Part 17

645 46 4
                                    

Jessica:

hays nakakapagod na biyahe, sobrang layo pala mula airport hanggang dito sa site, nandito na kami ngayon sa cebu para sa project namin, hospital kasi yung itatayo dito at company namin ang napili nilang gumawa.

hi po maam/sir..bati ng isang matandang lalaki ng sumalubong sa amin pagbaba ng van, nandito kami ngayon sa site dito kami mag sstay hanggang sa matapos itong project namin.

hello po manong, magandang hapon po..balik na bati ko, ngumiti naman siya.

kayo po ba si engineer galanza?..nakangiting tanong niya kaya tumango ako ng nakangiti..

opo ako nga po, at eto po pala yung mga kasama kong engineer at architect..sabay turo sa mga kasama ko..

si engineer ellie de jesus po, at architect kyla atienza..pakilala ko sa dalawang kasama ko, kami, sabi kasi ng boss namin dito na kami kumuha ng mga magiging laborer sa gagawing ospital, tama nga naman siya makakatulong pa kami sa mga tao dito para mabigyan sila ng trabaho hanggang sa matapos tong ospital, maliit lang naman na ospital yung gagawin, malayo kasi sa bayan itong lugar nila kaya maganda din yung naging desisyon ng mga namumuno sa lugar na to na magpatayo ng ospital..

magandang hapon po sa inyo maam/sir..bati niya kay ellie at kyla na inaantok pa..

tay ellie nalang po..si ellie nung makalapit sa amin.

kyla nalang din po tay..si kyla na nag aayos ng buhok, gulo gulo kasi yung buhok niya..

sige po..ako po pala si jun..pakilala naman ni tatay,, ayan nakitatay na din ako hahaha..

jessica nalang din po tay ha..biglang sabi ko nung tumingin siya sa akin, para kasing hindi niya alam kung anong itatawa niya sa akin..

sige mga anak tara na dun sa tutuluyan niyo..saka kami sinamahang maglakad papunta sa bahay na tutuluyan namin..

habang naglalakad kami nagtanung na kami kay tatay kung may mga makukuha bang laborer sa gagawing ospital at mabilis naman siyang sumagot na marami ngang pwedeng magtrabaho..

naku malaking tulong din yan sa mga tao dito, kasi yung iba pag hindi buwan ng pagbubukid wala din trabaho..paliwanag niya kaya napangiti ako,

sige po tay kung sinuman po yung mga kakilala nyong pwedeng magtrabaho ipatawag nalang po natin bukas para masabi sakanali yung mga gagawin..si ellie kaya mabilis naman tumango si tatay jun, sya pala ang namumuno sa lugar na to..

bago kami makarating dun sa bahay napupuntahan namin napatingin ako sa bahay na nasa tabi lang ng mismong tutuluyan namin, medical mission nakalagay sa banner, teka wag mong sabihing sila deans yung doctor na pupunta dito? speaking of deans hind ko pa pala nachecheck yung phone ko mula kanina pa..

hhhmm 2missed calls galing sakanya, pero wala namang message..

eheemm mukhang may inaabangan tayong message..si kyla na nasa likod ko na pala🤦..

doctor ko?wow ha kelan kapa nagkaroon ng sarili mong doctor?..daldal parin niya kaya sinamaan ko siya ng tingin, apakadaldal talaga nito..napatingin naman ako kay ellie na nakakunot ang nuo ngayon kaya napabuntong hininga ako..

MY DIRTY LITTLE SECRETWhere stories live. Discover now