Part 3

898 42 5
                                    

Jessica:

bhest ready kana ba?..tanong sakin ni ellie, on the way na kame ngayon papunta ng hospital , hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Masaya ako dahil konting panahon nalang makakakita na ulit ako pero mas nangingibabaw yung takot ko..

bhest..nagulat naman ako sa pagtawag niya ulit sakin, napahinga naman ako nang malalim, kailangan kong magfucos sa operasyon ko, kailangan kong makakita ulit..

yes bhest ok lang ako..tipid na sagot ko habang  nilalaro yung mga daliri ko para kumalma..

huwag kang kabahan bhest hindi pa naman ngayon ang operasyon mo, iche check kapa nung doctor, and for sure kung ano anong test pa ang gagawin..seryosong sabi niya dahilan para mapabuntong hininga ako, sana kayanin ko.

pero im sure naman na kahit anong test pa yan kayang kaya mo, and soon makikita mo na ulit yung kagwapuhan ko..natawa  naman ako sa sinabi niya, pero tama naman siya gwapo naman talaga siya, kaya nga nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon hindi pa siya nag gigirlfriend, minsan nga naiisip ko kung bakla ba siya.

wow ha kung makatawa ka dyan, bakit hindi ba ako gwapo?..pagsusungit niya kaya mas lalo akong natawa..

see napatawa din kita, ganyan dapat gusto ko lagi kang masaya, ayaw kong nalulungkot ka..malambing na sabi niya kaya napangiti ako, napakaswerte ko talaga sa taong to..

bhest thank you ha, sobrang thank you sa hindi mo pang iwan sa akin..seryosong sabi ko sakanya, naramdaman ko naman yung kamay niya na humawak sa kamay ko.

no need to thank me je, gusto ko tong ginagawa ko, gusto ko lagi akong nasa tabi mo..malambing na sabi niya kaya mas lalo akong napangiti .

gusto kitang makasama hanggang dulo..bulong na pagkakasabi niya pero rinig na rinig ko..

bhhheessstt..magsasalita palang sana ako nung bigla niya akong i cut.

nandito na tayo bhest..biglang sabi niya, ramdam ko yung lungkot sa boses niya, tingnan mo to nagbago na naman bigla yung mood..

o dahan dahan..habang inaalalayan niya akong bumaba ng kotse..

bhest bakit dito? akala ko ba sa ibang ospital na..kinakabahang tanong ko, kung maari ayaw ko nang bumalik dito..

ngayon lang bhest, pero sa operasyon mo dun na tayo sa malaking ospital, tumawag kasi sa akin kanina yung secretary ni doc carlos sinabi na dito na muna tayo pumunta, yung doctor na  mag oopera sayo ang pupunta dito..paliwanag niya kaya kumunot yung nuo ko, seryoso ba? yung doctor pa talaga ang pupunta dito?

teka teka bakit dito? kelan kapa gumamit ng elevator...takang tanong niya nung makapasok kame ng ospital at sa harap ng elevator kame tumigil,, sa tagal kong pabalik balik sa ospital na to halos kabisado ko na kung san ako pupunta at yung dadaanan ko.

simula nung nabulag ako never na akong sumakay sa elevator dahil sa lugar na yun ako nabulag, dahil sa aksidente sa loob ng elevator kung bakit nawala yung paningin ko.

naalala ko na naman yung araw na yun, sobrang saya ko dahil team ko yung napili para gumawa ng isang malaking hotel, im engineer jessica galanza. Pero hindi ko inaasahan na kapalit ng saya na yun yung ilang taong lungkot..

sigurado kaba dito bhest?nag aalalang tanong ni ellie pero hindi ako umimik at hinila ung kamay niya para alalayan ako papasok  ng elevator, mas gugustuhin ko nalang sa lugar na to at harapin yung takot ko, kesa sa lugar na ayaw ko nang maalala..

MY DIRTY LITTLE SECRETWhere stories live. Discover now