CHAPTER 4

12.6K 503 40
                                    

“Mama, papasok na po ako,” sabay halik ko sa pisngi niya.

“Dinala mo na ba ang baon mo?” tanong ni Mama.

Tumango ako. “Opo, salamat.”

“Mag-ingat ka.”

Agad akong umalis at sumakay ng jeep. Pagkasakay ko ng jeep, nakaramdam ako ng lungkot. Isang linggo na kasi akong hindi pumapasok sa school. Madalas tumambay lang ako sa simbahan at diretso sa Mall, tapos uuwi ako tuwing oras ng uwian sa school. Simula kasi ng ma-bully ako, hindi na ako pumasok sa school. Isang linggo akong nagsisinungaling kay Mama. Gustong-gusto kong sabihin sa kanya, kaya lang natatakot ako.

Habang naglalakad ako papuntang simbahan, may nakita akong matandang lalaki na nagtitinda ng ice drop. Hirap na hirap na siyang maglakad, pero kinakaya niya, bitbit ang isang malaking lagayan ng ice drop.

Lumapit ako upang bumili. “Pabili po ng isang ice drop,” sabay abot ko ng isang daang piso.

“Ineng, wala akong barya. Ikaw ang buena mano ko.”

Ngumiti ako. “‘Wag ninyo na akong suklian. Sa inyo na po.”

“Hindi, Ineng. Nakakahiya naman sa ‘yo. Estudyante ka pa lang naman.”

“Okay lang po.”

“Salamat kung gano’n.”

“Manong, bakit po kayo nagpapakahirap magtinda ng ice drop?”

Pinunasan ni Manong ang pawis niya bago nagsalita. “May anak kasi akong nag-aaral ng high school. Kailangan kong tulungan ang asawa ko sa pagtatrabaho para mapag-aral namin ang anak namin hanggang kolehiyo.”

Bigla akong nakonsensiya sa sinabi ni Manong. Naisip ko si Mama na nagpupuyat sa pagtitinda para lang mapag-aral niya ako. Pagkatapos, malalaman niyang hindi pala ako pumapasok.

“Ang swerte po ng anak ninyo,” sabay ngiti ko.

“Swerte rin kami sa kaniya dahil nag-aaral siyang mabuti.”

“Manong, palagi ba kayo dito sa simbahan?”

Tumango siya. “Malapit lang dito ang bahay namin.”

“Simula po ngayon, regular customer ninyo na po ako. Palagi akong bibili ng ace drop ninyo.”

“Salamat, Ineng.”

“Ako po ang dapat magpasalamat sa inyo. Sige po, papasok na po ako.”

“Mag-aral mabuti, Ineng.”

Buo na ang isip ko na babalik ako sa Eastberg at ipagpapatuloy ang pag-aaral. Kailangan kong harapin ang pambubully nila para sa pangarap ko.

Makalipas ang ilang minuto, nasa harapan na ako ng Eastberg University. Huminga ako ng malalim at pagkatapos, pumasok na sa loob. Malikot ang mga mata ko dahil baka may kung anong bumagsak o tumama sa 'kin.

Bakit kaya wala ng bully?”

Nakarating ako sa classroom namin ng walang nangyari sa 'kin. Nakahinga ako ng maluwag.

“You are Aika Cassidy Miketsukami?” tanong ng professor namin.

“Yes, po. Sorry po kung—”

“Mabuti, okay ka na. Akala namin sa susunod na linggo ka pa papasok.”

“Po?”

“Ayos ka na ba?”

“H-Ha? O-Opo.”

“Mabuti naman, sige maupo ka na.”

“Thank you.”

Palaisipan sa akin kung bakit ganoon ang sinabi sa 'kin ng professor ko. Akala ko nagkamali lang siya, pero dahil lahat ng professor ko ganoon ang sinabi sa 'kin, akala nila nagkasakit ako kaya hindi nakapasok ng ilang araw. Iniisip ko tuloy kung sino ang nagsabi na may sakit ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon