FIFTY TWO
Brent's POV
"Bumili ba si Daddy ng bagong kotse? Saan galing to?" tanong ko sa katulong sa bahay namin.
"Hindi po Sir Brent. Ang alam ko po si Ma'am Scarlett ang nagpadeliver niyan."
Tiningnan ko ang kotse. Si Scarlett bibili ng kotse? Bakit? Maganda pa naman ang kotse niya ah. Tsaka hindi na naman siya dito nakatira ah, bakit dito niya pinadeliver?
"Nandito ba siya?"
"Wala pa po Sir."
Umakyat na ako sa kwarto ko para maligo. Pupuntahan ko si Arkisha para magpaliwanag sa kanya. Nakokonsensya na ako. May anak siya at naaawa ako sa kanya. Pagbaba ko, wala na ang kotse.
"Nasaan na yung kotse?"
"Sir, kaaalis lang po ni Ma'am Scarlett."
Napakagaling talaga ng kapatid kong yun. Hindi na naman kami nagpangabot.
Pinuntahan ko si Arkisha sa boarding house niya pero eksakto pasakay na siya sa jeep ng makita ko siya. Sinundan ko na lang ang sinasakyan niya.
Nang makababa siya at patawid na siya sa kalsada, nakita ko ang kotseng pinadeliver daw ni Scarlett. Bumaba ako sa kotse ko.Tinted man ang salamin, alam ko kung sino ang may dala nun. Hindi pa ako nakakahakbang palapit kay Arkisha, humarurot na ang sasakyan.
"Arkisha!!" sigaw ko.
Pagkasigaw ko, nagpreno ang sasakyan. Mabuti hindi niya nasagasaan si Arkisha. Pagtingin ko, nakahandusay na sa daan si Arkisha. Nilapitan ko kaagad siya. Siya namang harurot ng sasakyang nagtangkang bumangga sa kanya palayo.
Isinakay ko kaagad siya sa kotse ko at dinala sa hospital.
**
Paris' POV
Kitang kita ko kung paano niya pagtangkaan ang buhay ni Arkisha. Wala nga pala talaga siyang puso! Mabuti na lang may tumulong sa kanya.
Wait. I know who that guy is. Siya ang kapatid ni Scarlett. Sinundan ko ang kotse niya. Dinala niya sa hospital si Arkisha. Pinili kong hindi magpakita sa kanya.
Wala pa rin sigurong malay si Arkisha. Nasa labas ng kwarto yung lalaki at nilapitan siya ng doktor.
"Ikaw ba ang asawa niya?" tanong ng doktor.
"Hindi po. Pero mag-k-kaibigan po kami", nag-aalangan pa niyang sagot. "Kamusta po siya? Ang baby niya?" Sinabi ng lalaki ang nangyari.
"Nawalan siya ng malay sa sobrang takot sa nangyari but you don't have to worry, okay na siya and the babies as well", sabi ng doktor.
"BABIES??" kasabay ng utak ko ang pagtatanong niya.
"Yes, kambal ang ipinagbubuntis niya. Mamaya lang magigising na din siya."
Pagkarinig ko noon, agad akong umuwi. I was really in shock. Nanginginig ako while driving. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagpapaliwanag kay Adam.
Pagdating ko sa gate, nandon si Scarlett sa labas. Oo nga pala, sinabi ko nga palang wag siyang papapasukin. Bumaba ako sa kotse ko. Pero bago yun, tumawag na ako ng pulis.
"PARIS! Oh! God you're here! Anong nangyayari sa kanila? Ayaw nila akong papasukin!!" sabi niya at kumapit pa siya sa braso ko. Sisiguraduhin kong hindi siya makakatakas.
Ngumiti ako sa kanya.
"Its ok, papasukin nyo na siya. Andito na ako", sabi ko sa guard. "Let's go", baling ko kay Paris.

YOU ARE READING
EX with Benefits (COMPLETED)
General FictionSabi nila kapag ex na, ex na. Hindi na dapat nagkikita pa. Meet Arkisha, the girl who will do everything just to make her ex, Adam Jacob stay in her life. After the break up, there is something they can't get enough of. Benefits. Sa larong ito, a...