CHAPTER 42- Black Knight #2?

712K 6.5K 2.4K
                                    

CHAPTER 42- Black Knight #2?

TOMMY's POV

Ba-ba-ba-ba-ba-nana. 

Ba-ba-ba-ba-ba-nana. 

Banana-ah-ah (Ba-ba-ba-ba-ba-nana.)

Potato-na-ah-ah (Ba-ba-ba-ba-ba-nana.)

Banana-ah-ah (Ba-ba-ba-ba-ba-nana.)

togari noh pocati kani mani kano

chika-baba, ba-ba-nana

"Hahaha! Bryle oh, panoorin mo to! Hahaha!" -Steve, pinanonood nila ni Third yung video ng Banana Song ng Minions yung maliliit na cute na yellow creatures na nasa Despicable Me

"Bryle, panoorin mo bilis ang astig! Parang ikaw yung isa tapos si Steve yung isa. Bilis, maganda na yung part, epic! panoorin mo! Hahaha!" -Third

Nilagay nila sa harap ni Bryle yung laptop ni Steve kung saan sila nanonood ng video pero natapos na yung video at lahat, nakatawa na si Steve at Third, pero si Bryle walang kahit anung reaksyon. Tulala lang sya dun.

Nagkatinginan na lang sila Third at Steve tapos umiling. Lumayo na ulit sila ng konti kay Bryle na naka upo lang habang nakatulala sa kawalan dito sa tambayan.

Nandito kami sa tamabayan ngayon, dito namin dinala si Bryle pagtapos nyang magwala dahil nga daw dun sa pagkawala ng ala ala ni Nash. In shock parin si Bryle hanggang ngayon, hindi lang si Bryle syempre pati kami rin no. Pero hindi na lang namin pinahahalata kay Bryle. Hindi namin pinakikitang naaawa kami sa kanya kasi mas lalo lang syang magagalit.

Sila Steve at Third kanina pang kung anu anung ginagawa para mapatawa si Bryle, pero wala pang umuubra. Sabi ko tantanan na lang nila si Bryle pero ayaw makinig nung dalawa eh. 

Maya maya sinitsitan ako ni Third kaya lumapit ako sa kanya. Si Steve pumunta sa tabi ni Bryle at naupo na lang habang hawak yung cellphone nya. Mukhang sumuko na sila. Wala na sigurong maisip na pampatawa kay Bryle.

"Oh Third anung meron?" sabi ko sa kanya pagkalapit ko, may binulong sya sa akin tapos may pinakita sakin sa cellphone nya, napatawa ako ng konti pero pinigilan ko

Lumapit kami kay Steve at kay Bryle na nakaupo sa sofa. 

"Steve pahiram nitong laptop mo huh? May ipapakita lang ako kay Bryle." sabi ni Third, tumango naman si Steve, busy sya sa kung anu sa cellphone nya eh

Binuksan na ni Third yung laptop. Tapos inopen nya yung facebook account nya.

"Bryle basahin mo tong status na to." sabi ni Third tapos nilapag nya sa harap ni Bryle yung laptop

"Ahahahahahaha! Wahahaha! Hahahaha!" sa wakas, napatawa narin namin si Bryle

"Seriously? Tumatawa ka na ulit? Anung pinagtatawanan nyo?" -Steve

"Itong status. Haha. Pakinggan mo huh? Sa mama ko, sorry. Sa mga kaibigan ko, sorry. Sa girlfriend ko, witch, sorry. At sa lahat ng mga nakakakilala sa akin sorry. Sorry, pero hindi ko na kayang itago pa ito. Ang totoo nyan, bakla po talaga ako. Sana po sa pag amin kong ito, matanggap nyo parin ako. Haha nalintikan ang gago." -Bryle

"Oi sino yan mga tsong? Kaninong status?" sabi naman ni Steve sabay silip dun sa laptop

"Sayo! Hahaha!" sabay sabay naming sabing tatlo nila Bryle kay Steve

Pagkasabi naman namin nun, kulang na lang idikit ni Steve yung mukha nya sa laptop. Binasa nyang mabuti yung nakasulat.

"Paano ako nagka status ng ganyan?! Eh kanina ko pa nga tinatry buksan sa mobile yung facebook ko pero hindi ko mabuksan! Kagagawan nyo na naman to no Third at Tommy?!" -Steve habang dinuduro kami

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon