CHAPTER 8

11K 440 28
                                    

[Aika]

"Anong meron sa inyong dalawa ni Aika?" Diretsang tanong ni Mama kay Ryuuji

Sinundo naman kasi ako ni Ryuuji para pumasok sa school, nagiging usap-usapan na rin ako ng mga tsismosa kong kapitbahay dahil si Ryuuji ang nagsusundo at naghahatid sa'kin.

"Mama, magkaibigan lang kami ni Ryuuji." Lumalabi kong sagot.

Tiningnan ko si Ryuuji na nakatingin kay Mama at nakangiti. Inakbayan ako ni Ryuuji at hinila palapit sa kaniya, para akong matatae dahil sa ginawa niya, mas lalo kasing maghihinala si Mama sa'min kahit wala naman talagang dapat paghinalaan.

"We're good friends po."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya atleast nagsasabi siya ng totoo.

"Sabi ko sa inyo eh, friends lang kaming dalawa."

"Mabuti naman kung ganoon, wag ka munang mag-aasawa anak. Kailangan mo munang magtapos ng pag-aaral."

"Asawa agad Mama?" Tumingin ako kay Ryuuji at sumenyas ako na aalis na kaming dalawa. "Mama, aalis na po kami." Humalik ako sa pisngi ni Mama bago umalis.

"Aika."

Huminto ako at lumingon kay Mama. "Bakit Ma?"

"Pero kung siya rin naman ang mapapangasawa mo pwede na rin," pagkatapos ngumiti si Mama.

"Mama, magtatapos muna ako ng pag-aaral." Tumalikod ako at sumunod kay Ryuuji.

"Yung Mama mo masyadong istrikto sa'yo." Ani Ryuuji nang nasa kotse kami.

"Gusto kasi niyang makapagtapos ako ng pag-aaral bago magkaroon ng boyfriend."

"Malaki pala talaga ang pagkakaiba ng mga mayayaman at mahihirap na estudyante."

Tumingin ako sa kaniya. "Bakit naman?"

"Kami kasi hindi naman pinagbabawalan na magkaroon ng girlfriend samantalang kayo kailangan magtapos ng pag-aaral bago mag-boyfriend."

"Kayo kasi kahit mag-asawa ng maaga pwede ninyong pagsabayin ang pag-aaral at pag-aasawa ng hindi nahihirapan sa financial. Kami kapag maagang nag-asawa siguradong hindi na kami makakapagtapos ng pag-aaral."

"Paano kung katulad kong mayaman ang maging boyfriend mo papayag ba ang mama mo?" kumindat pa siya sa'kin.

"T-Teka? Bakit mo naman sinama ang sarili mo?."

"Ginawa ko lang example ang sarili ko dahil ako kasi ang perfect na mayaman at gwapo."

Inirapan ko siya. "Assuming ka naman. Hindi kita gusto."

"Wag kang mag-alala hindi rin kita gusto ang pangit mo kaya."

"Tse! Ang ganda ko kaya ilang beses akong naging muse noong high school ako."

Tumawa si Ryuuji. "Bulag sila."

"Tse! Palibhasa gwapo."

Tumawa si Ryuuji. "Inamin mo na rin na gwapo ako."

"Tse!"

Pagkatapos hindi ko na siya muling kinausap.

Pagdating namin sa School nakita ko si Fujima at Dan Carly na naghihintay sa'ming dalawa. Nakasuot sila ng uniform ngunit wala silang dalang gamit.

Nakangiti sila habang nakatingin sa'ming dalawa.

"Kanina pa namin kayo hinihintay." Tumingin si Fujima sa'kin. Hi, Aika!"

"Aika, sinabi ni Ryuuji na manlilibre ka raw mamaya."

"H-Ha?" Tumingin ako kay Ryuuji.

"Di'ba sinabi mo na ililibre mo ako kaya sinama ko na sila." Nakangisi pa ito.

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon