Chapter 11: Loraine Van Zanth

652K 24.1K 4.8K
                                    

Chapter 11: Loraine Van Zanth

Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan si Zander. Nakatulog na siya. Pinagmasdan ko ang orasan sa pader. Alas singko na ng hapon. Linigpit ko ang mga gamit na nagkalat bago tuluyang umalis ng kwarto. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Sa tingin ko ay bumagsak siya dahil nanghihina ang kanyang katawan.

Madami siyang mga sugat. Kaya naman noong bumagsak siya ay pilit ko siyang binuhat papunta sa kanyang kama. Padapa siyang nahiga doon. Kinuha ko ang pangamot sa mesa at sinimulang linisan ang kanyang mga sugat. Noong una ay tumatangi siya at inuutusan akong lumabas ng kwarto. Pero dahil masyado siyang nanghihina ay wala siyang nagawa.

Habang ginagamot ang kanyang mga sugat ay napansin ko ang mga scars sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Ang iba ay halatang malalalim. May ilan ding mahahabang peklat mula balikat hangang sa harapan ng kanyang dibdib na tila malalaking kalmot. Pero ang talagang nakatawag ng attention ko ay ang isang peklat mula sa tama ng bala.

Hinawakan ko ito gamit ang bahagya kong nanginginig na mga daliri. Napapitlag si Zander. Binawi ko agad ang kamay ko. I worried that I crossed an invisible line. Napansin kong huminga siya ng malalim. Hindi siya nagsalita. Pero alam kong hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

Walang sino man sa amin ang nagsalita habang ginagamot ko siya. Nanatili kaming tahimik. I'm a human and he's a hybrid and we both know what we are doing was against the normal. Pero hindi ko magawang tumigil o tumangi. Because I feel it. There's something undefined between us. At alam kong nararamdaman niya din ang bagay na yon. It's like a strong tension, an electricity, which can only be diffused whenever we're close to each other.

Nakatulog si Zander sa gitna ng aking pangagamot. Nang matapos ako ay tuluyan akong umalis sa kanyang kwarto at bumalik sa second floor. Nadatnan ko doon ang mga naiwan kong panlinis. Bigla akong nangamba sa nararamdaman ko. He is the alpha. He owns the whole town. And I work for him. Hindi ko dapat maramdaman ito. This tension is not right. I should be scared of this.

--

Naglalakad ako kinabukasan sa school grounds nang may mabanga ako. Wala sa sariling humingi ako ng tawad. Nitong mga nakaraang araw lagi nalang malalim ang iniisip ko. Nag angat ako ng tingin at nakita si Sebastian na nakatingin sa akin. Napaatras ako.

"Bakit para kang nakakita ng multo?"

Napakurap ako sa sinabi niya. Buong araw akong umiiwas sa mga uri nila. Nangangamba na baka malaman nila ang tinatago ko. Their alpha and I shared something unexplainable. The tension. The almost kiss. Whatever we have I want to keep it between us.

"May kakaiba yata sayo ngayon."

Natigilan ako. "It's nothing."

Tinitigan ako ni Sebastian. Once again there it was. A flicker. He was assessing me once again. Bago pa siya muling magsalita ay nagpaalam ako na kailangan ko ng pumunta sa susunod na klase. Noong tumalikod ako sa kanya at nagsimulang maglakad ay hindi ko mapigilan na bumungtong hininga.

No one has to know.

--

Noong hapon na yon, napag-desisyonan kong lumabas ng kwarto at sa terrace gumawa ng homework. Dala ang mga gamit, pinatong ko ang mga ito sa mesa. Magsisimula na sana ako nang matigilan ako. Napalingon ako sa kanan ko saka bahagyang tumingala.

Bahagyang lumakas ang tibok ng puso ko. Nakabukas ang terrace door ng kanyang kwarto. Nakasandal siya doon habang naka-halukipkip ang mga braso at pinagmamasdan ang bayan sa ibaba. Seryoso nanaman ang kanyang mukha at nakakunot ang kanyang noo.

Bahagya akong napahawak sa aking dibdib. There it was again. Ang hindi maintindihang reaction ng aking katawan kapag nasa malapit siya. Natigilan ako nang maalala ko ang mga nangyari nitong nakaraang mga araw. Mabuti na lamang at mukhang okay na siya. Hindi na siya nanghihina.

Living with a Half BloodWhere stories live. Discover now