*VenTo CHAPTER: " IF YOU EXIST "

754K 6.6K 1.2K
                                    

Dedicated sa Alien na kumanta ng Game Over at Kumanta rin nitong bago kong song dito na If You Exist! Salamat Didong! I love you! Sana kantahin mo pa yung isa kong kanta! hehe! bibigyan naman kitang chocolate! Thank you tlga sa pag kanta nito! tsaka kila Amiel narin at Ian.. kung wala kayo, wala tong chapter.. Wala tong kanta,, so ayun thanks guys! :) love you! ~Yam

*VenTo CHAPTER: " IF YOU EXIST "

RAVEN's POV

Hanggang ngayon hindi parin ako maka get over dun sa nangyari dun sa park.. ilang araw narin ang nakalipas simula nung HINALIKAN ako ni Kuya, pero parang nararamdaman ko parin yung labi niya dito sa labi ko..

O.A. ko ba?? pero ganun tlga yung nararamdaman ko eh.. First kiss ko kaya yun! First kiss na nauwi sa pagtatae =___=

Ou, nagtae ako nung araw na yun.. aba eh sinubuan ba naman ako ng sinubuan walang tigil ng snickers =___=

Umay na umay pa tuloy ako sa snickers hanggang ngayon! ang lakas kasi ng trip ni Kuya! ni ayaw nya ako pagsalitain! gusto ko pa naman malaman yung side nya kung bakit niya ginawa yun!

kaso kinaladkad lang nya ako pauwi ng wala man lang sinasabi kahit isang salita sa akin nung araw na yun ..

at hanggang ngayon hindi ko parin sya nakaka usap..

hindi pa kasi kami nagkikita..

busy sya sa thesis kaya di sya nakaka daan sa music room..

ako naman busy sa pagppractice dun sa ippresent namin sa Highschool Day.. May special number kasi ako kasama yung isa kong classmate na lalaki.. Kakanta kami ^____^

Bukas na yung event na yun.. Mejo hindi na ako kinakabahan since sanay na naman ako mag perform on stage.. isa pa, excited pa nga akong kantahin yun eh..

Kasi yung kantang kakantahin ko, eh tlgang pinili ko para kay Kuya.. oo para sa kanya yun! ^___^

Kaya nga sana libre sya bukas.. pede naman kasing manood ang college students eh since sa field naman gaganapin yung event.. sana lang wala syang klase..

teka, eh kung sumaglit kaya ako sa music room ngayon?? baka sakaling nandun sya. maimbitahan narin yung iba pa naming kabandmates, sila kuya coco na manood rin bukas ^___^

tama.. magcucutting muna ako ngayon! haha! ngayon ko nlng naman ulit to gagawin kaya, ayos lang to! haha.. kaso pag nalaman to ni Kuya sigurado sermon na naman ang abot ko =___=

but oh well who cares! haha!

Kaya nga eto na ako.. papunta na sa music room..

Ui may tumutugtog! so andun sya??

nagtatakbo ako papasok sa music room..

"Kuya To--ow.. asan si Kuya Tommy??" -panu sila Kuya Coco lang ang andun.. wala si Kuya..

"Ah nasa library pa ata.. nag aasikaso pa ng thesis.. bakit mo sya hinahanap?? tsaka wala ka bang klase ngayon??" -Kuya Coco

"Library?? ok sige pupunta na ako dun! cutting ako ngayon! wag mo kong isusumbong kay Kuya huh??"

"Ikaw tlgang bata ka! bumabalik ka na naman sa dati huh!"

"Ngayon lang to! hehe..sya sige mauna na ako!--- ai teka! mga kuya, pag wala kayong gagawin bukas ng 4 pm, punta kayo sa may field huh?? may presentation kasi kami.. kakanta ako ^____^"

"Ganun?? sige try namin!"

"Salamat! sige kuya bbye! "

tapos nagtatakbo na ako papuntang library..

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon