Chapter 27

2.6K 227 75
                                    

"Pota ka, Eris," Kulang na lang ay batukan ko siya. "Para kang tuko."

"What?" She laughed. Kung sampalin ko kayang utak niya? "What?"

Pinitik ko siya sa noo pero imbes na mainis at masaktan ay natatawang lumayo lang ito sa akin - pero halos magkatabi pa rin naman kami. Klase namin ngayon sa Rizal pero itong babaeng ito, hindi ko alam anong espiritu ng katangahan ang sumapi sa kanya at naisipang tumabi sa akin dito sa pwesto ko at walang kahiya-hiyang nakipagpalit kay Ana ─ na putanginang bukal pa sa kalooban no'ng isa.

Katabi tuloy nina Kara at Kean si Ana imbes na itong Eris na ito. They're ganging up on me, mga hanimal.

Simula no'ng halikan scene namin ni Eris ay mas lalo pa yatang naging clingy ang babaeng ito. Kulang na lang magkapalit na kami ng mukha dahil siya palagi ang nakikita ko. Pati tuloy sa panaginip ko siya na ang laman. Hindi ko na alam kung good thing ba iyon o hindi na, siguro okay na rin, at least walang nightmares o kung ano pa. Pero parang stressed than ever pa yata ako.

I wanted her to stop pursuing me but in this case, that's not plausible now. Kasalanan ko rin naman, hinayaan ko siya at nagpatianod ako. Ang hindi ko lang matanggap, hinayaan ko ang sarili kong makipag-share ng laway sa kanya. Pota, dapat nandidiri ako, dapat nag-toothbrush at mouthwash na ako ng sampung beses pero wala.

Tuwing naiisip ko yung halik, imbes na manggigil sa inis ay parang may kung anong kumikiliti sa tiyan ko. Parang binubulate pa yata ako, pampurga na yata ang kailangan ko. Pota talaga.

Hindi ko na lang siya pinansin at tiningnan yung handouts na inabot ng prof namin, halos patapos na ang klase. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung trip nila ako? Lagi na lang kapag nananahimik, gustung-gustong ginugulo.

Pagkatapos ng klase ay uwian na. Wala rin naman kaming pasok sa OJT dahil bukas pa, maigi na rin dahil kapag nakikita ko yung Christopher Rojas ay para bang naaasar ako kahit wala naman siyang ginagawa sa akin. Masyado siyang pursigido ayain mag-dinner itong si Eris, eh, ayaw nga.

Tanga talaga.

"Let's have a short quiz before I dismiss the class ─"

"Hala, Sir!"

"Ba't may pa-quiz bigla!"

Kaagad mga nagreklamo itong mga kaklase ko, hindi nag-e-expect ng sasagutin kung kailan patapos na ang klase. Miski naman ako, usually ganitong oras ay tatamarin na akong makinig. Pero kung katabi mo ba naman si Eris ay talagang kusa kang mapapaaral, nakakahiya naman kasi sa pagiging dedicated niyang estudyante.

Tulad ng sinabi ng professor ay may naka-ready nga itong test questions na 10 items lang naman so hindi na masakit. Related pa rin naman siya sa inaral namin today. Maybe just to check kung may na-retain sa utak namin. Or baka nakaramdam ang guro na uwing-uwi na ang mga estudyante.

"Prepare 1/4 sheet of paper."

"Beh, may papel ka ba riyan?"

"May yellow pad ako, hatiin ko sa apat ─"

"Penge ako ─"

"Mars, me three!"

Hindi pa ako nakakakilos ay inabutan na ako ng papel ni Eris. Napalingon ako sa kanya at ngiting-ngiti naman ang gaga. Tumango na lang ako at inabot iyon pero napansin kong may nakasulat sa likod ng papel na kaagad ko rin namang nabasa.

'Maria Clara, aking sinta
Ngiti ka na riyan, mag-Judge ka muna
Tanong lamang ng puso kong bitin,
Kailan mo kaya ako sasagutin? :>'

Huminga ako ng malalim. Parang nasa boiling point yata bigla yung init ng mukha ko dahil sa nabasa, pota baka makalimutan ko yung inaral namin sa kalandian nitong babaeng ito.

Discord [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon