CHAPTER 11

10.5K 432 35
                                    

[Aika]

Halos manlumo ako matapos sabihin ng trainor namin sa Binibini na mayroon ng swinsuit competition na magaganap. Sa ibang mga contestant walang problema mas natuwa pa sila dahil masusuot daw nila ang two piece nila samantalang ako hindi ko nga kayang magsuot ng maikling short ang magsuot pa kaya ng two piece at maraming nakakakita.

Hinintay kong magsi-alisan ang mga kasama ko sa contest pagkatapos lumapit ako sa trainor namin na si Tita. Tita ang tawag namin sa baklang trainor namin.

"Tita, pwede ba akong magback out?"

Nameywang siya sa'kin at lumaki ang butas ng ilong dahil sa narinig.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo?"

"Hindi na po ako sasali sa contest. Magba-back out na po ako."

"Isang linggo ka ng nagpraktis at dalawang araw na lang contect ninyo na tapos bigla kang mag-back out! Ako ba iniinis mo Aika?"

"Kasi Tita may swimsuit competition."

"Ano naman kung may two piece competition? May kurikong ka ba? Malaking balat O tadtad ba ng peklat ang katawan mo? Don't worry kaya naman takpan ang lahat ng 'yon."

"Hindi po, hindi kasi sanay magsuot ng two piece."

"Masasanay ka rin kaya wag ka ng mag back out, isipin mo na lang ang mga professor po at classmate na sobrang daming ginawa para sa'yo."

"Pero Tita-

"I have to go Aika, bukas halfday lang ang praktis natin." Pagkatapos umalis na ito.

Huminga ako ng malalim wala na talaga akong pag-asang mag back out.
Nanlulumo ako naglalakad palabas ng room na 'yon nakayuko ako habang naglalakad kung kaya't hindi ko napansin ang taong kasalubong ko. Nagkabanggaan kaming dalawa.

"Aray!" Una ang pwet ko nang bumagsak sa lupa.

"I'm sorry miss." Inilahad pa niya ang kamay niya upang tulungan niya akong buhatin.

Isang lalaki ang nakabangga ko nang tumingala ako. Hindi siya nakasuot ng school uniform kaya hindi ko masasabing estudyante siya ng school na ito.

"Thank you." Sabi ko nang tulungan niya akong tumayo.

"Sorry kung hindi kita napansin nangmamadali kasi ako." Sabay ngiti.

Hindi ko napigilan ang hindi ngumiti dahil sa kaniya. Nakakadala kasi ang ngiti niya pati ang mata niya ngumingiti na rin.

"Okay lang."

"Ako nga pala si Aeron." Sabay lahad niya ng kamay sa'kin.

Saglit kong tinitigan ang kamay niya. Iniisip ko kasi kung dapat ko pa siyang kausapin. Napansin naman 'yon ni Aeron.

"It's okay." Muli siyang ngumiti pagkatapos umalis na siya.

Nanatili akong nakatayo at tinatanaw siya habang papaalis. Si Aeron ay maputi, matangkad, matangos ang ilong at makinis ang balat. Halata sa itsura niya ang galing sa may kayang pamilya. Nakakadala rin ang mga ngiti niya.

Muli akong naglakad patungo sa parking area. Sigurado kasing naroon si Ryuuji at naghihintay sa'kin. Simula ng sumali ako sa contest palagi na akong nagsisinungaling kay Ryuuji. Hindi ko kasi kayang sabihin sa kaniya na kasali ako. Bukod sa professor at classmate ko ayoko ng may ibang nakakaalam kaya nga hindi ko pinalagay ang itsura ko sa tarpuline ng mga contestant dahil ayokong may makaaalam.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ni Ryuuji sa'kin.

Binabagtas nami ang daan pauwi sa bahay namin.

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon