Thirty Two

323K 3.2K 753
                                        

Thirty Two

Arkisha's POV

"I'm sorry Brent, pero hindi ko kayang ipaubaya sa kahit kanino si Arkisha."

Yan ang tumatakbo sa isip ko habang nagmamaneho si Adam. Actually, hindi ko nga alam kung saan kami papunta eh. Paikot ikot lang ata kami.

Tiningnan ko si Adam. Parang hindi din siya mapakali. Huminto kami sa park. Imagine, dis oras ng gabi pupunta kami sa park?

Bumaba siya. Bumaba din ako.

Naglakad siya. Naglakad din ako. Saan ba kasi siya pupunta?

Tumigil siya at hinarap ako.

"I'm sorry", he said.

"I'm sorry kung muntik na kitang ibigay kay Brent. I'm sorry na nasaktan kita before. I'm sorry sa mga pambababae ko. I'm sorry for choosing Scarlet over you before. I'm sorry, baby."

Ilang sorry ba ang binitiwan niya? Hindi ko nabilang. Tsk. At tinawag niya akong baby?

Baka naman totoong may end of the world at malapit ng mangyari? Bakit nagkakaganito si Adam.

"Adam, are you on drugs?" kunot noo kong tanong.

Kumunot din ang noo niya ngunit na agad na ngumiti.

"You are my drug and I'm addicted to you", sagot niya.

OH MY GOD!

Ibalik nyo po si Adam! Hindi po siya ito! Why become so cheesy?

"Adam, you're giving me a fright! Ano bang nangyayari sayo? Baka naman may sakit ka lang?"

"Yes, at ikaw lang ang gamot sa sakit ko."

Nasapo ko ang noo ko.

"Saan mo dinala si ADAM?!! Bring him back!" sigaw ko sa kanya. He's getting really weird.

"I am back, baby. I am all yours."

Halos sabunutan ko ang buhok ko habang naglalakad ako ng konti palayo sa kanya.

"Kahit guluhin mo ang buhok mo, maganda ka pa din", sabi niya habang nakangiti sa akin, at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa niya.

Waaaaaahhhh!! ANG GWAPO!!

Adam naman eh! Wala ng pagsisidlan ng kilig ko. Aapaw na oh!

Naglakad siya papalapit sa akin.

"Heeeppp!" pigil ko sa kanya. "Stop right there. Huwag kang lalapit!"

Mahirap na, baka sunggaban ko siya bigla kapag lumapit pa siya sa akin. Nababaliw na nga ako maamoy lang siya eh, tapos lalapit pa siya?!

"Okay baby, pero hindi ko maipapangako na tatagal ako na ganito kalayo sayo", sabi niya.

"Ano bang problema mo? Bakit ka ba nagkakaganyan?!" singhal ko sa kanya. Trying to fight all the kilig that I am feeling right now.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko."

"Ako?! Wala naman akong ginagawa sayo ah!"

"Anong wala? Palagi kang laman ng utak ko. Doon ka na nga yata nakatira eh. Nagseselos ako kapag nakikita kita with another guy. I always wanna be with you. Sinubukan ko naman na baka kaya ko na wala ka, pero hindi talaga. Buong sistema ko, hinahanap ka. Mahal kita, Arkisha. I love you so much!"

*dug dug dug dug*

Ang lakas ng kaba sa dibdib ko ngayon. Mahal ako ni Adam! Can you believe it? Kasi ako, hindi makapaniwala!

"Believe me, Arkisha. Mahal kita. Gago man ako pero mahal kita."

Nakatitig lang ako sa kanya.

"OUCH!" sigaw niya.

Bakit?

Binato ko lang naman siya ng sapatos ko. Hawak hawak niya ngayon ang noo niya.

"I won't say sorry for loving you, dahil hindi ko kayang pigilan yon", sabi niya. "Aray. Masakit ha", bulong niya. "Bakit ka ba nambabato?" hinahaplos pa din niya ang noo niya.

I was about to throw another shoe ng lumapit na siya sa akin at pigilan ako.

"Enough. Akina yan", at inagaw niya sa akin ang kabiyak ng sapatos ko.

Hinampas ko ang dibdib niya.

"Gago ka nga!" sigaw ko sa kanya. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" paiyak ko ng tanong.

Patuloy pa din ang paghampas ko sa braso niya.

"I'm sorry, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Babe, stop. Hush now", at niyakap niya ako.

Napaiyak na ako ng tuluyan, but this time its tears of joy.

"Stop crying. From now on, ayoko ng makikita kang umiiyak", bulong niya sa akin.

Pero patuloy pa din ako sa pag-iyak. Ang hirap pigilan eh. Eh sa masaya ako eh!

Hinawakan niya ang mukha ko.

"Arkisha, wag ka ng umiyak", pinunasan niya ang luha ko. "Pag hindi ka tumigil sa pag-iyak, hahalikan na kita."

Kasabay ng pagtawa ko ang pagtulo ng luha mula sa dalawa kong mata. Next thing I know, nakalapat ng ang labi niya sa labi ko.

He kissed me softly. Pakiramdam ko tuloy lumulutang ako. Siya ang unang nagbitiw sa halik.

"Wala na akong pakialam kung hindi mo man ako mahal, basta mahal kita."

"Sino namang may sabi sayo na hindi kita mahal?" tanong ko.

Nanlaki ang mata niya. Para makabawi siya sa pagkagulat, hinalikan ko siya.

"I love you", matamis niyang sabi.

"I love you too", sagot ko.

"I love you more", sagot niya. "Simula ngayon, ako naman ang mas na magmamahal sayo. Susuklian ko lahat ng pagmamahal mo sa akin noon."

Tumawa ako.

"Stop laughing. It makes me wanna kiss you again."

"Then kiss me again", sabi ko. Agad naman niya akong sinunod.

EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now