Thirty Three

337K 2.9K 228
                                        

Thirty Three

"Arkisha! Andito na ang knight in shining armor mo!" sigaw ni Ate Gem.

Pagkalabas ko ng kwarto, nadatnan ko si Adam sa sala.

"Hoy, pogi anyare sayo? Bakit may bukol yang noo mo?" usisa ni Ate Gem kay Adam.

"Ah ito ba?" at hinawakan ni Adam ang noo niya. "Na-inlove eh, nagkabukol tuloy", biro niya.

"Hala! Nakakabukol na pala ang pagiging inlove? Bakit si Harris hindi naman nagkabukol?"

"Eh simple lang. Hindi ka love", sagot ko.

Tumawa si Adam.

"Let's go babe", yaya ko kay Adam.

Lumabas na kami ng boarding house at sumakay sa kotse niya. Ihahatid niya kasi ako sa school.

"Hindi ka ba malelate niyan sa office?" tanong ko.

"I'm the boss remember? Hawak ko ang oras ko. Huwag kang mag-alala."

"Yabang!" sabi ko.

"Okay lang. Mahal mo naman!"

I blushed.

Last day na ng pasok ko, sembreak na kasi. Finally, isang sem na lang makakagraduate na ako!

At may bonus pa, akin na ulit si Adam!

"Anong plano mo this sembreak?" tanong ni Ella.

"Wala pa nga eh. Ikaw?" sagot ko.

"Baka umuwi ako samen. Hindi ka ba uuwi sa inyo?"

Dahil sembreak, mas pinili namin na magbakasyon muna din sa trabaho.

"Hmmm.. Gusto ko, pero gusto ko ding makasama si Adam eh."

"Oo nga pala. Back in each other's arms na nga pala kayo. I'm happy for you!"

Ngumiti ako.

"Salamat."

Nasa labas na ako ng school when my phone rang.

"Hi Babe!" sagot ko.

"I miss you", sagot niya.

Agad agad? Miss agad?!

"Huwag mo akong simulan ha", banta ko sa kanya habang nakangiti.

"O? Bakit? Eh sa namimiss agad kita eh. Babe, pwede ba huwag kang magblush, kapag di ako nakapagpigil lalapitan na kita dyan sa kinatatayuan mo."

Tumingin ako sa paligid.

"Asan ka ba?"

Hindi ko talaga siya makita.

"Andito lang, pinagmamasdan ka."

"Saan nga kasi?"

"Papalapit na. Hindi ko na kayang makita na pinagtitinginan ka na ng mga lalaki dyan. They should know that you are mine."

Napansin kong palapit ng palapit ang boses and..

Naramdaman ko na lang na parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.

5.. 6.. 7..

8.. seconds

Gaano katagal na bang nakalapat ang labi niya sa labi ko?

"Ngayon alam na nila na akin ka", sabi nya pagkabitiw sa labi ko.

Isinama na niya ako papasok sa sasakyan niya.

Paglingon ko sa backseat, may mga gamit.

"Adam, bakit nandito ang bag ko? Bakit nandito ang mga gamit ko? Itatanan mo na ba ako?" kinakabahang tanong ko.

EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now