Part 11

740 37 2
                                    

Jessica:

huwag!!!!please huwag mong gawin sa akin to,parang awa muna...umiiyak na sigaw ko, hindi ako makahinga sa hawak niya, hindi ako makagalaw sa ginagawa niya..

wala akong ibang magawa kundi umiyak,..

hey jessica are you ok? why are you crying..bigla akong napabalik sa wisyo sa narinig ko, shit ano yun? bakit ganun?

may masakit ba sayo?..halata sa mukha niya yung pag aalala nung iaayos niya ako nang tayo, natapilok nga pala ako at nasalo ako ni deans..

pero bakit ganun? bakit bumalik sa akin yung nangyari nung araw na yun.

hey!..bigla naman akong napaiktad nung hawakan niya yung mukha ko..

bakit ba ganito yung pakiramdam ko, bakit?

anything wrong?..tanong ulit niya, pero ramdam kong wala ako sa sarili ko sa mga oras na to..

walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko, tinalikuran ko siya at nag umpisang maglakad palayo sakanya,naramdaman ko yung paghakbang niya palapit sa akin

huwag kang lalapit! umuwi kana..sigaw ko saka binilasan yung paglakad papasok sa bahay..

tinawag pa niya ako pero hindi mo magawang lumingon, andaming tumatakbo sa isip ko, hindi ko alam bakit ganito yung pakiramdam ko..

jessica nakaalis naba si deans?..si mama nung makita akong pumasok sa loob ng bahay pero wala siyang nakuhang sagot sa akin pabalik, walang salitang lumabas sa bibig ko, tiningnan ko lang sila ni papa na nakatingin din sa akin.

jessica anong nangyari sayo? seryosong tanong ni papa pero walang salita ang lumabas sa bibig ko at patakbong pumasok sa kwarto ko..

pabagsak akong napaupo sa bed ko, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko, bakit ganun? bakit ko naramdaman ulit yun? bakit bumalik na naman sa akin yung nangyari nung araw na yun?

bakit?..

kinuha ko yung isang unang ko at tinakip sa bibig ko para sumigaw nang malakas, parang sasabog yung dibdid ko sa bigat nang nararamdan ko..

pilit kong kinakalimutan yung araw na yun pero bakit bumalik na naman, akala ko ok na ako, akala ko ok na ang lahat..

bakit kay deans ko naramdaman yung takot na yun?

MY DIRTY LITTLE SECRETWhere stories live. Discover now