Story 14-My Spy

510 11 0
                                    

Title: My Spy
Author: MaidenRose7

Characters:
Nishea Roxas
Hugo Escaño
Leon Escaño

Sa bayan ng Michugan ipinadala ang isang ispeyang babaeng nagngangalang Nishea Roxas galing siya sa bayan ng Moonbeam!

Sa panahon ngayon namamayagpag ang bayan ng Michugan dahilan kung bakit ito kilala. Sa lahat ng bayan ang Michugan ang pinakamaun-lad! Pinakamayaman! Dahil sa matalinong namumuno dito at sa matapang na heneral ng mga hukbong nagpoprotekta sa palibot ng bayan.

Kaya pinadala si Nishea upang mag-espiya at nakawin na rin ang mga documentong nagpapayaman sa bayan ng Michugan! Nagpanggap siya bilang isang manggagawa at nagtatrabaho sa tanggapan ng pinuno.

"Sa wakas! Nakita ko rin kayo!" Bulong ni Nishea halungkat ang mga nakatagong papeles, titulo at mga kontrata sa library ng pinuno ng Michugan na si Leon Escaño.

"Kapag ito nadala ko sa bayan namin, lalo na itong mga titulo, magiging pag-aari na ng bayan ko ang mga daanan at lagusan na pinagkikitaan ng Michugan! Makakaangat na ang bayan ko. Mapopromote pa ako bilang General at maisampal ko pa sa mga kababayan ko na magagaling din ang mga babae!" Napabungisngis pa siya habang pinipili ang mga titulo!

Titulo ng daanan sa may kweba, tulay at sa daanang gubat. Ito yong mga daanan na malapit para sa pagnenegosyo kaso kailangan mong magbayad sa bayan ng Michugan para makadaan. Medyo may kamahalan ang bayad!

"Aheeem. Baka nakakaistorbo ako!" Tinig ni Leon sa likod ni Nishea.

Nanigas ang katawan ng dalaga! Mukhang nahuli siya! Patay na!

"Anong ginagawa mo dito sa library ko?" Tanong ni Leon sakanya.

Dahan dahan siyang humarap at napakagat labi nalang.

"Do you find anything interesting lamb?" Taas kilay na kutya ni Leon kay Nishea.

"Ahm Lord Leon, pumunta ako dito para sana magtanong kung gusto mo ng kape, kaso wala ka."

"Talaga ba? Hindi mo ba kinuha ang mga mahahalagang papel ko na nandito?"

"Hindi po!"

"Hindi mo ba tiningnan?"

Lumapit na ang binata sakanya.

"Alam mo ba ang lahat na nandito ay top-secret documents ng bayan ko. Ano kaya ang ginagawa ng gaya mo dito?" Ani Leon hawak ang braso ni Nishea.

"Alam mo bang binibitay sa bayan namin ang sino mang nangingialam ng mga mahahalagang bagay namin!" Singhal ni Leon.

"Leon wag mong pagbintangan si Nishea!" Sulpot ng kapatid ni Leon na si Hugo at pumagitna sa kapatid niya at sa dalagang espiya.

"Hugo, wag kang makiki-alam dito!"

"Leon pwede ba, hindi spy si Nishea. Lagi kaming nandito. May usapan kaming magkikita dito. Nagkataon lang na nahuli ako ng dating!" Ani Hugo na siyang ipinagtaka naman ni Nishea.

"ANO! AT BAKIT NAMAN KAYO MAGKIKITA DITO MISMO SA LIBRARY KO!" Galit na utal ni Leon.

"Ayaw ko sanang sabihin sayo to Leon pero kami ni Nishea ay matagal ng may tinatagong relasyon. Ayaw kong pinagbibintangan siya!" Ngiting sabi ni Hugo kindat at inakbayan pa si Nishea.

Magkarelasyon?

"Totoo ba yan Nishea?" Tanong ni Leon.

"Ah eh? Kase opo!" Sagot nalang ni Nishea kesa naman mabitay siya.

"See brother, stop messing around with the girl I love." Ani pa Hugo.

Napailing naman si Leon.

Kung si Leon ang pinuno ng bayan ng Michugan si Hugo naman ang head na lahat ng hukbo ng bayan. Parehong gwapo, matipuno ang katawan at matalino kaya napaayos nila ang bayan nila.

ONE SHOTS (Stories Compilation MaidenRose7)Where stories live. Discover now