CHAPTER 2- Celebrating our SECOND ANNIVERSARY

1.1M 11.4K 2.3K
                                    

CHAPTER 2- Celebrating our SECOND ANNIVERSARY

NASH's POV

Tumigil ang sasakyan ni Bryle sa tapat ng isang restaurant. As usual, dire diretso lang sya paglabas ng kotse. Ako naman, hindi pa lumalabas kasi nga hinihintay ko syang pagbuksan ako. I mean, I am used to him not being sweet and all... pero naman diba? Anniversary namin! At least kahit ngayon lang gawin niya yun diba? At least kahit ngayon lang pagbuksan niya ako ng pinto at maging gentleman sya. Kaso...

"Hoy Nami! Ano na? Bakit ayaw mo pa bumaba dyan?" -Bryle.

Naririnig ko sya since wala namang roof yung kotse, convertible eh. Mahiluhin nga kasi ako sa airconditioned cars kaya dito niya ako madalas isakay.

"Oo na eto na nga eh diba? =__=" sabi ko tapos bumaba na ako sa kotse tapos padabog kong tinulak yung pinto.

Nakaka inis kasi. 2nd anniversary namin to, date namin to, kagabi ko pa iniisip kung anong romantic thing na mangyayari ngayong taon na to pero mukhang wala... kasi badtrip sya. Tch =___=

Simula ng makita nya yung Bryan something, hindi na sya ngumiti. Flat straight na poker face sya, ganito =_____________=

Hay, romantic nga to >__<

.

.

Umorder na si Bryle pagka upo na pagka upo namin. Nauna syang maupo sakin since ang bilis niya maglakad. Ni hindi man lang nga ako tinanong kung anung gusto kong kainin.

So sakin niya nilalabas ang pagkabadtrip niya? Kasalanan ko ba kung nakita niya yung Bryan na yun? Kasalanan ko ba kung mukhang kilala ako nun? Eh ni hindi ko nga matandaan na kakilala ko yun eh!

Habang naghihintay kami ng order...

"Oh Nami bakit ang sama ng mukha mo dyan? Anung problema mo?" -Bryle.

"Nagtanong ka pa -__-" sagot ko.

"Huh? Anu ba kasi yun?" -Bryle na patay malisya.

"Magtatangahan pa ba tayo dito Bryle?"

"Huh? Eh anu nga kasi yun Nami? Ang gulo mo!"

"Ugh! Bobo ka talaga no? Pwes kung hindi mo talaga alam kung bakit ako nagkakaganito, oh eh di sasabihin ko sayo Bryle. Unang una Bryle, anniversary natin to! Anniversary! 2nd anniversary Bryle! Tapos ano? Buong byahe, nakasimangot ka! Ang sungit sungit mo sa akin! Tapos, hinihintay kitang pagbuksan ako ng pinto, pero ano? Sinigawan mo lang ako! Ni hindi ka man lang sweet! Tapos ngayon, nag order ka na lang basta basta, ni hindi mo man lang tinanong kung anu bang gusto ko! Tapos itatanong mo sakin kung bakit ang sama ng mukha ko? Kung bakit masama ang loob ko Bryle? Ngayon sabihin mo, sinong magulo satin ngayon huh?" Hindi ko namalayan sa galit ko, nakasigaw na pala ako. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao dun sa restaurant.

Si Bryle naman, nakatingin lang sa akin. Maya maya napa face palm sya, "I really can't take this anymore. I'm just too fed up with you. Hindi ko na malaman sayo kung anung gusto mo! Lage na lang ako ang mali! Well sorry Nami huh? Sorry kung hindi ako sweet! Sorry naman!" sabi niya.
 Tumayo siya at tinalikuran na ako. Lumakad na siya paalis.

Nag walk out sya? Pero 2nd anniversary namin to... Bakit ganito?

Medyo matagal akong napatulala dun hanggang sa naisip ko, hindi to pwede. Hindi pwedeng matapos ang araw na to na magkagalit kami, special na araw to. Kaya naman kakainin ko ang pride ko. Wala muna akong pakialam sa pride na yan.

Bilis bilis akong nagtatakbo papunta sa entrance, papunta kay Bryle. Biglang may mga crew nung restaurant na humarang sa akin.

"Teka, paraanin niyo ko! Susundan ko yung boyfriend ko eh! Bryle! Bryle!" Tinutulak ko na yung mga nakaharang sa akin pero ayaw parin nila ako paraanin.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon