Chapter 27: The Bullet

519K 21.7K 3.2K
                                    

Chapter 27: The Bullet

Hindi ko sinabi ang bagay na nakita ko Kay Zander. Maybe I was just being paranoid. It was more likely a member of the pack, or one of Zander's orders checking out on us. I shouldn't be worried.

Mabilis na lumipas ang unang linggo ng second semester. Nagpatuloy ang klase namin. May mga pagkakataon na ihahatid ako ni Zander sa umaga at susunduin sa hapon. But most of the time maaga siyang umaalis at late na dumadating sa mansion.

Si Sebastian parin ang madalas kong kasama sa school tulad noong nakaraang semester. Pero mas madalas na siyang wala ngayon. Ayon sa kanya ngayong bumalik na si Zander sa pagiging alpha ay mas nakatutok na sila sa pagbabantay ng kaayusan sa bayan.

Peter and Chailo had been diligent on keeping an eye on me. They don't seem like guards. They make it seem like nagkataon na nandoon lamang sila sa lugar kung nasaan ako. And I prefer it that way.

Ganoon parin ang trato ng mga tao sa akin. Formal. Respectful. Bowing their heads and avoiding my glances. Pero habang tumatagal mas napapansin ko yon. The loath in their eyes. They only respect me because they respect Zander's decision. It doesn't mean they accepted me. Hindi na bago sa akin ang ganoong pakikitungo. Sa totoo lang mas nasanay ako dito.

I was walking on the hallway of the second floor. Kagagaling ko lamang sa library noong hapong yon. Tahimik ang paligid dahil nasa klase pa ang karamihan. Hangang sa tumigil ang mga paa ko sa paglalakad.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Makikita dito ang kakahuyan na nakalalibot sa campus. May nakamasid sa akin.

Umihip ang hangin. Banayad na sumaway ang mga tuktok ng puno na tila gumagawa ng alon. In the middle of the movement something caught my eyes.

Lumapit ako at pinagmasdan itong mabuti. But it disappeared as soon as I caught a glance of it. It was something black. Like silhouettes.

--

Lumipas ang mga araw at mas lalo pang naging busy sina Zander. Nawalan ako ng pagkakataon na masabi sa kanya ang mga napapansin ko. Even Sebastian was always out.

Noong hapong yon, palabas na ako ng building para umuwi nang nadaanan ko ang ilang estudyante. Isa sa kanila ang bumangga sa akin. I was guard with the force he inserted. Halos mapaatras ako at dumaing.

Agad na lumapit si Chailo at Peter na nagmamasid lamang mula sa malapit. Linapitan nila ang lalake at hinawakan ito sa braso.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Napadaing ang lalake sa pwersa na ginagawa nila. Natigilan ang mga taong nasa malapit dahil sa gulo na nangyayari. Humarap si Peter at Chailo sa akin at pilit hinarap ang lalakeng hawak nila. Umiling ako telling Peter and Chailo it was fine, na hindi ako nasaktan.

"Pero Miss Laura-"

"It was an accident."

Yumuko sila. "Yes, Miss Laura."

Yumuko ang lalakeng bumangga sa akin. Pero bago yon napansin ko ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. A sly smirk.

—-

Hindi yon ang naging huli sa mga kakaibang bagay na napapansin ko. Ang pakiramdam na may nagmamasid sa akin. The smirk. The brooding stares from hybrids. I started to think that all of this polite gestures are only on the surface. Hindi ko alam kung konektado ang mga bagay na ito sa naramdaman ko sa parking lot o sa second floor.

A few days after the bumping incident nagsimula kong marinig ang bulungan. Noong una tila ba parte lamang ito ng kanilang kwentuhan. Hangang sa napansin ko na tuluyan ng nag iba ang tingin nila sa akin kapag dumadaan ako sa harapan nila.

Living with a Half BloodWhere stories live. Discover now