His Fallen Angel 2

491 17 0
                                    

(Letizia POV)

"What are you doing here!" Gulat na gulat na utal ni Laxus nung makita ako.

"We....welcome....home..." Yon lang ang nautal ko dahil di ko alam ang sasabihin at di ko maipaliwanag ang naramdaman ko habang nakatingin sa katawan niya.

"So, ano nga ang ginagawa mo dito?" Tanong niya ulit upo sa sandalan ng sofa harap ako.

Napalunok ako at umiwas ng tingin.

"Ano kase....hindi ko maiwang magisa si Earl. Pasensya na!"

"Tss sanay na siyang umuwi magisa at ayaw niyang may kasama!" Aniya kaya napatingin uli ako sakanya.

"Nagkakamali ka,oo, ayaw niyang makipaglaro sa iba pero kita kong nalulungkot siya magisa! Kailangan ka niya!" Utal ko.

Masyado na yata akong nangingialam.

"All he wants is my ex girlfriend. At ayaw niya talagang makipaglaro at magpagod dahil may asthma siya. Kaya as much as possible ayaw kong pinapagod niya ang sarili niya." Aniya hawi ang buhok.

Ex girlfriend?

Kahit gwapo o mala anghel ang mukha niya hindi parin maitago ang sungit sa mukha niya at bukod pa doon ang sakit at pagiisa sa mga mata niya.

"Aside from that, ano pang alam mo tungkol sa anak mo? I guess wala na. I think, as his father dapat di mo siya hinahayaan magisa o gumawa magisa at iiwan ng matagal!" Napalakas yata ang boses ko nung nasabi ko yon.

"Teka, ano bang paki alam mo. Ano bang alam mo? Sinabi ko na sayo, ang gusto niya ay ang mom niya! Who do you think you are getting involved in this. LEAVE!!!" Aniya hila ako palabas ng pinto at sinarhan.

Wow naman!

That bastard!

Wala man lang puso!

Walang konsiderasyon! Pinauwi ba naman ako ng ganitong oras? Kababae kong tao!

Bastos yon ah.

Ang layo ng mukha niya sa ugali niya!

Pero kahit sabihing masungit siya halata ko parin ang pagaalala niya kay Earl. Haist bakit ba ako masyadong nakikisawsaw sa magamang yon, ito tuloy naglalakad ako sa dilim!

Kaasar!

........

(Kinabukasan)

"Goodmorning Earl. Hows your sleep?" Bati ko kay Earl pagdating nito sa nursery.

"It's fine Ate Zia. By the way, thankyou for the company last night." Ngiting utal nito.

"So, iiwan ko na si Earl sa inyo!" Ani Laxus kay Celest.

"Wag kang magalala, ligtas ang anak mo kay Zia, halata namang gusto nila ang isat isa." Ani Celest.

"Yeah, it's the first time, na may gustong ibang tao si Earl bukod sa mom niya,isn't it Laxus?" Ani Xean.

Umiling lang si Laxus at tinapunan ng tingin ang anak bago tumuloy na sa kotse niya.

Haist, di man lang ako tinapunan ng tingin at hindi man lang nagsorry dahil sa ginawa niyang pagpapalayas saakin kagabi samantalang nagmagandang loob lang naman ako! Asar!

.....

"Today, babasahan kita ng magandang kwento, na maraming aral!" Kako kay Earl pagkapasok namin ng nursery.

"That's boring Ate." Aniya lapag ang bag sa upuan.

"Eh, how about puzzle?"

Iling iling lang ang sagot nito.

ONE SHOTS (Stories Compilation MaidenRose7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon