Epilogue
Arkisha's POV
"Congratulations!" bati ko kay Ate Gem. Finally ikakasal na din sila ni Harris, yung boyfriend niya.
"Thank you! Huwag kayong mawawala sa kasal ko ha", sabi ni Ate Gem.
"Sure yan Ate Gem", sagot ni Ella.
"Eh kayong dalawa? Kelan naman kayo magpapakasal?" tanong ko kina Jane at Ella.
"Ako matagal pa", sagot ni Ella.
"Bakit?"
"Eh sino namang papakasalan ko eh wala naman akong boyfriend?!"
"Hahahaha! Oo nga naman!"
"Eh ikaw Jane, don't tell me si Brent pa rin?" tanong ko.
"Hindi na nga. Ayoko na nga sa kanya diba? Matagal na. May bago akong prospect."
"Kuhhh may bago na naman daw. Hanggang prospect lang naman siya!" asar ni Ella.
*ring ring ring*
Venice Calling..
"Hello Ate", sagot ko.
Sigurado ako magkasalubong na ang kilay nito ngayon. Pinipigilan ko nga lang ang tawa ko eh.
"ARKISHA! HOW MANY TIMES DID I TELL YOU, DO NOT CALL ME ATE!" sigaw niya.
Hahahahaha! I told you.
"A thousand times?", pangaasar ko. Ayaw niya daw na tatawagin ko siyang Ate kasi gusto niya magkasing edad lang daw kami. "I'm sorry. I forgot", pagsisinungaling ko. Natatawa pa din ako eh.
"Umuwi ka na. Your twins are with me", sabi niya.
>.<
"Si Adam?"
"Naiwan sa bahay nina Daddy. Pinauna na ako eh", sagot ni Venice.
Dinala kasi ni Adam kaninang umaga ang kambal sa bahay ng mga Daddy niya. Namimiss na daw eh. Nagkataon naman na nagtext si Ate Gem at may announcement nga daw siya kaya hindi na ako nakasama. Sinabi din ni Adam na okay lang naman daw na di ako sumama. Alam naman daw niya na matagal ko ng hindi nakikita ang mga friends ko kaya andito ako ngayon sa boarding house and pauwi na.
"Congratulations ulit Ate Gem, I'm sorry kailangan ko na talagang umuwi eh. The twins are home", paalam ko.
Nang makauwi ako, nadatnan ko sa stroller ang mga anak ko. Kasamang umuwi ni Venice ang mga yaya ng kambal. Adam's mom insists na ikuha daw ng yaya ang kambal. Sabi ni Adam pagbigyan ko na lang daw.
"Paris??!" nagulat ako ng biglang lumabas mula sa kitchen si Paris. "Kailan ka pa dumating?" tanong ko.
"Surprised?" nakangiti niyang tanong.
"I brought some pasalubong."
Itinuro sa akin ni Paris ang mga pasalubong niya mula sa Europe. She went there last week. Kung nagkita sila ni Scarlett, hindi ko alam.
Inilagay ko muna ang mga yon sa isang tabi. Hinila ako ni Paris palabas sa may terrace.
"Ang dami naman nun", sabi ko.
Puro pabango, damit, bags and a lot of chocolates. I bet buong bagahe niya yan ang laman.
"Nakita ko si Scarlett", sabi niya.
I looked at her.
"She looks fine naman. Arkisha, I'm really sorry sa lahat ng nagawa ko sayo noon, to think na kay Scarlett pa ako kumampi. Hindi ko naman kasi alam na.."
"It's okay. Past is past. Kalimutan na natin yon. Dito na kayo maglunch ni Venice", alok ko sa kanya.
"I can't. Susunduin ako ni Brent", sagot ni Paris.
O_____O
"Si Brent? Seriously?"
She smiled.
"Yes."
"So you two are dating huh?" nakangiti kong tanong.
"Sort of", sagot niya. Hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi niya.
"Alam ba ni Adam to?"
"Sssshh. Hindi pa niya alam, pero sasabihin ko din sa kanya soon."
"Okay. That's good."
Well, wala naman akong nakikitang masama kung magkamabutihan man sina Paris at Brent. They are both single.
*beep beep*
"Tita Paris!" bati ng batang nakasakay sa back seat.
"Mukhang close na close na kayo ng anak ni Brent ah?" tanong ko kay Paris. Tumayo na siya at kinuha na niya ang mga gamit niya.
"Oo. Hindi ako magtataka kung isang araw mas nagkekwento na ang batang yan saken kesa kay Brent", sagot niya na may halong tawa.
Inihatid ko siya sa may gate.
"Hi Arkisha!" bati ni Brent.
"Hi Tita Arkisha!", si Luigi.
"Hi Luigi! Brent, iingatan mo si Paris ha. Hmmm! Lagot ka kay Adam kapag sinaktan mo yan", banta ko.
Sumakay na sa back seat si Paris.
"Alam ko. Takot na ako kay Adam ngayon. Hahaha!" birong sagot ni Brent.
"Dapat lang noh! Sige na, bye na! Mag-iingat kayo ha, and Paris, salamat ulit sa mga pasalubong."
"You're always welcome and pakisabi na lang kay Venice, umalis na ako."
Tinanaw ko na lang sila hanggang sa mawala na ang kotseng sinasakyan nila sa paningin ko. Bumalik na ako sa loob. Nakatayo sa may pinto si Venice.
"Sinundo na naman siya ni Brent?" tanong niya.
Tumango na lang ako.
"Sana lang huwag talagang sasaktan ng Brent na yon ang kakambal ko kung hindi.."
Nagulat na lang ako ng may biglang umakbay sa akin.
"Miss me?" tanong ni Adam.
I saw Venice rolled her eyes.
"I think I have to go. Makakaistorbo lang ako sa inyong dalawa", paalam ni Venice.
"Dito ka na maglunch", yaya ni Adam.
"Thanks but no thanks. May aasikasuhin pa ako eh."
Nang makaalis si Venice, may kinuha si Adam mula sa kotse niya.
"Flowers? Seriously?" tanong ko sa kanya.
"You didn't like it?"
"No. I love it!"
He kissed me.
Pumasok na kami sa loob, hinalikan niya si Madison at Landon then we went inside the Master's Bedroom.
"Adam, what the hell? Anong pinaplano mo?"
I act as if hindi ko alam ang binabalak niya, baka sakaling magkakamali ako but I wasn't.
"I wanna make love to my wife and I can sense that the feeling is mutual", sagot ni Adam at isinara na niya ang pinto.
Yes. We made love.
We made love as if there was no tomorrow.
I know some of you are thinking. Ex with Benefits? That's crazy. Sino namang tanga ang papayag sa ganoong klase ng relasyon? Palaging talo ang babae kapag ganun. Sounds crazy but true. In life, there are no guarantees. Kailangan mong sumugal. Paano mo malalaman ang sagot kung hindi ka magtatanong? Kung sumuko ako noon, hindi ko mararamdaman ang happiness na ito ngayon.
Let me introduce myself.
I am Arkisha Aragon–Castrences at ang lalaking katabi ko na nakayakap sa akin ay si Adam Jacob Castrences, my ex boyfriend.
Ex, because now we are husband and wife...
Of course, with BENEFITS.
*************THE END**********

YOU ARE READING
EX with Benefits (COMPLETED)
General FictionSabi nila kapag ex na, ex na. Hindi na dapat nagkikita pa. Meet Arkisha, the girl who will do everything just to make her ex, Adam Jacob stay in her life. After the break up, there is something they can't get enough of. Benefits. Sa larong ito, a...