Part 33

1.2K 61 16
                                    

Jessica:

jessica please forgive me...si deans habang umiiyak..

sinabi na ngang ayaw ka nang makita at makausap ni jessica diba?ano bang mahirap intindihin dun?..galit na sigaw ni ellie saka tinulak si deans..

tumahimik nga kayo..inis na sigaw ko, paano ba pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa mall..

please jessica for the last time kausapin mo ako,pagkatapos nito hinding hindi na kita guguluhin..seryosong sabi ni deans kaya napalunok ako, alam kong seryoso siya sa sinasabi niya..

ano pa bang pag uusapan deans? wala na tayong dapat pag usapan pa..malinaw na sa akin lahat,hindi ko na kailangan ng paliwanag mo..seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya, itutulak pa sana siya ni ellie pero humarang ako..

ellie tama na..pagpigil ko sakanya kaya napahinga ng malalim si ellie..

tigilan mo na ako deans, ikakasal na ako kay ellie, kaya pakiusap lang layuan mo na ako..dagdag ko pang sabi, nakita ko naman sa mga mata niya yung sakit sa sinabi ko, pero kailangan kong gawin yun para tigilan na niya ako, 8 months na din yata niya akong sinusuyo para kausapin siya, hindi ko din maintindihan yung sarili ko kung napatawad ko na ba siya o hindi pa,,ang gusto ko lang tigilan na niya ako..

im sorry..alam kong mahirap mapatawad yung nagawa ko, i wish your happiness jessica..huling sinabi niya habang tumutulo yung luha niya, nakatingin lang ako nung tumalikod siya, pero nagulat ako nung bigla siyang naglakad pabalik sa akin at bigla akong niyakap,sobrang higpit ng yakap niya hindi ako makahinga, pero bakit ganun? bakit bigla akong kinabahan? bakit ganito yung pakiramdam ko, bakit biglang tumulo yung luha ko..napapikit nalang ako sa sobrang bigat ng pakiramdam ko...pero pag mulat ng mata ko wala na si deans sa harap ko..

je..huy gising nanaginip ka..bigla naman akong napabalikwas nung maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko..

panaginip? panaginip lang lahat ng yun?..

ayos ka lang?..tanong  ni ellie na nag aalala kaya napatingin ako sakanya, ilang beses pa akong kumurap dahil yung suot niyang damit ngayon yun yung suot niya sa panaginip ko..

masamang panaginip ba?tanong niya ulit kaya napabuntong hininga ako..

bakit ganun yung pakiramdam ko? bakit ganun yung panaginip ko?..

ok kana? pwede na tayong umalis?..si ellie habang kinukuha yung gamit niya, may dinner nga pala kaming dalawa ngayon, tumayo na din ako para ayusin yung sarili ko, hindi parin mawala sa isip ko yung panaginip ko, parang totoo..

habang nasa biyahe kami ang daming kwento ni ellie pero parang wala ako sa sarili ko, mag dadalawang buwan na akong walang balita kay deans mula nung galing siya sa bahay, tumigil na din yung pagpapadala niya ng bulaklak sa office araw araw, napahinga nalang ako nang malalim, bakit ba iniisip ko siya?

pagdating namin sa resto na kakainan namin nagpaalam muna ako kay ellie na mag rerestroom, gusto kong maghilamos, pakiramdam ko kasi wala ako sa sarili ko sa dami nang tumatakbo sa isip ko kung ano ang nangyari at bakit ganito yung pakiramdam ko, pero iisang tao lang yung dahilan nun, hays bakit ba hindi siya mawala sa isip ko..

hello doc bie! yes doc pabalik na po ako, opo doc sige po ako nang bahala kay doc wong mamaya pagpasok ko, opo doc dala ko na po yung mga gamit niya galing sa bahay niya..bigla akong napatigil sa ginagawa kong paghihilamos nung marinig ko yun, doc wong? si deans b?..

hello mads nakausap ko na si doc bie, ako nang bahala kay deans, dala ko na din yung mga gamit niya, papunta na din ako dyan..para naman akong binuhusan nang malamig na tubig sa narinig ko..si deans? anong nangyari?..

hay naku mads kung pwede ko nga lang pingutin yang batang yan para magising na ginawa ko na e,masyado naman nyang sinarapang matulog, akalain mo yung mag two months nang nakahiga dyan..rinig ko paring usapan nila, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, ano bang nangyayari? si deans ba talaga yung pinag uusapan nila, nakahinga lang ako nung lumabas ng restroom yung babaeng nasa tabi ko kanina..

palabas na din sana ako  nung mapansin ko yung id na nasa lapag..

dennis revilla..

teka nurse siya sa ospital kung san nagtatrabaho si deans..

MY DIRTY LITTLE SECRETWhere stories live. Discover now