CHAPTER 28- 2nd Semester

732K 6.3K 1.4K
                                    

CHAPTER 28- 2nd Semester

NASH's POV

"Katie.."

"Anu na naman Nash? Akala ko ba hinanda mo na ang sarili mo? Hindi ka na nga nakapag paalam kahapon, kaya dapat makapag paalam ka na kay Bryle ngayon!"

"Pwedeng one day before na lang tayo pumunta sa Tagayta--aw!" binatukan ako ni Katie

"Sa tingin mo papayagan ka nya nun?! Nash naman! Parang hindi mo kilala si Bryle eh!"

"Oo na nga Katie. Sorry na, magpapaalam na nga. Tsk." at naglakad na nga kami ni Katie papuntang tambayan

Naman oh, kinakabahan ako eh. Kahapon kinakabahan ako, ngayon kinakabahan parin? Nash naman, kailan ka pa naging weak kay Bryle? Kaya mo yan Nash! Si Bryle Stanford lang yan, ang masungit na si Bryle Stanford na kumukulo ang dugo marinig lang ang pangalan ni Bryan Go, ang lalaking anak ng may ari ng hotel na pag oojt-han mo. T__T Uwaah, Lord help me, sana pumayag si Bryle. Sana po good mood sya ngayon.

Pag pasok namin ni Katie sa tambayan..

"Wahahaha! Ahahaha! Tangna pre, hanggang ngayon natatawa parin ako! Ahaha!" -Bryle, ang saya nya ata? Lord, thank you! Lakas ko talaga sa inyo!

"Patayin niyo na nga yan! Sabi na kasing wag na iupload sa youtube eh!" -Steve na inaagaw kila Third yung laptop na pinapanooran nila ng kung anu

"Best friend wag kang kj! Ahaha! Ang ganda mo nga dito oh!" -Third na nilalayo kay Steve yung laptop

"Anung maganda dyan? Ugh! Patayin niyo na kasi yan!" -Steve na inaagaw parin yung laptop habang pinagtatawanan sya nila Bryle

"Hoy tama na nga yan. Lage nyo na lang kinakawawa si Steve." -Tommy

"Hoy Tommy, wag kang mag malinis! Kasabwat ka din nila kagabi! Pinagtulungan niyo ko!" -Steve

"Ohooy, nagmamalinis ka daw Tommy!" -Third

"Panuntok na yan!" -Bryle

"Hoy tama na nga yan! Hubby, itigil niyo na yan!" lumapit si Katie kila Third at pinatigil na sila

"To talaga si Bryle, pinagtitripan niyo na naman si Steve." sabi ko naman kay Bryle

"Eh sa nakakatawa naman talaga eh." -Bryle

"Kahit pa nakakatawa ang isang bagay hindi niyo dapat--" pinakita ni Bryle sakin yung video ni Steve na nagpopole dancing sa stage ng bar nila Tommy

"Hindi niyo dapat anu Nami? Ituloy mo nga yung sinasabi mo." -Bryle na nakangisi sa akin

"Hindi n-nyo dapat pfft-- ahahahahahahahaha! Hanep laftrip! Kinis mo Steve ah! Mas makinis ka pa sakin! Ahaha!" hindi ko na lang talaga napigilan ang tawa ko pagpaka panood ko nung video

"I know right? Ang kinis nya Nami! Haha" -Bryle

"Hala paano yan? Baka ipagpalit mo na ako sa kanya Bryle." umarte akong parang maiiyak

"Patawad Nami, hindi ko sinasadyang matukso, sadyang ang ganda lang talaga ni Steve." -Bryle na umaarte na namang humihingi ng tawad sa akin

"Na-naiintindihan ko Bryle. Handa akong palayain ka, paalam na aking mahal. Hangad ko ang iyong kaligayahan!" inextend ko yung braso ko papunta kay Bryle, alam niyo yung action na kunyare magpapart ng ways at ayaw niyong bumitaw sa isa't isa pero pinaglalayo kayo? Ganun itsura namin ni Bryle ngayon.

"Patawad Nami!" -Bryle na naka extend din ang kamay papunta sa akin

"Nakakaiyak pot@ *sniff" -Third na umaarteng nagpapahid ng luha

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon