Part 27

733 40 5
                                    

Jessica:

hays nakakains ano ba tong nagawa ko? bakit ba ginawa ko yung kay deans, ggggrrr nakakains..

ayaw parin akong patahimikin ng nangyari nuon, halos magdadalawang  taon na yung lumipas pero bumabalik balik parin sa akin yung nangyari, ang hirap kalimutan.

hoy mars anong nangyari sa inyo? LQ agad?..tanong ni kyla nung makita ako, kanina pa yata to nasa pinto, nakita at narinig niya siguro yung nangyari.

grabeng sumpong naman yan bhest, nilalambing ka lang nung jowa mo pero ang aga binugahan mo agad ng apoy..ngising sabi niya kaya napahilamos nalang ako ng kamay sa mukha ko.. bakit ko nga ba ginawa yun?..

hindi ko naman maitatanggi na mali yung ginawa ko, pero natatakot ako, natatakot ako sa pwedeng mangyari pagnalaman niya yung lihim na tinatago ko, gusto kong sabihin sakanya habang maaga pa para kung iwan man niya ako kakayanin ko pa..

hay naku bhest day dreaming?kung ako sayo ikaw naman yung manuyo, nakalimutan mo yatang ngayon na sila uuwi pero pang aaway yung pabaon mo..daldal niya kaya wala akong nagawa kundi mapahinga ng malalim.

bruha ka wala naman kasalanan sayo yung tao tapos pinagbuntunan mo nyang sumpong mo..pagtataray niya saka ako tinalikuran, napaupo nalang ako nung makalayo siya. para naman akong batang hindi nabigyan ng candy dito sa itsura ko..

hoy bhest, nangyari sayo?wala si tita dito para bigyan ka ng candy..pang aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin, wala kana nga sa mood,aasarin kapa..

ano ba talagang gusto mo jessica?kaninang nilalambing ka para kang dragon..

tumayo kana dyan, kumain na tayo, remember marami pa tayong gagawin. seryosong sabi niya kaya inabot ko yung kamay ko para itayo niya ako, napalingon naman ako sa paligid ko nung pakiramdam ko may nakatingin sa akin, i mean sa amin..

hoy ano bang hinahanap mo? o should i say sinong hinahanap mo..si ellie na kanina pa pala nakatingin sa  akin, inikutan ko lang naman siya ng mata saka tinalikuran narinig ko pa yung pag tawa niya ng mahina.

habang naglalakad ako papunta sa kubo iniisip ko naman kung paano kakausapin si deans, alam ko naman mali yung ginawa ko sakanya baka nagtatampo na yun at mas malala e baka galit sa akin yun.

malayo palang ako sa kubo rinig na rinig ko na yung tawa ni kyla. nandun na din si caitlyn at doc bie, hhmm nandun na din ang bebe ko, haha ang seryoso nang mukha niya habang umiinom ng kape..

o wala kanang sumpong?..bungad ni kyla saka tumawa pero inikutan ko lang siya ng mata, hindi manlang ako tiningnan ni deans, hays ano pa nga bang aasahan ko alangan naman pansinin pa niya ako pagkatapos nung ginawa ko sakanya kanina, walang imik akong naupo sa tabi niya pero hindi parin siya umiimik..pinagtitinginan tuloy kami ni bie at caitlyn natawa naman lalo si kyla.

tawa ka nang tawa dyan ky..si ellie habang nagtitimpla ng kape..

goodmorning doc bie/ caitlyn..nakangiting bati ko sa dalawang nasa harap ko,ngumiti naman silang dalawa at bumati din pabalik, nginunguso naman ni bie tong lalaking nasa tabi ko na tahimik na umiinom ng kape..

ui bb..pabulong na tawag ko sakanya saka tinutusok yung tagiliran niya pero parang wala siyang narinig at nararamdaman kaya napanguso ako,galit yata talaga siya..

kyla kasya naman tayo dyan e paupo na..napatingin naman kami kay ellie na tinutulak pa si kyla sa upuan para makaupo siya, para na namang asot pusa tong dalawang to..

you can sit here..napalipat naman yung tingin namin sa nagsalita, sino paba edi si deans saka tumayo sa kinauupuan niya.

huh? hindi kapa yata tapos kumain?..tanong ni ellie mabilis naman siyang umiling

nah!im done..tipid na sagot lang niya saka naglakad palabas ng kubo, bagsak naman yung balikat kung nakatingin sakanya.

luhh hindi naman kumain si doc diba? nagkape lang kaya yun..si caitlyn habang kumakain kaya napahinga ako nang malalim, kasalanan ko to e..

sino ba naman kasing gaganahan kumain kung ang pa almusal sayo ng bebe mo e apoy..si kyla kaya binato ko siya ng saging na nasa harap ko..natawa naman sila sa ginawa ko..

hahaha habulin mo yun mars, magsorry ka, kantahan mo., "huwag sanang magtampo sorry na pwede ba?' ganun..daldal ni kyla kaya mas lalo lang natawa tong tatlong kasama ko dito..

baliw ka..pagtataray ko sakanya, pinagtawanan lang naman niya ako..

hahah baliw pala ha hahabulin din naman pala..narinig ko pang sigaw niya nung lumabas ako ng kubo para puntahan si deans, hhmm nasan naman yun..

bakit hindi ka kumain? mahaba pa yung biyahe niyo mamaya..seryosong sabi ko sakanya pagpasok ko dito sa bahay na tinutuluyan nila, nag aayos niya ng gamit niya sa maleta, apaka organize naman ng mga gamit niya, sabagay doctor nga naman..

sorry na bb..malambing na sabi ko saka naupo sa tabi niya..

its fine!hindi lang siguro ako yung gusto mong makita at malambing sayo kanina..seryosong sagot niya kaya kumunot yung nuo ko, hhmm sabi ko na nga ba e may nakatingin sa amin ni ellie kanina, sigurado ako siya yun..

bb hindi naman sa ganun, sorry na hindi ko sinasadya..ang sama lang kasi ng panaginip ko..sorry talaga..pagpapaliwanag ko sakanya, napatigil naman siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin, akala ko naman ok na pero saglit lang niya akong tiningnan tapos tinuloy na ulit yung ginagawa niya..

sorry na kasi please..parang bata nang sabi ko saka humawak sa braso niya kaya napatigil siya sa ginagawa niya, ikikiss ko sana siya sa pisngi pero bigla siyang humarap kaya ang ending magkadikit yung labi namin ngayon, nanlaki pa yung mata ko sa gulat at siya naman ilang beses napalunok..gggrrrr ano na jessica..

apology accepted..abot tengang ngiti ng lokong to nung maghiwalay yung labi namin..

ay wow yun pala yung sagot para ma accept yung sorry ko..pagtataray ko natawa naman siya,nagulat pa ako nung bigla niya ulit akong hinalikan ng mabilis sa labi,as in mabilis lang..(bakit jessica gusto mo matagal? haha shut up mind)..

hoy wong namihasa ka naman..pagtataray ko pero ang loko lalo lang akong pinagtawanan..

gumanti lang ako, ikaw na unanang humalik sa akin..taas babang kilay na sabi niya kaya pakiramdam ko biglang namula yung mukha ko, sira ulong to,, sa pisngi lang dapat yun..

your blushing bb..pang aasar niya kaya mabilis ko siyang binatukan, nasa mood na siyang mang asar..pero masaya ako na ok na kami.

tse blushing mo mukha mo wong..pagsusungit ko pero tinawanan lang niya ako..

i will miss you bb! can i visit you here weekly?..seryosong sabi niya, hindi ko alam kung kikiligin ako o matatawa, weekly talaga akala mo naman napakalapit lang..

bb seryoso ka weekly? nakalimutan mo yatang doctor ka..natatawang sagot ko kaya napanguso siya at napabuntong hininga..

pwede ka naman pumunta dito bb pero huwag naman yung weekly, sobrang hirap naman nun syempre lagi ka ding pagod sa ospital..paliwanag ko sakanya, matatagalan pa kasi kami dito, maybe 5months or more..

hayaan mo pag may free time din ako, ako naman yung pupunta sayo..at yun na nga yung ngiti niya abot tenga na naman..

really?..wala na siyang mata habang nakangiti, cute ng batang to haha..

opo, bakit ikaw lang ba yung kayang mag effort..mayabang na sabi ko kaya natawa siya.

sana walang magbago deans pagnalaman mo yung tinatago ko. sana nandyan kaparin pagdumating yung araw na kaya ko nang sabihin sayo..

MY DIRTY LITTLE SECRETWhere stories live. Discover now