Story 10: She Caught Me Again

814 24 5
                                    

Title: SHE CAUGHT ME AGAIN
Author: MaidenRose7

A silly beautiful Thief and a handsome head Guardian naughty story.

This is not a cheating story but a funny one.

This is a hot affair between a thief and a guardian. Medyo comedy to,kaya sana mapatawa kita haha. Enjoy reading.

............

Main Characters:

Bernard Reyes

Ruth (The Lighting Thief) Ramos

Chloe Noble

Floyd

....
Narrator:

Nagkagulo ang buong mansion ng mga Noble dahil nawawala ang mamahaling kwentas ni Chloe,kagabi bracelet ang nawala ngayon ang kwentas na naman.

Ang magnanakaw ay isang kilala sa tawag na The Lighting Thief, wala pang nakakakita sa mukha nito dahil sa bilis na kumilos.

Lahat na mayayamang pamilya sa lugar ay ninakawan niya na. Iba siya sa lahat na magnanakaw,dahil hindi niya ninanakaw o inuubos lahat ang mga bagay na nanakawin niya.

Paunti unti at paisa isa.

Para kay Bernard na isang head gurdian ng buong lugar misteryo yun,ang tanging nasa isip niya lang ay ang mahuli at maparusahan ang magnanakaw na yun,

Pero paano kung?

......

(Bernard pov)

7pm

"My goodness Bernard,nagbabantay ba kayo ng maayos? Heaven! Di ko akalaing pate ako manakawan ng walang hiyang yun. Akala ko ba hinahanap niyo siya? Bakit hanggang ngayon di niyo parin mahulihuli!" Sigaw ni Chloe saamin ng mga kasamahan kong gurdian.

Nakapalibot kami sa napakalaking mansion nila.

Ninakaw ang napakamahal na kwentas ni Chloe at tanging ito lang note na hawak ko ang iniwan ng magnanakaw.

=Salamat para dito.Babalik uli ako.=
TLT.
Ayon sa note.

Nakinig na lang ako sa sermon ni Chloe saamin ng biglang nahagip ng tingin ko sa itaas sa may 5th floor ng mansion ang isang aninong nakalambitin.

Huli ka! Mukhang siya ang magnanakaw at di makababa.

Tumakbo agad ako papasok ng mansion ng mga Noble.

"Bernard bumalik ka dito! Di pa ako tapos!" Rinig kong sigaw ni Chloe.

Di ko siya pinakinggan at umakyat na papunta sa fifth floor.

Pumasok agad ako sa isang silid.

Naaninag ko ang nakatayong tao.

Binuksan ko agad ang mga ilaw.

"Huli kana ngayon!" Kako sabay lock ng pinto.

Naabutan ko ang magnanakaw na nagtatali ng mga kumot at kurtina.

"Uy mukhang nahuli ako ng isang guardian." Boses babae at humarap saakin.

BABAE ANG MAGNANAKAW!?

"Halika,nahuli na kita kaya magbabayad ka na ngayon." Kako hila sakanya pero sa isang iglap lang naitali niya sa likod ang mga kamay ko.

"Bernard,mukhang ikaw ang nahuli ngayon!" Tawa niya bago ako tinulak sa kama.

Nagpatuloy ito sa ginagawang pagtali ng mga kurtina at kumot.

ONE SHOTS (Stories Compilation MaidenRose7)Where stories live. Discover now