Chapter 16

213 4 1
                                    

Lhei

Masama pa rin ang tingin sakin ni Bea na akala mo may kasalanan ako. Siguro kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa ako patay dahil sa sama ng titig ng malanding 'to.

'I need to talk to you real quick Sir' sabi ni Bea na nakatingin pa rin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay at tinarayan siya. Umupo na ako at hinayaan sila kung ano man ang ginagawa nila basta ako kakain lang ako. Sinabayan ko nalang si Charles sa pag-kain at hinayaan ang dalawa. Inoffer ko kay Charles ang isang ham dahil sobrang dami non at tumingin sa sakin at ngumiti kaming pareho. Wala akong narinig na salita mula kay Kaius kaya tumingin ako sakaniya at nakakunot ang noo niya na nakatingin kay Bea.

'About what?' takang tanong ni Kaius. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa at nang di nag salita si Bea, bumuntong hininga si Kaius at wala nang nagawa kundi tumayo at di pa siya nakakahakbang nang tumingin siya sakin at nag-puppy eye. I rolled my eyes on him and continued eating.

Nang marinig kong nagsara ang pinto nagtanong si Charles.

'what was Kaius doing here, by the way?' tanong niya na kanina niya pa tinatanong. Parang may bumabara sa sa lalamunan ko at hindi makasagot pero ilang saglit ay bumuka na rin ang bibig ko at handa nang sabihin sa kaniya.

'he texted me that he'll come to my office.' sabi ko na nakayuko. Para akong pinapagalitan ng kuya ko dahil sa pwesto naming dalawa.

'okay.' sabi niya at inangat ko ang tingin ko sakaniya at don ko nakita ang ngiti niya at nakikita ko yung dimple niya. goshh ang gwapo!!!

Tapos na kaming kumain kaya nagpaalam na sakin si Charles na aalis dahil may aasikasuhin pa siya kaya pinagpatuloy ko na ang trabaho ko. Lunch na nang matapos ako kaya nag-unat ako ng mga braso ko dahil sobrang sakit ng mga iyon at sinandal ang ulo ko sa swivel chair ko para umidlip saglit.

Walang pang ilang segundo nang isara ko ang mata ko nang biglang nag bukas ang pinto at iniluwa non si Bea na puno ng galit ang mata.

Tinaasan ko siya ng kilay ng papalapit siya sakin at nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa damit at pinatayo.

'wow, 'kay bago bago mo naka-bingwit ka na agad ng dalawang lalaki, magkaibigan pa talaga.' sabi niyang nakangisi sakin.

Nakakunot ang noo kong tumitig ako sakaniya. Dahil sa inis ko, tinulak ko siya palayo sakin dahil nakakairita ang mukha niya. Ngumisi ako sa kaniya at naglakad papalapit sakaniya. Tignan natin kung may maisasagot ka sa sasabihin ko sayo..

'nu makapag-sau ka 'mit kasla ka nga nadalus nga babae' pagi-ilocano ko sa kaniya. Kumunot lalo ang noo niya at nagtatanong ang mga mata niyang tumingin saakin at nginisian lang siya.

'oh ngayon? Wala kang maibuga na salita, umalis ka na dahil nakakairita kang tignan kahit sa malayo palang nakakairita na, isama mo pa yang labi mo na sobrang kapal.' inirapan ko siya at tinulak na siya at bumalik na ako sa upuan ko at sumandal na at pinikit uli ang mata ko. I smiled in satisfaction because of what I said earlier to her. Nang marinig kong nagsara ang pinto don lang ako nakaidlip.

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. Hinanap ko iyon at nakita kong si Jed ang tumatawag.

[hello?] sabi ko at nilagay sa tenga ko habang nakapikit pa rin.

[lhei!!! Ano oras ako uuwi?] sigaw ni Jed sa kanilang linya kaya nilayo ko muna ang phone ko sa tenga ko dahil ang sakit sa tenga.

[bakit ba?!] balik kong sigaw sakaniya.

[aayain ko sana kayong kumain ni Chennie kumain sa labas, you know inom uli hehe and don't worry it's on me alam ko namang di kayo papayag pag KKB.] nagising ako dahil sa sinabi niya. Sumilay ang ngiti sa labi ko at umayos ng upo.

My CEO Boyfriend's Secretary [COMPLETED] Where stories live. Discover now