FORTY THREE
Adam's POV
Pagod daw siya? Bakit? Sino bang hindi napapagod? Naiistress na nga ako sa office tapos ganung scene pa ang madadatnan ko!
Damn!
Tapos siya pa tong parang nambibintang na may ginagawa akong masama? Bakit? Ilang beses na ba silang nagkikita ng lalaking yon?
Ang pakunsuelo ko na lang siguro ay ang pagsagot niya na I'm the one she's dating. Pero ang tanong, ako nga lang ba?
Ininom ko hanggang sa kahuli-hulihang patak ang alak na hawak ko. Gusto ko lang makalimutan ang mga nangyari. Hindi ko alam pero pagdating kay Arkisha, madamot talaga ako.
I want her mine. Mine alone.
Sabi niya seloso ako. Seloso na kung seloso pero anong magagawa ko? Hindi ko lang kaya na makita siyang may iba.
*ding dong*
Fvck! Istorbo! Bahala ka! Kung sino ka man na nasa labas, manigas ka dyan!
*ding dong*
Tumayo ako para kumuha pa ng alak. Nahihilo na din ako at paekis ekis na din ang lakad ko. Ang tanging naririnig ko ay ang sunod sunod na doorbell. Hindi ba talaga titigil ang taong yun!
"WALANG TAO DITO!!" sigaw ko. Wala akong pakielam kung marinig man niya ako o hindi.
Pabalik na ako sa may couch ng marinig ko na naman ang doorbell.
"Sh*t!" napapamura na ako sa inis. Kung sino man to, sasapakin ko talaga to!
Binuksan ko ang pinto para bigyan ng suntok ang taong lumikha ng ingay sa pandinig ko.
"S-Scarlett?"
"AJ!" tawag niya sa akin at bigla na lang niya akong niyakap. Umiiyak siya ng buksan ko ang pinto.
"What's wrong?" nag-aalala kong tanong.
"Hindi mo ba ako papapasukin?"
"I'm sorry, come in."
Pinaupo ko siya sa couch. Napansin niya ang mga bote ng alak.
"Anong problema mo? Why are you drinking?"
"Ako ang unang nagtanong kaya ako ang sagutin m--", sabi ko. Natigil ako sa pagsasalita. Naalala ko bigla si Arkisha. Gusto kong mapangiti kapag naalala ko ang kulitan naming yon. Yung hahalikan ko siya kapag sinagot niya ng tanong ang tanong ko.
"AJ? AJ? Nakikinig ka ba sa akin?"
Sumakit bigla ang ulo ko. Dala na rin siguro na epekto na alak.
"A-ano yon?"
Nagsimula na naman siyang umiyak. Bakit ba napakahina ng babaeng to? Ano nga ulit ang iniiyakan niya?
"Nag-away kami ni Daddy.." kwento niya. Hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi niya. Nakafocus ang isip ko sa paggalaw ng mga labi niya.
Tumigil siya sa pagsasalita. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kanya.
"Kanina ka pa tumitingin sa labi ko, do you want to kiss me?" tanong ng babae sa harap ko. Sino nga ulit ito?
F*ck! Lasing na nga ata ako!
Umiling ako. Oo, gusto ko siyang halikan, but there's a part of me na nagsasabi na hindi pwede, na mali ang iniisip ko. But this woman in front of me is freaking HOT!
"Well, I want to", sabi niya.
Naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko. Mapangahas ang mga halik niya. Sabik na sabik. Pero hindi ko hinahayaang matalo ako sa pakikipaghalikan ng babaeng to. I am Adam Jacob Castrences, I'm gonna show this woman kung anong hinahanap niya.

YOU ARE READING
EX with Benefits (COMPLETED)
General FictionSabi nila kapag ex na, ex na. Hindi na dapat nagkikita pa. Meet Arkisha, the girl who will do everything just to make her ex, Adam Jacob stay in her life. After the break up, there is something they can't get enough of. Benefits. Sa larong ito, a...