CHAPTER 25

6.6K 362 92
                                    

[Aika]

ILANG beses akong huminga ng malalim bago ko pindutin ang link ng site kung saan makikita ang pumasa sa licence exam bilang psychometricians. Limang taon na ang lumipas nang lumipat ako ng ibang school para ipagpatuloy ang pag-aaral ko ng college. Simula nang gabing pumunta si Ryuuji sa bahay namin iyon na rin ang huling gabi na makita ko siya dahil kinabukasan walang Ryuuji na pumasok sa university, at kahit ang mga kaibigan niya ay walang alam kung nasaan na siya. Dahil sa nangyari hindi ko na rin pinagpatuloy ang pag-aaral ko kahit full scholar ako roon.

"This is it!" pagkatapos ay pinindot ko ang mouse ng laptop ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang hinahanap ang school at pangalan ko. Nang may makita akong pangalan ng school namin ay agad akong hinanap ang pangalan ko.

"25 Miketsukame Aika, R." Napatalon ako sa tuwa. "Pumasa ako! Pumasa akoo!"

"Aika ano'ng nangyayari sa'yo?" tanong sa'kin ni Mama.

"Mamaa!" nagtitili ako habang papalapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Mama, pumasa ako sa board exam. Pyschometrician na ako!"

"Talaga! Congrats!" Nakangiting sabi ni Mama sa'kin. Kung gaano ako ka-energetic dahil pumasa ako ay kalahati naman ng energy ni Mama.

"Mama, matutulungan na kita sa mga gastusin natin,"

"Tinutulungan mo naman ako sa gastusin."

Niyakap ko si Mama. "Ang gusto ko kasi ay hindi ka na magtitinda sa palengke."

"Hindi ako sanay na walang trabaho, maghahanda tayo dahil pumasa ka. Imbitahan mo si Fujima at Dan."

Tumango ako. "Sige po, pupuntahan ko sila ngayon." Hinalikan ko muna si Mama sa pisngi bago ako sumakay sa Mio I 125 na kulay pink kong motor at pagkatapos ay sinuot ko ang helmet ko at pagkatapos ay pinatakbo ko na ang motor ko ng normal speed.

Ni-regalo sa'kin Dan at Fujima ang motor na ito noong naka-graduate ako sa college. Kahit wala na akong balita kay Ryuuji hindi naman naputol ang pagkakaibigan naming tatlo mas naging close pa kami mula ng mawala si Ryuuji. Huminto ako sa tapat ng malaking building kung saan nagtatrabaho si Fujima. Si Fujima ang vice president ng BPO company ng kanyang Magulang. Sinasanay na siya kung paano humawak ng kumpanya.

"Good morning, Ma'am Aika," sabi sa'kin ng security guard ng makita ako papasok sa loob ng company.

"Good morning," nakangiti kong sagot.

Dahil palagi akong pumupunta dito. Kilala na ako ng mga empleyado rito maging ang magulang ni Fujima ay kilala ako. Napagkakamalan pa nga nila akong girlfriend ni Fujima.

Sumakay ako sa elevator dahil nasa second floor ang office niya. Nagulat ako nang buksan ko ang pinto ng office ni Fujima. Nakita kong may babaeng nakaupo sa hita ni Fujima habang naghahalikan sila.

"Ay! Sorry, ituloy n'yo lang 'yan," sabay talikod ko.

"A-Aika," sambit ni Fujima.

Umalis ang babae sa kandungan ni Fujima. Ngunit mas nagulat ako nang makilala ko ang babae. Nakayuko ito nang lumabas ng office ni Fujima.

"Bakit palagi kang wrong timing," bakas sa mukha ni Fujima ang pagkadismaya dahil sa naputol na love making nila.

"Pati ba bago mo'ng secretary hindi mo pinalampas?" pailing-iling akong tumingin sa kanya.

Tumayo si Fujima at pagkatapos ay pinunasan ng tissue ang mukha niyang may kalat-kalat na lipstick.
"Just for fun, Aika, I can't live without sex,"

Napangiwi siya. "Hindi pa ba napudpud 'yang batutoy mo? sa tuwing pumupunta ako rito ay iba'iba ang kalandian mo."

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon