CHAPTER 1

31.9K 657 25
                                    

[Aika]

Nagsimula na ang pag-ulan, ngunit nanatili pa rin kaming nakatayo sa labas ng malaking Unibersidad ng Eastberg. Isa itong sa pinakamalaking at pinakamagandang paaralan sa bansa. Madaming magagandang balita tungkol sa paaralang ito kaya't marami sa mga nagtatapos ng hayskul ang pangarap makapasok dito. Ngunit dahil sa napakamahal ng matrikula, hindi kayang pondohan ng mga mahihirap katulad ko ang pag-aaral dito. Swerte na lang at nagkaroon sila ng pagsusulit para sa mga iskolar. Nakakuha ako ng pagkakataon na sumubok at ngayon nga ang araw para malaman kung sino ang nakapasa bilang iskolar nila.

"Sana makapasok tayo diyan." 

"Swerte natin kung makakapasok tayo ang daming guwapo."

Ipinikit ko ang mga mata ko at nag-dasal. "Lord, kailangan ko po ang scholar na ito para makatulong kay Mama."

Simula nang ipagpalit kami ni Papa sa ibang pamilya, hindi na naging maganda ang buhay namin. Si Papa ay Senior Manager ng isang electronics company, ngunit nang makagusto ito sa kaniyang amo, tuluyan na kaming iniwan dalawa ni Mama. Napilitan si Mama na magtrabaho at nagtayo siya ng maliit na karenderiya sa palengke upang mabuhay kami at makapag-aral ako. Nang sinabihan ako ng teacher ko sa high school, na subukan kong mag-exam sa Eastberg, hindi ko na pinalampas.

Ilang saglit pa, lumabas ang guwardiya ng paaralan na may dalang resulta ng mga pumasa. Dinikit niya ito sa dingding sa labas. Pagkadikit pa lang ng mga listahan ay dinumog na ito.

Hindi ako sumabay sa kanila dahil siguradong maiipit lang ako, kaya naghintay na lang ako hanggang matapos sila.

"Yes! Nakapasa ako."

"Ako rin."

"Sayang hindi ako nakapasa."

Sari-sari ang naririnig ko matapos nilang basahin ang naka-lista. Habang papalapit ako sa listahan ng mga pumasa pabilis naman nang pabilis ang pagkabog ng dibdib ko.

"Miketsukami Aika Cassidy."

 Ilang beses kong inulit basahin ang pangalan ko hanggang sa mag-sink in na siya sa utak ko. 

"Ang galing nakapasa ako." Pagkatapos umalis na ako doon.

"Miss, nakapasa ka ba?" tanong sa akin ng security guard.

Ngumiti ako. "Opo."

"Bakit parang hindi ka masaya? ‘yung ibang mga bata halos nangisay sa tuwa. Ikaw, wala kang reaksiyon."

"Ganito na po talaga ako matuwa, Manong. Sige po, aalis na ako."

Carrying the good news, I left the school and went straight to the market where my mom was. When I got there, she was busy with her customers. It was eleven in the morning, and many people buy food at the eatery from ten until one in the afternoon.

"Oh, Aika, nandito ka na pala,” wika ni Mama habang nagsasandok ng ulam.

Nilapag ko ang bag ko at tinulungan ko siyang mag-abot ng mga order sa mga customer.

"Nalaman ko na po ang resulta ng exam ko, Mama."

Saglit na tumingin sa 'kin si Mama. "Bakit naman kasi doon mo pa gustong mag-aral. Ang mahal-mahal doon, puwede ka namang mag-aral sa public school, scholar ka pa doon."

"Mama, full scholar din naman ako sa Eastberg."

 Tumingin sa 'kin si Mama. “Nag-exam ka?”

Tumango ako. "Pumasa po ako."

"Mabuti naman kung ganun, hindi nasayang ang pagpupuyat mo para mag-review."

"Aika, nakapasa ka pala dapat masaya kayong dalawa ng Mama mo, hindi mukhang biyernes santo ang itsura ninyo. Magandang balita 'yan dapat masaya kayong dalawa,” wika ng baklang si Timmy, ang isa sa mga katulong ni Mama sa karinderya. 

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon