Chapter 2

394 5 0
                                    

Lhei

Napakunot ang aking noo dahil tumatama sa aking mukha ang sikat ng araw. 7 am palang. I did my usual routine. Unat, konting exercise at ayos ng higaan. Since tig-isa kami ni Chennie ng kwarto, hindi ko na siya ginising. Pero laking gulat ko na nasa hapag na siya at may handang umagahan na at kape.

'thank you' sabi ko.

Di ako nakarinig ng salita mula sa kanya kaya nang tinignan ko siya ay nakatulala siya. Nung tinapat ko sa kanya ang aking palad ay wala pa din. Kaya di ako nag dalawang isip na batukan siya. Bumalik siya sa kanyang katinuan. Kaya naman napatawa ako ng para siyang bagong gising na binuhusan ng tubig.

Hindi namin namalayan na sa tagal naming kumain ay hindi ko namalayan ang oras. Late na kami sa trabaho. Kaya agaran kaming naligo at mabilis na umalis sa condo. Pagka dating namin sa Coffee shop at binati namin ang manager namin na bakla.

'good morning po Sir Rim' sabay naming bati ni Chennie.

Nginitian niya kami ng pilyo bago siya umalis. Buti nalang at mabait ngayon ang manager kung di magkaka-wrinkles siya ng wala sa oras. Habang wala pang costumer ay nagpunas muna ako ng salamin. Habang nagpupunas ako ay may nakita akong kamukha ni Kaius! Namamalik-mata ba ako? Kaya kinusot ko ang mata ko at wala akong nakita. 'Namamalik-mata lang siguro ako' sabi ko sa sarili ko.

Habang kumakain ako ng biscuit na binaon ko, narinig ko ang pagpasok ng isang costumer. Wala namang pakielam si Chennie kaya ako nalang ang kumuha ng order niya. Pero bago ko pa mabati at magtanong ang order ng costumer ay halos lumabas na ang aking mata dahil nasa harap ko ngayon si Kaius Jay Harris!! At hindi lang yon. Kasama niya pa ang secretary niyang si Bea. She's wearing a dress showing her cleavage. Is she seducing her boss while they were working? 'Nahh probably not' sabi ko sa isip ko.

Hindi agad ako nakapag salita kaya naman tumikhim ang secretary niya at saka umiling para bumalik ako sa sarili ko.

'one americano coffee please and one espresso for Sir Kaius.' medyo mataray na sagot ng secretary niya.

'okay ma'am that'll be-' na putol ang sinabi ko dahil magsalita ulit siya.

'and also one slice of that cake' sabay turo niya sa cheesecake.

'okay that'll be 385 pesos ma'am' ani ko.

Naglabas niya ng card, ni hindi ko alam kung kay Sir Kaius ba iyon or sa kanya. Tinaggap ko iyon at pagkatapos kong I-scan ay tinanong ko sila.

'take out po ba or dine-in?' tanong ko.

Akala ko yung secretary ang magsasalita pero laking gulat ko na si Kaius ang nagsalita.

'we'll just gonna take it out' aniya. Di agad nag proseso sa isip ko ang sinabi niya. Omg!! Ang lalim ng boses niya... Kaya pinaupo ko muna sila habang hinihintay nila yung order nila. Habang inaayos ko ang order nila ay sumulyap ako saglit kay Sir Kaius at napaigtad ako ng nakatitig siya sakin. Those Hazel eyes.. Oohh. At nung dumako ang tingin ko sa secretary niya ay parang muntangang nakangiti kay Kaius habang siya’y naka tingin sakin.

Pagkaalis nila ay kwinento ko kaagad kay Chennie. Di siya naniwala pero ang totoo ay bumili talaga ang isang millionaire dito sa coffee shop na pinagtratrabahuhan namin!! Kaya pagka uwi namin ay bukang bibig na ni Chennie si Kaius.

'jusq sa susunod sa tabi mo na ako' aniya. Umiling nalang ako at nag handang matulog.

Kinaumagahan, since linggo ngayon napagpasyahan kong mag grocery muna dahil ubos na ang pagkain namin ni Chennie sa condo. Niyaya ko siyang sumama pero tinatamad daw siya kaya wala akong nagawa kundi mag isa nalang ako.

Nag commute lang ako papuntang SM. Nang makarating ako, ay kumuha ako ng cart para bumili na. Marami akong pinabili kaya medyo mabigat at kailangan ko pang pumunta ng CR dahil kanina pa ako naiihi. Habang nasa isang cubicle ako ay may narinig akong.. umuungol?! Kaya nagmadali akong umihi at lumabas bago pa sila ako marinig. habang naghihintay ako ng taxi ay parang may nakatingin sakin kaya nung lumingon ako ay wala naman.

Nang makasakay na ako ay tahimik lang ako sa loob ng taxi at nang makarating sa labas ng building ng condo namin ay tinawagan ko si Chennie para matulungan ako.

Nang makapasok na kami ay kaagad naming inayos yon. Pagkatapos naming ayusin ang mga pinamili ko ay nag pahinga ako sa aking kwarto. Bago pa man ako pumikit ay nag vibrate ang cellphone ko. Kinalibutan ako dahil ang creepy ng message at ang mas nakaka gulat ay bakit alam ng unknown number na nasa isang cubicle ako kanina? Tsaka paano niya nalaman ang number ko?! Anak ng!! Ang message na nagsend sakin ay...

Unknown number:
I know you heard what's happening inside the other cubicle earlier...

;lhady_bug ❤️

My CEO Boyfriend's Secretary [COMPLETED] Where stories live. Discover now