Chapter 15

233 7 0
                                    

Lhei

Nang sinubukan kong bumangon ay nasapo ko ang noo ko dahil sobrang sakit. Saka ko lang natandaan na madami pala kami nainom kagabi. Nang iminulat ko ang aking mga mata, don ko nakita sina Jed at Chennie  na ang sarap pa rin ng tulog.

Saka ko lang din napansin na ang kalat ng sala. Nang tumingin ako sa orasan, alas sais palang ng umaga. Tumayo na ako para linisin ang kalat namin. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.

Nang medyo okay na, bumalik na ako ng sala para linisin na ang kalat. Habang nag aayos ako, naiirita si Chennie dahil lagi ko siyang natatamaan pag dumadaan ako para linisin ang mga bote na malapit sa kaniya. Aba ba't kasi nakapalibot sakaniya ang mga bote?! Pinag-patuloy ko na ang paglilinis para ipagluto sila ng umagahan. Mahigit isang oras ako natapos sa paglilinis at dumiretso na ako ng kusina para mag luto ng soup para saamin. Noodles lang aking naisip...

Habang pinapainit ko ang para sa noodles, nagtimpla na rin ako ng kape para saaming tatlo. Hihigop palang ako sa kape ko nang biglang may tumabi saakin. Si Jed.

'mag-ingay ka naman pag lalapit ka, tatapunan na sana kita ng kape e' ani ko kay Jed na natatawa.

Tumawa rin siya at sumimsim na sa kape niya. Tumayo ako para i-check kung kumukulo na ang tubig. Nang kumulo na, nilagay ko na ang tatlong favorite naming tatlo na beef ramen. Nung una di pa bet ni Jed ang lasa pero nang nalasahan na niya, ayun yun na lagi hinahanap niya.

Nang malambot na, nilagay ko na ang seasoning at naglagay rin ako ng itlog. Naamoy siguro ni Chennie ang noodles kaya nakita ko siyang sumisimsim sa kape niya.

Umiiling-iling ako kumuha ng lagayan namin para sa noodles. Si Chennie agad ang kumuha at natawa nalang kami ni Jed dahil parang gutom na gutom na parang di kumain kagabi. Habang kumakain kami, biglang nagsalita si Chennie.

'ikaw ba lahat nag linis nun Lhei?' tanong ni Chennie kahit alam naman niyang obvious na ako. Inirapan ko siya nang dumako ang tingin niya sakin at ngumiti sakin. Muntikan na ako mabilaukan ng bigla akong niyakap ng dalawa.

'Thank you laloves namin!!' sabay nilang sigaw sa tenga ko. Nilayo ko ang mukha nilang paerho at sinabihan silang sila na ang maghuhugas pareho. Tumango tango naman ang dalawa na parang aso. Tinapos ko na ang kinakain ko at iniwan ang dalawa para makaligo na para sa trabaho.

Nang na-ready ko na ang gagamitin ko para sa trabaho, kinuha ko na ang tuwalya ko para makaligo pero di pa ako nakakapasok nang biglang nag-vibrate ng dalawang beses ang phone ko. Tinignan ko yon at... It was from Kaius and Charles!! 

Kay Charles ang una kong tinignan bago kay Kaius.

From Charles: Good morning Ms.  I will go to your office later to give you the breakfast I bought for you. Wala ng bawian ^^

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Sunod naman ang kay Sir Kaius.

From Kaius: Good morning baby. I will go later to you office. See you later mwua <3

Muntanga nanaman akong nakangiti habang nakatingin sa text ng isang to. Umiling na lamang ako at pumasok na sa CR para maligo.

***

Nang matapos na akong magbihis at mag-ayos, bumaba na ako at nilibot ko ang paningin ko at di ko na nakita si Jed at Chennie. Nakatanggap ako ng text galing kay Jed. 

From Betamax: Nauna na kami ni Chennie, kailangan niya daw pala maaga umalis dahil baka magalit yung boss niya sabi ko hintayin ka pero sabi niya kaya mo naman na daw sarili mo kaya... sorry bawi ako next time nalang, alam mo naman yung babae na yun napaka-bossy  -,-

My CEO Boyfriend's Secretary [COMPLETED] Where stories live. Discover now