Chapter 24

220 4 0
                                    

Lhei

Ilang araw na akong umiiyak.

Sa ilang araw na yun, ilang araw na rin ako nagsusuka tuwing umaga. Nagaalala na rin sina Chennie at Jed dahil sa kakasuka ko. Ilang araw na rin ang nagcre-crave ng chocolates at jollibee. Laging si Jed ang bumibili at natutuwa naman ako pero siya, laging busangot.

Sinabihan ako ni Chennie na magpacheck-up para imake-sure kung okay lang ba ako. Umayaw ako nung una pero dahil sa pinilit nila ako, wala na akong nagawa.

Sumama silang dalawa saakin sa clinic.

Si Chennie ang sumama saakin sa loob ng isang room at si Jed naman ay naiwan sa labas. Si Chennie ang sumagot lahat pero paminsan-minsan ay tinatanong niya muna ako bago niya sasabihin sa doctor.

'Nadatnan ka na ba Lhei?' tanong sakin ni Chennie.

Umiling ako bilang sang-ayon. Nanlaki ang mata ni Chennie dahil doon. Humarap siya muli sa doctor at may sinabi. May alam naman ako sa sinasabi nila. Madami pang sinasabi ang doctor kay Chennie. Bumalik sa utak ko ang tanong ni Chennie.

Oo pala, hindi pa ako nadatnan. Ohh shitttt~

Lumapit ako sakanila at nakinig.

'Dahil sa sinabi niya di pa siya nadadatnan, bili po kayo ng pregnancy test to make sure if it is positive or negative.' ani ng doctor.

Nagpasalamat kami at lumabas na at nadatnan namin si Jed don na naghihintay.

'Anong sabi?' bungad ni Jed.

Nagkatinginan kami ni Chennie at di pinansin si Jed at nagpatuloy kami ng lakad papunta sa pharmacy. Si Jed naman ay sumunod at nagtanong uli. Hinayaan namin siya at ang tanong niya at bumili na si Chennie.

Doon lang alam ni Jed kung anong meron. Kinuha ko kay Chennie at pregnancy test. Sa bahay na namin titignan kung ito ay positive o negative.

Kung negative man ito, ayos lang. Pero pag positive, ako na ata ang pinaka maswerte na babae. Ayaw kong ipaalam kay Kaius kung buntis ako dahil wala naman nang kami.

Bumalik kami sa clinic. Sila Jed at Chennie ay umupo sa waiting area ako naman at pumunta sa banyo para sa pregnancy test.

Nang nasa CR na ako, kinakabahan ako dahil sa magiging resulta. Huminga muna ako ng malalim bago umihi.

Ginamit ko ang binigay saakin na cup para sa ihi at ang dropper para sa pt.

Tapos na akong umihi at eto ako ngayon, hinihintay ang magiging resulta. Mahigit 5 minuto ako naghintay sa resulta at meron na. Dalawang linya. Positive. Buntis ako!

Naluluha ako dahil di ko akalain na buntis ako. Bumuhos ang luha ko dahil sa saya. Nagtagal ako sa CR bago lumabas at pinuntahan ang dalawa.

Nang nakita nila ako, mga nagtatanong nilang mukha ang pinakita nila. Nginitian ko lang sila at tumungo na sa sasakyan ni Jed.

Sa loob ng kotse, ganon pa rin ang mukha nila. Pasulyap-sulyap si Jed mula sa rear view habang si Chennie ay nakatitig saakin, hinihintay akong magsalita pero walang lumabas sa bibig ko. Mamaya ko sasabihin sakanila sa bahay.

Nang nai-park na ni Jed ang kotse niya, kinaladkad ako ni Chennie sa condo. Pinaupo niya ako sa couch at hinintay si Jed.

Nang pumasok si Jed, umupo siya sa tabi ni Chennie at tinitigan ako.

'Ano Lhei? Anong result? Buntis ka ba? Tita, Tito na ba kami?' madaming tanong ni Chennie.

I gulped before leveling their eyes and smiled at them.

My CEO Boyfriend's Secretary [COMPLETED] Where stories live. Discover now