Story 3: How Much Do You Cost?

1.1K 36 0
                                    

Your heart is not a thing that I can buy with my money.=JV Fuentes.

...

Main Characters:

Jan Vincent Fuentes
Mary Jane Dela Cruz

......

(Jane pov)

"You are really amazing Jane, sa uulitin!.... Here's your cash, thanks for your hardwork." Ani Traves dinampian ako ng halik bago lumabas ng silid niya.

Nakatira at nagtatrabaho ako sa isang sikat na entertainment palace, ang Star Haven Palace bilang isang entertainer.

Dito na ako nagtatrabaho mula nung naulila ako sa mga magulang dahil sa sunog nung 16 palang ako.

Palaboy laboy ako sa kalye ng makita ako ni Louis Fuentes may ari nitong palace at doon nagsimula ang pagiging entertainer ko.

Hanggang ngayong 19 na ako.

Si Traves ay isa sa mga costumers ko.

Sa labas ang Star Haven Palace ay elegante,maganda,paraiso, tingnan pero para saaming mga entertainer dito sa loob, isa itong kalbaryo.

Ginagawa ko ang pagsasayaw at paggamit ng katawan para mabuhay and to serve the man saved me from an unknown future.

Ilang taon narin akong nakakulong lang sa loob ng palasyong to, mula nung napunta ako dito,di ko na nasilayan pa ang labas.

Kahit wala akong pamilya at kahit wala akong uuwian sa labas,namimiss ko parin ito.

Maganda naman dito,lahat ng pumapasok ay mayayaman at may kapangyarihan.

Pero parepareho ang tingin nila saamin. Nandito lang sila para sa katuwaan at parausan.

Hanggang kailan kaya ako mananatili dito?

Makakalabas pa kaya ako sa impyernong to?

May pagasa pa ba?

Haaayyyy.

Bumangon na ako at pumasok sa banyo.

Binuksan ang shower at tiningnan ang sarili sa salamin.

Napabuntong hininga na lang ako.

.......

Pagkatapos maligo at nagbihis lumabas na ako ng silid ni Traves dito sa palace.

Paglabas ko nakasalubong nang tingin ko ang titig ng isang matangkad at nakabusiness suit na gwapong lalaki na ngayon ko lang nakita dito sa palace.

Kakaiba ang tingin niya,para bang tumatagos sa mga buto ko.

Siguro isa siya sa mga bagong sponsors nitong palace.

Humakbang ito papalapit saakin.

Umatras ako.

"How much do you cost?" Tanung nito pigil ang kamay ko.

Biglang may parang kuryenteng dumaloy mula sa kamay niya na nakahawak saakin ,dumaan sa kamay ko papunta sa buong katawan ko.

"Eyyy." Tinulak ko siya at dali daling pumasok uli sa loob ng silid.

What the hell? Bakit parang naiilang ako? Kadalasan kapag may lumalapit saakin para sa serbisyo ko, I seduce them right away. Pero bakit parang nahihiya ako sa lalaking yun? Bakit parang nanliit ako bigla?

Shit. Ang init ng mukha ko at di parin natanggal ang init sa kamay ko mula sa pagkakahawak ng lalaking yun.

Huminga ako,pumikit.

ONE SHOTS (Stories Compilation MaidenRose7)Where stories live. Discover now