Part 21

677 42 2
                                    

Jessica:

hoy mare anong nangyari sayo? bakit namumula ka?..si kyla nung makita ako, gggrrrr bwesit ka wong, sino ba namang hindi mamumula sa ginawa niya? bumulong ba naman sa mismong tenga ko at ramdam na ramdam ko yung init nang hinga niya, tapos idagdag mo pa yung sinabi niya, hindi ko alam kung biro ba yun o totoo.

huh? namumula?..kunwaring tanong ko, pero ramdam ko naman talaga yung pag init ng buong mukha ko kanina pa..

sa init lang siguro ko..dagdag ko pa saka hinawakan kunwari yung mukha ko..

ai wow edi ikaw na yung mistisa, sana all..pang aasar niya kaya inikutan ko siya ng mata, mang aasar pa e hindi ko na nga alam kung paano pakalmahin tong puso ko kanina pa nagwawala charrr..

tse ikaw kasi kulay chocolate..pagtataray ko kaya bigla niya akong sinamaan ng tingin..

ok lang masarap naman..bigla din tawa niya, nakaisip agad nang isasagot tong bruha na to..

edi ikaw na masarap, kaya pala walang jowa..pang aasar ko din kaya nakatikim ako ng hampas sa braso, ang bigat talaga ng kamay ng bruha na to..

hoy maiba ako, anong ginawa mo dun sa kubo? nagpacheck up ka din ba?..biglang tanong niya kaya napalingon ulit ako sa kubo kung saan ako galing kanina, wala na si deans dun, yung isang doctor at nurse na yung nandun..

looking for me..biglang sabi ng boses sa kabilang side ko..

ang kabayo..napasigaw nalang ako sa gulat kaya natawa siya pati si kyla, sabay ko naman silang sinamaan ng tingin..

bat kaba nang gugulat..masungit na sabi ko.

hindi ko naman sinasadya..parang batang sagot niya,,siguro kung walang hawak to nakakamot na naman sa kilay niya,, gusto mo ako na kumamot? hahaha

i just want to say thank you for this..sabay angat niya nung plato at tasang dala ko kanina, napatingin naman ako kay kyla na nagpapalipat lipat yung tingin sa amin ni deans.

hoy jessica siya ba yung doctor mo?yung doctor mo aannnggg...hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya dahil tinakpan ko nang kamay ko yung bibig niya,

tahimik kyla,uo doctor ko siya, siya yung doctor na nag opera ng mata ko..pagtataray ko kay kyla pero bigla niya akong tinawanan..

kalma hoy..napaghahalataan ka e..tumatawang sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay, napaghahalataang ano?..

gggrrr kyla dun kana nga..taboy ko sakanya sabay tulak palayo sa amin ni deans, baka kasi kung ano pang sabihin ng bruha na yun..

are you done eating?..tanong ni deans nung maitulak ko si kyla..

uo kanina pa, anong oras na kaya, brunch na yan hoy..seryosong sagot ko, bigla namang kumunot yung nuo niya, nagsalubong tuloy yung kilay niya..

stop calling mo hoy..masungit na sabi niya kaya natawa ako,

what's funny?..tanong niya pero lalo lang akong natawa, akala ko naman kung anong kasalanan ko sakanya , yung lang palang hoy na tawag ko..

stop laughing, hahalikan kita dyan..seryosong sabi niya saka lumapit sa akin kaya natahimik ako..wala din palang preno bunganga ng mokong na to, pero bigla na naman bumilis yung tibok nung puso ko nung nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko..

kumain kana, malamig na yang sabaw mo, your welcome.bye..dire diretso kung sabi sakanya saka mabilis na tumalikod at naglakad palayo sakanya, pakiramdam ko kasi namumula na naman yung mukha ko..ggrrrr kanina kapa wong

MY DIRTY LITTLE SECRETWhere stories live. Discover now