Story 15- Who Are You

53 2 4
                                    

7-pm katapos ko lang maghanda ng hapunan para sa aming dalawa ng girlfriend ko. Kauwi ko lang galing sa work. Pareho kami ng GF kong nagtatrabaho sa isang callcenter, ang pinagkaiba lang ay pang-gabi ang schedule ko at ang pang-umaga sakanya which is convenient since delikado lalo na sa mga babae ang magbyahe sa gabi.

I texted my girlfriend.

"Babe, saan ka na?"

"Pauwi na ako Babe, malapit na," basa ko ng reply niya.

"Okay, you take care," reply ko.

Tinakpan ko na muna ang mga hinanda kong pagkain upang iinitin na lang pagdating ng girlfriend ko para sabay na kaming kumain.

***

Naalimpungatan ako dahil sa lamig na naramdaman ko, bumangon ako at hinilod ang mga mata ko. Tinignan ko ang wall clock.

11 pm. Wala parin siya.

Biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang nananamlay na girlfriend ko.

"Babe? This is too late, natrafic ka na naman siguro noh?" sinalubong ko siya.

"Water," rinig kong usal niya.

Tumayo agad ako upang kumuha ng tubig galing sa maliit na fridge sa kwarto.

Mukhang pagod talaga siya dahil padapa itong bumagsak sa kama.

"Babe, tubig mo," tawag ko lapag ang tubig sa maliit na mesa kalapit lang ng kama namin.

Wala itong imik.

Binuksan ko ang mga nakatakip na pagkain sa mesa upang initin.

"Babe subo ka muna, bago matulog. Di ka pwedeng matulog na walang laman ang tyan," mahinang usal ko.

Tanging ungol lang ang sagot niya.

Napagod talaga siguro.

A massage will do. Kinuha ko muna ang massaging liniment sa maliit na cabinet namin.

Binuksan ko muna ang TV para magising lalo ang ulirat ko.

<Flash Report>

=Isang babae, hinoldap at nirape bago pinatay sa saksak dahil nanlaban.=

Sabay flash ang ID picture ng girlfriend ko sa TV screen kasunod nun ang isang bangkay na natatakpan ng itim na garbage bag.

Napatingin ako sa kama kung saan nakadapa ang girlfriend ko. Sino itong kasama ko?

ONE SHOTS (Stories Compilation MaidenRose7)Where stories live. Discover now