*ThirTie Chapter: It's Over--- or so I thought.

624K 5.9K 609
                                    

A/n: Ito po yung explanation kung paano nagkabalikan si Third at Katie.

*ThirTie Chapter: It's Over--- or so I thought.

KATIE's POV

Pagkatapos nung nangyari sa amin ni Third dun sa hospital, hindi na kami muli nakapag usap pa. Mukhang seryoso sya sa sinabi nyang huli na yung gabi na yun na guguluhin nya ako, mukhang pagtapos ng gabing yun he decided to really let me go.

Ang bobo rin talaga ng puso ko, ako itong hindi magawang patawarin si Third tapos ngayong hindi na ako hinahabol pa nung tao, hinahanap ko naman yung presence nya, nakakabwisit lang. Alam mo yung kada minuto ata tinitingnan ko yung cellphone ko, nag aabang ng tawag o txt mula sa kanya kahit alam ko namang hindi na nya ako itttxt at tatawagan? Nakaka tanga talaga. Hays.

Dinadaan ko na lang yung stress at frustration ko sa pagiging tutok sa ginagawa ko sa ojt. Kaso minsan habang nagtatrabaho natutulala na lang ako at maiisip ko bigla si Third. Kung hindi naman si Third ang iniisip ko, si Nash naman. Haay, hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang nawala ang mga ala ala nya. More like ayokong paniwalaan. Kasi naman diba, parang masyadong cliche, para kasing dapat sa movie lang nangyayari yung mga ganun, hindi ko akalaing pati kay Nash at Bryle mangyayari yung ganun na conflict.

.

.

Ngayon nasa ojt ako. Waitress naman ako ngayon sa isang restaurant dun sa hotel. Kahit na hindi pa ok tong puso ko, kailangan parin magpatuloy ng buhay, so go parin.

Nilapitan ko yung customer na bagong dating, nakatungo sya, nagttxt sa cellphone nya.

"Good afternoon mam, would you like to order now?" sabi ko pagtapat ko sa kanya

"Well hello there." sabi nya pagharap nya sa akin, at nung makita ko yung pagmumukha nya, naalis na lang yung ngiti ko sa mukha

Anung ginagawa ng lintang to dito?

Gusto ko syang sigawan at sabihing ang kapal ng mukha nya para magpakita pa sa harap ko kaso customer sya ngayon ng restaurant kaya pinilit kong pigilin ang sarili ko.

"So.. so mam would you like to order now?" sabi ko na lang nung medyo mapakalma ko na yung sarili ko

"Let's talk first bago ako mag order." sabi nya ng may ngiting pang asar, gusto ko syang sabunutan talaga

"Just call me if you're ready to order mam." lalakad na sana ako paalis pero hinawakan nya ako sa braso

"Sabi ko oorder ako pagkatapos nating mag usap diba? So saan ka pupunta?"

Tiningnan ko sya ng matalim tapos inalis ko yung madumi nyang kamay sa braso ko.

"Anu bang gusto mong pag usapan natin?" unti unti na kong napupuno sa kanya

"Kukuhanin lang sana kitang ninang."

"Ninang? Anung pinagsasasabi mo dyan? close ba tayo?"

"Hindi tayo close, pero yung tatay nitong magiging inaanak mo I'm sure sobrang close kayo." sabi nya sabay ngiti na naman

Natigil ako nung ma process na ng utak ko yung sinabi nya. Tatay nung magiging inaanak ko?

So ang ibig nyang sabihin gusto niya akong kuhanin na ninang ng... Hindi ko matanggap. Masakit na nga saking talagang sinuko na ako ni Third tapos malalaman ko pang..

"Bu-buntis ka?" gusto kong umiyak pero pinipigilan ko, ayokong magmukhang mahina sa harap ng lintang to

"Oo.. at yung lalaking mahal mo ang ama. Ang saya diba? Kaya para mas masaya, kukuhanin na kitang ninang ng magiging anak namin kahit 2 months palang tong nasa tyan ko. So anu, payag ka ng maging ninang?"

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon