Story 13- Swear To Love You

602 8 0
                                    

Title: Swear To Love
Authot: MaidenRose7
Characters
Khey Ignacio
Gin Bernaldez

Nung pinayagan ako ng kuya ko na mag-aral ng martial arts somewhere in Japan, sobrang saya ko dahil sa wakas makakalaya na ako sa anino niya!

Laging nakabantay, laging nakasunod, laging nakiki-alam si kuya doon. Ang magaling kong kapatid!

Kaya mas pinili ko dito mag-aral. Sa loob ng anim na buwan naging master na rin ako at may sariling mga tauhan.

Kalayaan.
Kasiyahan.

Walang nakadikta! Ang saya pala!

Papasok na ako sa maliit na bar dito malapit sa school ko nung makuha ang pansin ko ng isang matangkad, matipuno, makisig na lalaki! Pilipino!Nakita ko na siya kanina sa klase. Hmp my type!

This is fun!

Nilapitan ko agad ang lalaki para makipagkilala.

"Hi, bagong estudyante ka ba?" Ngiting tanong ko tabi sakanya.

"Who are you?" Tanong niya.

"Isa ako sa mga masters ng paaralan mo! Ako si Master Khey." Pagmamayabang ko.

"Ah sorry Maam! Narinig ko na nga ang pangalan mo kaso akala ko lalaki. Pasensya na." Aniya.

"It's okay. Dahil baguhan ka ililibre kita ng drinks!" Yaya ko.

"Sure. It's my pleasure. Doon tayo sa private room para makapagkanta rin tayo." Aniya at tumayo na.

Not bad. Di naman ako takot dahil marunong ako sa defence kapag may gawin siyang masama may kinalagyan siya.

"Lets go!" Masayang tugon ko at susunod na sana nung may biglang may boses sa likod ko....

"Khey!" Tawag ng boses sa likod ko.

I thought life would be an endless fun and freedom until he came!

"Gin? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko!

"Your brother will be mad and angry if he saw you in a place like this." Kalmadong puna ni Gin.

Kailan pa siya nandito?
Si Gin ay kanang kamay ng kuya ko sa Pilipinas at nandito siya. Para saan?

"Pinadala ka ba ni Felix para bantayan ako? Pwede ba sabihin mo sa kuya ko kaya ko na ang sarili ko! Di mo ba alam master na ako dito kaya umuwi ka na sa Pinas!" Kako tulak si Gin.

Nagulat pa ako nung hinila ako ni Gin palabas ng bar.

"Ano ba Gin!"

"Khey, alam mo kung gaano ka kahalaga kay kuya Felix mo. Why putting yourself at risk? Sumasama ka sa mga taong di mo kilala!" Sermon niya.

"Hey hey Gin. It's Master Khey!" Hablot ng kamay ko at turo sa sarili ko!

"So?"

"Master right? Means kaya ko na ang sarili ko! Di na ako bata para bantayan niyo! Umuwi ka na sa atin! Utos ko yan sayo!" Kako at tumakbo pauwi ng apartment.

Naalala ko pa nung bata pa ako si Gin ang hatid sundo saakin sa school, yaya at bodyguard ko siya. Lahat para saakin. Mas kilala ko pa nga siya kesa kay kuya na busy sa negosyo niya.

Limang taon ang agwat ni Gin saakin at iniidolo ko talaga siya noon pa man! Pero ngayon kaya ko na ang sarili ko at ayaw na ayaw kong ituring niya akong mahina at bata pa!

Si Gin ay nakatingin lang sa likod ni Khey habang papalayo ito. Dalaga na nga ito at matigas na ang ulo. Dinukot niya ang litrato nilang dalawa na magkasama nung birthday ni Khey sa bulsa. Napailing na lang siya at tinago na muli ito. Mukhang mahihirapan siya kay Khey na matigas ang ulo ngayon kesa dating masunurin niyang senyorita Khey!

ONE SHOTS (Stories Compilation MaidenRose7)Where stories live. Discover now