Chapter 15: Venise Marseille

558K 23.5K 7.8K
                                    

Chapter 15: Venise Marseille

Sa pag lipas ng mga araw ay naging kalmado ng muli ang paligid. Bumalik na sa normal ang atmosphere sa bayan. Nahuli na ang mga outsiders at ayon sa aking narinig ay mga rouges sila o hybrid na pumasok sa territory ng walang paalam sa namamahala dito.

Nakahinga ako ng maluwag kahit paano. Ibig sabihin ay walang nakaalam sa ginawa kong pagtulong sa lalakeng pumasok sa bayan. Ngunit hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Zander.

Be careful who you associate yourself with. I can kill without mercy.

Sinabi ng lalake na babalik siya sa bayan. Mabuti pa hindi ko na siya makita. Maaari siyang mapahamak dahil sa akin. Pero hindi ko parin maintindihan. Bakit ganoon nalang ang galit ni Zander? Muli kong naalala ang kanyang mga matang pinagmamasdan ako. Zander loathed me yet he keeps doing things- things that confused me.

Ganoon na ba niya ako kinamumuhian para paglaruan ako ng ganito?

Nasa Library ako ng school noong hapong yon at gumagawa ng essay. Habang nakaupo malapit sa bintana napansin ko ang pagpasok ni Sebastian sa Library. Dumerecho siya sa aisles ng mga libro habang panay ang tingin sa dala niyang notebook.

Narinig ko kanina na kailangan niyang humabol sa ilang mga klase. Lagi kasi siyang wala kasama ang mga orders lalo na noong mga nakaraang araw. Kaya hindi nakapagtataka na makita ko siya dito. I heard they are often given extensions on requirements or make up classes. Maliban kasi sa responsibilidad bilang isa sa namamahala sa bayan ay hindi din nila pwedeng ipagsawalang bahala ang mga pagaaral nila.

Nakakunot ang noo ni Sebastian habang seryosong hinahanap ang mga librong kailangan niya. Napakamot siya sa kanyang ulo at naghikab habang naglalakad sa pagitan ng mga bookshelves. Madalang ko lamang makita si Sebastian na ganito kaseryoso. Madalas kasi tulog siya sa klase. I wonder what Zander was like noong pumapasok pa ito.

Bumalik ako sa aking ginagawa. Ilang minuto ang lumipas nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Seryoso natin ah."

Lumingon ako at nakita si Sebastian. Nilapag niya sa table ang mga dala niyang notebook at mga libro katabi ang mga gamit ko. Ngumiti siya sa akin bago niya binuksan ang dalang libro.

"You miss several exams." sinabi ko.

Bumuntong hininga siya at nag stretch ng mga braso. "Ang dami ngang kailangang habulin."

Pinagmasdan ko siya. Nag umpisa siya sa pagbabasa ng ilang mga pahina. Pero lumipas lamang ang ilang minuto ay nag hikab siya. Mahirap nga siguro ang pagsabayin ang mga responsibilidad niya sa bayan at ang kanyang pag aaral.

Hinayaan ko si Sebastian at bumalik ako sa aking ginagawa. Halos patapos na ako noong mapansin na nakatungo siya sa table at tuluyan ng natulog. Kumunot ang noo ko. Seryoso ba siya? Kanina lang nagrereklamo siya sa dami ng kailangan niyang habulin tapos ngayon tutulugan niya lang?

"Sebastian." mahinahong tawag ko.

Hindi siya gumalaw. Lumapit ako saka tinitigan ang natutulog niyang mukha. "Sebastian."

Sa unang tingin ay hindi mo mahahalata kung gaano kataas ang kanyang position sa bayan. Sebastian looks carefree. He's the type of guy who couldn't care less if he's sleeping in most of the classes. Subalit kapag nalaman mo ang rason sa likod nito at kung sino siya sa bayan ay doon mo mapapagtanto na hindi lahat ng tao ay mahuhusgahan sa kanilang pinapakita.

Magkaibang magkaiba sila ni Zander.

"Sebastian, you are supposed to be studying."

Lumayo ako nang bahagya siyang gumalaw.

Living with a Half BloodWhere stories live. Discover now