Last Part

1.2K 59 10
                                    

Jessica:

love may problema ba?ilang araw ko nang napapansin lagi ka nalang umiiwas..seryosong tanong ko kay ellie habang kumakain kami, nandito kami sa office ngayon para ayusin yung ibang gamit namin, dalawa lang kami ngayon dito dahil walang pasok.

tatlong araw na nga din pala yung nakalipas mula nung nagkita kita kami sa resto at simula nung naging iba na yung pakikitungo sa akin ni ellie, parang umiiwas na siya.

gusto mo pa bang ituloy tong kasal na to?seryosong tanong niya kaya napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ko at binitawan yung hawak kong kutsara.

love ano bang klaseng tanong yan?..kinakabahang tanong ko, para kasing ibang ellie yung nasa harap ko ngayon..

je tama na, huwag na tayong maglokohan..seryosong paring sabi niya kaya napahinga ako nang malalim, ano bang problema niya?..

sinubukan ko naman je, ginawa ko lahat para mapasaya ka, minahal kita ng buo, binigay ko lahat..naiiyak nang sabi niya kaya napalunok ako, bakit pa siya nagkakaganito..

love ano bang problema? masaya naman ako ah..naiiyak na ding sagot ko pero umiling siya.

pero hindi tulad ng saya pag siya yung kasama mo!ibang iba ka pag siya yung nasa harap mo..mataas nang boses na sabi niya kaya napahilamos ako sa mukha ko, alam ko na kung sinong tinutukoy niya..

mahal mo ako pero hindi buo dahil siya parin yung nandyan sa puso mo..hindi na niya napigil yung luha niya kaya mabilis akong tumayo para lapitan siya pero mabilis din siyang tumayo para umatras at hindi ko siya malapitan..

je kitang kita ko kung paano mo siya titigan, at kitang kita ng dalawang mata ko kung paano mo siya halikan na ni minsan hindi ko  naramdaman.. je ni minsan hindi ko nakita sa mata mo yung tingin kung paano mo siya tingnan..umiiyak nang sabi niya kaya napayuki ako, ano ba tong nagawa ko, nasasaktan ko yung nag iisang taong hindi ako iniwan at pinabayaan sa lahat ng pinagdaanan ko..

love wala na yun, matagal nang tapos kung anuman yung meron sa  amin, ikaw na yung mahal ko, sayo ako magpapakasal..umiiyak na ding sabi ko pero mabilis siyang umiling iling..

huwag mo nang lokohin yung sarili mo je, tama na..umiiyak paring sabi niya.

alam ko namang sinubukan mo ring mahalin ako, ramdam ko yun at thankfull ako dahil naramdaman ko yun, pero hindi ako yung talagang nagpapasaya sayo je, hindi kita kayang itali lalo alam kung hindi ka talaga magiging masaya..seryosong sabi niya saka pinunasan yung luha niya..

love huwag namang ganito oh..humahagolhol na ako ng iyak dahil sa mga naririnig ko sakanya..ayaw ko nang ganito kami..

lumapit naman siya sa akin at hinawakan yung kamay ko, pero nagulat ako nung alisin niya yung singsing na sinuot niya nung nagpropose siya..

hindi bagay sa kamay mo to je, hindi ako ang dapat nagsusuot ng singsing sayo..malaya kana je,  puntahan mo na siya huwag mo nang pahirapan yung sarili mo..nakangiting sabi niya pero mabilis ko siyang niyakap..

love hindi totoo yan, ikaw yung mahal ko, magpapakasal tayo..umiiyak paring sabi ko, naramdaman ko naman yung kamay niya sa likod ko..

mahal kita je mahal na mahal kaya ginagawa ko to..pinapalaya na kita at sana makita ko na yung totoong saya sa mga mata mo..seryosong sabi niya habang yakap ako, pero hinigpitan ko lalo yung yakap niya sa akin, ayaw ko siyang bitawan...

dont worry ok ako je, tanggap ko na..nakangiting sabi niya nung pilit niyang alisin yung mga kamay kong nakayakap sakanya..

be happy ok..huling sinabi niya bago ako talikuran,, para akong nanghina sa mga nangyayari, gusto ko siyang habulin pero hindi ko maihakbang yung mga paa ko..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY DIRTY LITTLE SECRETWhere stories live. Discover now