Part 1

2.5K 55 1
                                    

Jessica:

bhest are you ok?..tanong sakin ni ellie ang boy bestfriend ko.

sorry na kung hindi kita nasundo sa clinic kahapon..dagdag pa niya, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya yung nangyari sa akin kahapon, pero paano ko sasabihin? ayaw ko nang maalala yung bagay na yun..

ok lang ako bhest..tipid na sagot ko saka hinawakan yung kamay niya.. si ellie yung taong never akong iniwan simula pa nung una, hindi siya nawala sa tabi ko lalo na nung mga panahong kailangan ko ng taong masasandalan siya yung nandyan, siya yung naging mata ko sa madilim kong mundo..

akala ko nung nabulag ako mawawala na lahat sa akin,pero dahil sakanya hindi ko naramdamang may kulang sa akin, hindi ko man makita lahat ng nasa paligid ko pero nandyan siya para alalayan ako, tatlong taon na  akong bulag, tatlong taon na mula nang mangyari yung aksidenteng yun.

sigurado kaba bhest ok ka lang? simula kasi nung galing ka sa clinic ang tahimik mo na daw sabi nila tita?..tanong ulit niya kaya napahinga  ako nang malalim, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya yung nangyari, dapat ko pabang sabihin sakanya?

uo naman bhest ok lang ako..sagot ko saka pilit na ngumiti..

hhhmmm kilala kita je alam kong hindi ka ok pero dahil kilala nga kita hindi kita kukulitin..huling sinabi niya, kilala kasi niya ako na pag sinabi kong ok lang ako kahit hindi ayaw ko na nang kinukulit ako..

hoy san ka pupunta iiwan mo na naman ako?..sigaw ko nung maramdamang tumayo siya at naglakad palayo sa akin, hindi ko man nakikita pero ramdam ko..

relax bhest may kukunin lang ako sa kotse..sigaw niya pabalik dahil medyo nakalayo na siya sa akin, ano na naman kayang kukunin nang mokong na yun..

napahinga nalang ako nang malalim nang maramdaman kong mag isa ako, nakaramdam ako ng takot, pakiramdam ko anumang oras pwede na namang maulit yung nangyari, kaya ko bang itago to? kanino ko ba dapat sabihin yung nangyari sa akin?

bhhhhhheeessssttt...sigaw ni ellie kaya nagulat ako, anong nangayari?

hoy anong nangyari? bakit ka nangyayakap?..inis na sabi ko, bigla ba namang sumigaw ng malakas saka ako niyakap nung malapit sa akin..

hoy ano ba..pagtataray ko pa habang yakap niya ako, pano ba naman mas humigpit yung yakap niya..

may goodnews ako..masayang sabi niya saka bumitaw sa pagkakayakap sa akin at hinawakan yung magkabilang kamay ko..

katatawag ni doc. carlos nakausap daw niya yung isang kaibigan niya sa kilalang ospital at siya na ang bahala sayo, may donor kana bhest..sigaw niya kaya napayakap ako sakanya,,seryoso ba? sa loob ng tatlong taong paghihintay ko? makakakita na ulit ako?

makakabalik kana sa dati mong buhay bhest..naiyak naman ako sa sinabi niya, sa ilang taong pagdarasal ko na sana makakita ulit ako, eto na yun dininig na yung dasal ko..

mag uumpisa ako ulit, kakalimutan ko lahat ng masamang nangyari sa buhay ko, lalong lalo n yung araw na pinakamasakit na nangyari sa akin..

YOU CAN'T CHANGE WHAT HAS ALREADY HAPPENED , SO DON'T WASTE YOUR TIME THINKING ABOUT IT . MOVE ON , LET GO , AND GET OVER IT ..pilit kong sinasabi sa sarili ko ng paulit ulit..

================≠========================

MY DIRTY LITTLE SECRETWhere stories live. Discover now