami ni Nash

Tumango lang si Bryle tapos may lumapit sa kanyang isang babae. Ito ata yung magiging master ko.

"Do you accept cheques?" -babae

"Yeah sure. By the way miss, what's your name?" -Bryle

"Patricia Fernandez."

"Are you a student here?"-Bryle

May interview portion pa talaga? What's gotten into him? Masyado nya atang kinacareer ang pagiging salesman.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon