BONUS CHRISTMAS CHAPTER: Merry F*cking Christmas Night

606K 8.6K 2K
                                    

BONUS CHRISTMAS CHAPTER: Merry F*cking Christmas Night

NASH's POV

DEC. 23

Nasa mall kami ni Bryle, nagshoshopping para sa mga regalo at sa ihahanda namin para sa Noche Buena.

"Bryle, anong magandang regalo para kay Lolo Bernard?" Tanong ko kay Bryle habang tumitingin-tingin kami sa loob ng department store.

"Katinuan?"

"Bryle!"

"Oh, edi utak?"

"Bryle naman eh! Tinatanong kita ng maayos, sumagot ka naman ng ayos. Diba sabi ko sa'yo tanungin mo si Lolo Bernard kung anong gusto n'ya? Hindi mo s'ya tinanong no?"

"Tinanong ko kaya s'ya! Kaya nga ganito yung mga sinasagot ko sa'yo dahil sa sagot n'ya sa akin eh."

"Bakit? Ano bang sabi n'ya?"

"Gusto n'ya daw si Law, o kahit brief na lang ni Law na gamit na at hindi pa nalalabhan! Nung sinabi ko sa kanyang imposibleng ibigay ko yun, nagsimula s'yang magtantrums kanina sa harapan ko at nagbantang magpapakamatay! Ugh, baliw na talaga yung matandang yun."

"Oh," yan na lang ang nasabi ko. Iba talaga ang tama ni Lolo Bernard kay Law. Kaya pala masama ang aura ni Bryle pag dating n'ya sa bahay galing mansyon nila, gawa pala ni Lolo Berns.

"So ngayon, naniniwala ka na sa akin na ang pinaka magandang iregalo sa kanya ay utak at katinuan?"

Nginitian ko na lang s'ya, I can't possibly argue with that.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Tapos na kaming magshopping for Christmas gifts kaya nagpunta naman kami ni Bryle sa grocery store para bumili ng ingredients noong mga lulutuin kong putahe para sa Noche Buena namin.

Dadamputin ko na sana yung isang pack ng strawberries, nang may nakasabay ako sa pagkuha noon.

"Chef Tj?" sabi ko. Nagulat akong makita s'ya kasi ang alam ko nasa Paris parin s'ya.

"Nash?"

"Ako nga 'to Chef. Nakauwi ka na pala, kailan pa?"

"Noong isang araw lang. I came here a day after Elida. She decided she'd spend Christmas here in the Philippines so I secretly followed her here. I'm gonna surprise her."

"Wow that's sweet. Talagang kinacareer mo ang panliligaw sa kanya no chef? You've been courting her for like what, 2 years?"

"Well, she's worth the wait, what can you do?"

"What can you do? Ahm, pwede kang lumayo sa asawa ko." Natigil ang masaya naming pagkkwentuhan ni Chef nang sumingit si-- alam n'yo na siguro kung sino. Si Bryle s'yempre, meron pa bang iba? Pinabili ko s'ya ng karne dun sa meat section at kakabalik lang n'ya.

"Bryle, long time no see. Mukhang mas gwapo parin ako sa'yo," bati ni Chef kay Bryle.

"Kailan ka pa naging mas gwapo sa akin? Muntik na nga kitang hindi napansin kasi mukha kang kawayan." -Bryle.

Speechless na lang talaga ako sa way ng pagbabatian nitong dalawang 'to. Ang tagal nilang hindi nagkita pero ganyan agad ang batian nila. Old habits die hard nga naman talaga, at mukhang malabo talagang magkasundo sila kahit ilang years pa ang dumaan.

"Nami tara na. Wala ka namang balak bumili ng kawayan diba?" sabi ni Bryle, hinihigit na ako palayo.

"Pero hindi pa kami masyadong nakakapag-usap ni Chef. Marami pa akong--"

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon