Chapter 14

215 4 0
                                    

Lhei

Pagkagising na pagkagising ko, hindi na mawala ang ngiti ko sa labi ko. Andito ako ngayon sa kusina para gumawa ng agahan namin ni Chennie. Bumukod rin ako ng isa pang ulam para babaunin ko para kay Kaius. Nagulat ako nang biglang magsalita si Chennie na di ko namalayan na gising na pala a nakababa.

'wow, ang dami namang pagkain. Pang umaga lang ba itong mga ito?' lumingon ako sa kaniya at tumango.

'e ano pa yang niluluto mo e ang dami nang pagkain dito?' takang tanong niya. anak ng...

'baon ko sa work' palusot ko. Tumango-tango naman na siya at umupo na para kumain.

Nang matapos ko iluto ang ibibigay ko kay Sir Kaius,  nilagay ko ito sa magandang baunan. Merong fried rice, omelet, bacon. Hope he likes it... Muntanga akong nakatitig at nakangiti sa ibibigay sa kaniya. Umakyat na ako para makaligo na ako.

Naligo na ako para makaalis na ako ng maaga. Nang matapos ako, nag lagay ako ng konting makeup sa mukha ko para di ako mag mukhang matamlay. Bumaba na ako para ilagay sa paper bag yung ibibigay ko kay Kaius at para umalis na. Nasa labas na ako at naghihintay ng taxi at buti nalang meron na.

Na-traffic kami ni manong taxi  kaya halos isang oras kami nakarating sa company ni Sir Kaius. Nag lakad na ako papunta sa elevator at buti nalang magisa lang ako. Nang nasa tamang floor na ako, dumiretso na ako sa office ni Sir Kaius at kumatok. Di na ako naghintay ng sagot at pumasok na ako. Kakabukas ko pa lang ng pinto nang biglang bumungad sakin si Kaius at si Bea.

Nakaupo si Bea habang si Kaius naka-lean sa lamesa ni Bea at hinahawi ang buhok na nakaharang sa mukha niya. Nakangiti si Bea habang ginagawa iyon ni Kaius na para bang couple sila.

Para akong tangang nakatayo habang pinapanood sila. Para lang akong nanonood ng cine. Pinunasan ko ang luhang di ko namamalayan na tumulo na pala. Tumalikod na ako at lumabas na. Uuwi na ako, ayoko na muna silang makita. Nang naglalakad ako papunta sa elevator nakasalubong ko si Meztli. Nginitian ko siya at binati.

'Hi Meztli long time no see' bati ko at nginitian siya ng pilit.

'Hi Drevs. Wala kang trabaho?' tanong niya pero nginitian ko lang siya. Dumako ang tingin ko sa hawak kong paper bag na may lamang pagkain. Nagtagal ang tingin ko don bago ako nag-angat ng tingin kay Meztli. Nilahad ko sa kaniya ang hawak kong paper bag, takang tumingin siya sa hawak ko at tumingin rin saking nagtataka.

'Sayo nalang, ginawa ko lang yan kanina bago ako pumasok.' sabi ko at nginitian siya.

Tumingin muna siya sa hawak ko bago binalik saakin ang tingin niya at nginitian ko siya. Ngumiti siya pa balik saakin bago kinuha ang hawak ko. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Niyakap ko nalang siya pabalik. Nagbabadya ang luha ko pero isinawalang bahala ko nalang iyon at humiwalay na sa yakap niya.

Nagpaalam na ako sakaniya bago sumakay sa elevator. Di ko alam bakit ang sakit ng dibdib ko sa nakita ko kahit alam kong wala naman kami ni Sir Kaius. Alam kong gusto niya ako pero hanggang dun nalang yon dahil alam kong makakahanap siya ng iba.

Habang naghihintay ng taxi, di pa rin mawala sa isip ko sina Bea at Kaius. Ang paghawi ng buhok ni Bea na nakaharang a mukha niya, kung paano mag lean si Kaius sa table ni Bea na kulang nalang mag halikan sila.

Nagbabadya nanaman ang luha ko na tumulo pero umiling ako para di matuloy na tumulo ito. Nang may nakita akong taxi, pinara ko ito at sumakay at sinabi kay manong driver ang address namin.

Nakarating na kami sa condo at tumakbo na sa condo unit at pumasok. Nang makapasok na ako, dumiretso ako sa higaan ko at siniksik ang mukha ko sa unan. Narinig kong nag ring yung phone at nung tinignan ko ito, si Sir Kaius iyon pero di ko ito sinagot at pinatay ko ang phone ko. Narinig ko nanamang nag ring pero di ko na ito tinignan at alam kong siya uli ito. Tumigil na itong nag ring at sunod sunod naman na notif ang narinig ko pero di ko ito kinuha para i-check.

My CEO Boyfriend's Secretary [COMPLETED] Where stories live. Discover now