Chapter 10

302 5 0
                                    

Lhei

Inunat ko ang aking mga braso dahil tapos na ako sa ginagawa ko. Pagtingin ko sa orasan ko ay 11 na, na dapat 7 ang uwi ko. Pero okay lang.

Inayos ko na ang mga makalat kong gamit at nilagay na sa bag ko. Tumayo na ako at lumabas na sa office ko. Lahat ng empleyado ni Sir Kaius ay binibigyan niya ng sarili niyang office. Ganon siya kayaman!!

Nang makalabas ako sa office ko, nakita ko si Sir Kaius na kakalabas lang din sa office niya. Uuwi palang din siya? Ayy wow nago-ot.

Pumunta na ako sa tapat ng elevator at hinintay na bumukas. Nakakatakot dito sa floor na to kasi sa may elevator lang ang may ilaw.

Naramdaman kong nasa tabi ko si Sir Kaius. Tumingin ako sakanya na ang di ko alam nakatitig na siya sakin! For how long? Kanina pa ba?

Sabay kaming pumasok sa elevator at pinindot ko ang G floor. Ang awkward sa loob kasi ang tahimik naming dalawa. Di mapakali ang mata, kung saan saan ako tumitingin dahil parang ramdam kong malapit siya sa likod ko.

'why so silent baby?' tanong niya. Yan nanaman yung baby niya!!

Hinaplos niya ang balikat ko na ikinataas ng aking mga balahibo. Sobrang lapit din ng mukha niya sa may tenga ko.

'Sir, I think this isn't right' sabi ko sabay layo dahil medyo naiilang ako.

He smirks at me and he suddenly pulled me closer to him.

'why? Am I affecting you that much? He asked smirking at me.

'I-it's not like that, I jus-' di ko natuloy ang sinasabi ko dahil ni lapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Magkadikit ang aming mga noo.

'see you tomorrow at my office Ms. Lhei at 12nn' sabi niya bago ako dinampian ng halik sa pisngi at lumabas na at di ko namalayan na nakababa na pala kami.

Lumabas akong tulala dahil sa sinabi niya. Kanina baby lang tawag niya sakin tapos ngayon Ms. Lhei naman? What the heck is his problem?!

Kakalabas ko palang sa entrance nang may pumarada sa harap kong kotse. Alam kong hindi to si Charles dahil BMW ang kotse niya. Nang binuksan niya ang bintana, Si Sir Kaius iyon!!

'hop in Ms. Lhei' he said.

'you don't have to Sir Kaiu-' di ko na natuloy ang sinabi ko dahil nandilim ang mukha niya at nag salita

'one..' pagbibilang niya.

Dali dali nalang akong pumasok at di na nag salita na. Ang awkward lang dahil sa nangyari sa elevator kanina.

'the address please.' sabi niya. Sinabi ko sakanya yung address ng condo namin at buti nalang alam niya.

Nang nakarating kami sa condo, di pa ako nakakalabas nang magsalita siya.

'Here, eat this I know you have no time to cook.' sabay abot niya sa isang paper bag na mukhang mamahalin ang brand

'uh sir-' eto nanaman siya pinutol niya nanaman ang sasabihan ko

'two..' potek na 'to pasalamat ka pogi ka. Kinuha ko sa nakalahad niyang kamay paper bag at nag thank you. Bago pa ako makalabas, hinila niya ang braso ko at sumakto ang pisngi ko sa labi niya na ikinangiti niya. Lumabas na ako at bago pa siya umalis, binaba niya ang bintana niya sabay kindat sakin at nag flying kiss pa!! Anak ng...

Naglakad na ako papunta sa condo unit namin para kainin tong binigay ni Sir Kaius. Pero pagbukas ko ng pinto... madilim?? putragis naman oh... nang buksan ko ang ilaw, bumungad sa akin ang napakaraming lobo. Puno nang pagtataka ang mukha ko dahil di ko naman birthday, di rin birthday ni chennie or ni chennie. So ano meron?

My CEO Boyfriend's Secretary [COMPLETED] Where stories live. Discover now