CHAPTER 10

11.1K 497 35
                                    

[Ryuuji]

Nagising ako sa malakas na tilaok. Bumangon ako at pinagmasdan ang paligid nasa loob pala ako ng kwarto ni Aika. Napansin ko ang graduation picture niya na  nasa ibabaw ng table. Kinuha ko 'yon at pinagmasdan. Kasama ni Aika ang kanyang Mama. Napansin ko rin ang mga balat ng gamot na ininom ko kagabi. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti dahil naalala ko kung paano ako alagaan ni Aika kagabi. Tuluyan na akong bumangon. Humarap ako sa salamin at nakita ko ang suot kong damit na barbie ang tatak medyo masikip sa'kin ang suot ko pero hindi ko na 'yon napansin dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Kung may ibang makakakita sa'kin sa suot ko ngayon siguradong pagtatawanan ako. Hinanap ko ang suot kong damit at nakita ko 'yon nakatupi at plansiyado na.

"Sobra-sobra pa lang effort nina Aika at Mama niya sa'kin."

Lumabas ako ng kwarto bitbit ang damit ko sa kotse na lang ako magbibihis.

"Gising ka na pala Ryuuji." Ani ng Mama ni Aika. Nagsusuklay siya ng buhok habang naka-harap sa salamin.

"Good morning po." Lumapit pa ako sa kaniya.

"Magandang umaga rin. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Maayos na po ako maraming salamat  po sa pag-aasikaso ninyo sa'kin."

"Mabuti naman, kumain ka muna." Hinila niya ako papunta sa kusina.

"Salamat po pero sa bahay na lang ako kakain."

"Wag ka ng mahiya sa'kin. Kailangan mong kumain bago umalis dahil kakagaling mo lang sa sakit."

Pinaghanda niya ako ng pagkain kaya wala akong nagawa kung hindi ang  sabayan siya sa pagkain.

"Ahm... Tita, bakit maaga po kayong gumising?" Tanong ko.

"Alas tress talaga ako ng umaga nagigising dahil nagluluto ako ng almusal para dadalhin ko sa palengke. Kailangan kasi pagbukas ko ng tindahan may almusal na akong luto. Yung mga tindera at kargador sa palengke ang suki ko kapag maaga."

"Ang sipag ninyo naman po."

"Ganito talaga para kay Aika itong lahat ng ginagawa ko." Ngumiti siya sa'kin. "Kumain ka lang nang kumain."

"Sabay na po tayo umalis. Ihahatid ko na kayo sa palengke."

Ilang beses umiling ang Mama ni Aika. "Naku! May inarkila akong trycycle kaya ko na ito. Isa pa, baka magasgasan pa ang kotse mo."

"Okay lang po 'yo para naman makabawi ako sa inyo kahit papaano."

"Sigurado ka ba?"

Tumango ako. "Opo."

"Salamat naman kung gano'n."

Pagkatapos naming kumain. Binitbit ko na mga dadalhin niya sa palengke at nilagay sa kotse ko. Pagkatapos sinabihan niya akong buhatin si Aika at ilipat sa kwarto ni Aika bago kami umalis.

Nakatayo ako sa harapan ni Aika. Mahimbig pa rin ang tulog niya habang nakabalot ng kumot ang katawan.

"Maraming salamat. Napuyat ka tuloy dahil sa'kin."

Dahan-dahan ko siyang binuhat at dinala sa kwarto niya. Ibinababa ko siya sa kama at pagkatapos umupo ako sa gilid ng kama niya habang pinagmamasdan ko siya.

"Tama ka nga maganda ka rin naman."

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman kong kaba. Siguro dahil dahil na rin sa pagkakasakit kaya ganito. Natukso akong ilapit ang mukha ko sa mukha niya hanggang sa ipikit ko ang mga mata ko. May bahagi ng isip ko ang nagsasabi na halikan ko siya. Kaya naman 'yon ang sinunod ko. Pakiramdam ko tumigil ang pag-ikot ng mundo habang papalapit ang labi ko sa labi niya. Hanggang sa maglapat ang labi namin. Tatlong segundo lang 'yo at mabilis kong inalis at tumayo ako upang lumabas. Paglabas ko kinapa ko ang puso ko na halos pumutok na sa lakas ng tibok.

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon