CHAPTER 27

3.3K 97 61
                                    

[AIKA]

"Sigurado ka na ba anak sa desisyon mo?" tanong sa akin ni Mama. 

Hininto ko ang paglalagay ng gamit ko sa maleta at pagkatapos ay tumingin ako sa kanya. "Mahal ko po si Ryuuji, Mama." tipid akong ngumiti sa kanya.

Bumuntong-hininga si Mama at pagkatapos ay tumutulong na rin sa paglalagay ng damit ko sa maleta. "Parang kailan lang kinakarga pa kita papunta sa palengke, pero ngayon malaki ka na at may sarili ka ng desisyon." 

"Mama, sorry."

Inilagay ni Mama ang kamay niya sa ulo ko at pagkatapos ay ginulo niya ito. "Wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin ang mahalaga ngayon ay masaya ka sa ginagawa mo, alam kong mamahalin ka ni Ryuuji."

"Salamat po." Sabay yakap ko ng mahigpit kay Mama.

Sobrang nagpapasalamat ako kay Mama dahil mabait siya sa 'kin hindi siya nagalit bagkus ay inintindi niya ako sa desisyon ko. Kahit noong una pa lang hindi niya ako pinigilan sa mga gusto ko.

"Mama, I'm sorry kung nagpakatanga ako sa pag-ibig," sabi ko habang yakap ko siya.

Naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko. "Hindi ka nagpakatanga sa pag-ibig. Nagdesisyon ka ng tama para sa sarili mo. Hindi maling tao ang minahal mo kaya 'wag mong sabihin naging tanga ka sa pag-ibig."

"Thank you, Mama." 

"Good luck sa inyo ni Ryuuji."

Mariin akong pumikit habang yakap ako ni Mommy. Alam kong naging padalos-dalos ako sa desisyon pero wala akong pagsisihan ngayon.

Tinulungan ako ni Mommy sa pagliligpit ng gamit ko. Ang usapan namin ni Ryuuji ay susunduin niya ako ng alas-dos ng madaling araw sa bahay namin. Kahit inaantok ako ay tiniis kong huwag antukin. Si Mama ay sinamahan akong maghintay kay Ryuuji.

"Nasaan na ba si Ryuuji?" tanong ni Mama sa akin.

Alas-tres na kasi ng umaga ngunit wala pa rin si Ryuuji. Ilang beses kong tinawagan siya at tinadtad ko na rin siya ng text ngunit hindi siya nagre-reply sa akin. Kinakabahan ako dahil baka nahuli siya ni Shantal kaya hindi siya nakarating.

"Hindi ko rin alam, Mama."

"Baka nahuli ng girlfriend niya kaya hanggang ngayon ay wala pa siya.

Tumingin ako kay Mama. "Matulog na po kayo gigisingin ko na lang kayo kapag dumating."

Tumayo si Mama at humikab. "Inaantok na talaga ako. Gisingin mo ako kapag dumating na si Ryuuji."

"Mama, sabay na tayong matulog."

Kumunot ang noo ni Mama. "Akala ko ba hihintayin mo si Ryuuji?"

"Mukhang tama kayo baka nahuli siya ng girlfriend niya kaya hindi nakaalis."

"Sigurado ka ha diyan?"

Magsasalita pa sana ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na busina ng kotse, nang lingunin ko ay nakita ko si Ryuuji na lumabas ng kotse.

"Ryuuji!" halos nabuhayan ako ng loob nang makita ko siya.

Lumapit sa akin si Ryuuji at niyakap niya ako ng mahigpit. "Aika!" 

"Akala ko hindi ka sisipot."

Bahagya siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at saka tinitigan ako. "Ako kasi ang bantay kay Daddy. Hindi agad dumating ang kapalitan ko kaya ginising ko si Fujima at Dan para pumalit sa akin sa pagbabantay kay Daddy."

"Bakit anong nangyari sa Daddy mo?" 

"Na-aksidente siya, don't worry he's safe now. Nagpapagaling na lang siya sa hospital."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon