Chapter 20: Shattering

586K 25.4K 6.6K
                                    

Chapter 20: Shattering

Sa susunod na lingo final exams na. Matatapos na ang unang semester. Isang lingo nalang. Karamihan sa mga naririnig kong usapan sa school ay tungkol darating na bakasyon. Madami na ang nagpa-plano kung saan pupunta o ano ang pagkaka-abalahan.

Other than reviewing for the finals, I still have no plans for the upcoming vacation.  Siguro magfocus ako sa pagtulong kay Aunt Helga dito sa mansion or maybe I can drive around Van Zanth, read books that’s been pending on my list. Madami ang nangyari nitong mga nakaraang buwan at halos makalimutan ko ang mga bagay na ito.

Sumilip ako sa labas mula sa nakabukas na bintana ng aking kwarto. Nakaupo ang pusang si Elvis sa tapat nito habang pinagmamasdan ako. Maliwanag sa labas at mahangin. I could hear the rattling of leaves on the trees. The cat yawned lazily and scratched the back of his ears. Everything seemed so calm and peaceful. Pero unti unting nasira ang kalmadong pakiramdam na ito nang bigla akong ipatawag ni Aunt Helga.

Lumabas ako sa aking kwarto matapos ayusin ang mga gamit ko sa pagre-review. Sinabi ni Aunt Helga na may importante siyang kailangan sabihin sa akin. Habang naglalakad sa hallway hindi ko mapigilan na magtaka. Ngayon lang ulit niya ako pinatawag.

Nang pababa na ako sa hagdan nakita ko si Aunt Helga sa sala at hinintay ako. Natigilan ako noong mapansin ang seryoso niyang expression. Nakatingin si Aunt Helga sa labas ng bintana— sa garden. Her wrinkled hands are massaging each other in an anxious way.

Lumingon siya nang marinig ang pagbaba ko. Hindi ko mapigilan ka mag alala sa expression na bumakas sa kanyang mukha. Noong oras na yon wala akong idea na ang mga susunod niyang sasabihin ay maaari kong ikawasak.

“Pagkatapos ng exams mo ay kailangan mong asikasuhin ang mga records mo sa community college.”

“Records?” tanong ko. “Bakit po, Aunt Helga?”

“Kapag natapos na ang semester break ay hindi ka na maaaring manatili sa mansion na ito.”

Tinitigan ko si Aunt Helga. My face pale. Hindi ako nakapagsalita.

“Pasensya na, hija.”

Doon tila bumagsak sa akin ang lahat ng sinabi ni Aunt Helga. Pakiramdam ko ay nabingi ako. Sari saring tanong ang pumapasok sa isip ko. Bakit? Paano? May nagawa ba akong masama?

Pinagmasdan ko si Aunt Helga. Nangingilid ang luha sa aking mga mata. Hindi ako makapagsalita o makagalaw man lang.

“Maaari kang bumalik sa Charlotte. Nakausap ko ang isa sa mga kaibigan ni Wilhelmina. Pumayag sila na tangapin ka.”

No. Umiling ako.

Gusto kong isipin na masamang panaginip lang ang lahat, na may mali sa lahat ng naririnig ko. Pero noong makita ko ang lungkot at pag aalala sa mga mata ni Aunt Helga sa unang pakatataon habang nakatitig sa akin, doon tuluyang bumagsak ang aking luha.

Kung ganoon totoo ang lahat ng ito. Babalik ako sa Charlotte. Iiwan ko ang bayang ito. Pilit kong pinahid ang aking mga luha. My hands were trembling.

“Bakit?” Nanginginig ang aking boses. Hindi ko magawang magsalita ng maayos. “Bakit, Aunt Helga?” tanong ko. “May nagawa po ba akong mali? May kasalanan ba akong nagawa?”

“Wala kang ginawang kasalanan, hija.” mahinahon niyang sinabi sa akin. “Ito ay kagustuhan ni Zander.”

Pakiramdam ko tuluyang huminto ang mundo ko. Unti unti akong nawawasak. Napahawak ako sa aking dibdib at naramdaman ang sakit dito. Hindi ko alam kung saan ako labis na nasasaktan. Hindi ko alam kung para saan ang mga luha na pumapatak mula sa aking mga mata.

Living with a Half BloodWhere stories live. Discover now