B.S.
Adam's POV
"Sigurado ka ba na iiwan natin ang twins dito?" tanong sa akin ni Arkisha.
Nandito kami ngayon sa bahay namin. Lahat nandito. Sina Paris, Venice, si Mommy at Daddy at syempre ang twins namin ng baby ko.
Niyakap ko siya habang nakaupo kami sa sofa. Naaamoy ko ang mabango niyang buhok. Nasa lap niya si Landon.
"Hindi natin maayos ang bahay kapag kasama natin ang twins", sagot ko.
Lilipat na kasi kaming apat sa bago naming biling bahay. Ayaw ni Arkisha na sa condo ko tumira. Ang gusto niya, lalaki ang twins na sa bahay mismo kami nakatira. Our house. Our home.
"Bakit ba kasi ngayon dadating yung mga sofa. Nakakahiya sa parents mo kung aalis tayo", sabi niya.
"They will understand. Kita mo naman, aliw na aliw sila sa mga anak natin", sagot ko.
Si Mommy, wala ng ibang ginawa kundi ibili ng damit ang kambal ko at ngayon siya ang nagaayos ng buhok ni Madison.
"Halika na. Dumating na yung mga pinadeliver kong furnitures",yaya ko.
Tumayo na kami at ibinigay na niya si Landon kay Paris at nagsimula itong umiyak.
Nagpaalam na din kaming dalawa. Sumakay na kami sa kotse. Inayos pa niya ang buhok niya at inipitan niya ito.
"Kasi naman eh. Dapat isinama na natin ang mga bata", maktol ni Arkisha.
"Di na. Mabilis lang tayo doon", nakangiti kong sabi.
Tiningnan ako ni Arkisha habang nagmamaneho. Pinag-aaralan niya ang ngiti ko.
"Wag mo nga akong titigan", saway ko sa kanya. "Nagagwapuhan ka na naman sa asawa mo", bulong ko pa.
"Gets ko na Adam!" sigaw niya. "Sinasabi ko na nga ba eh! Gusto mo lang akong masolo noh?" tanong niya ng may himig na pambibintang.
Mas lumapad ang ngiti ko.
"Kanina pa. Ngayon mo lang napansin?" sagot ko.
"Kaya pala ayaw mong kasama ang mga bata ha."
Mabilis naman kaming nakarating sa bahay. Nandon na nga yung truck ng mga furnitures. Nagsimula na silang ipasok ang mga gamit.
"Gusto mo akong masolo pero andito naman yang mga yan", angal ni Arkisha, tukoy niya sa mga naghahakot ng mga gamit.
"Mabilis lang yan. Bakit parang ikaw naman ata ang atat diyan ha, Mrs. Castrences?" pangaasar ko.
Hinila ko siya sa may kitchen at isinandal sa pader. Hinawakan ko siya sa braso at tinitigan sa mga mata.
"Adam, ano ka ba? May mga tao", bulong niya.
Hindi naman ako natatakot. Sigurado, hindi naman sila pupunta dito sa kitchen. Sofa lang idedeliver nila.
Nginitian ko si Arkisha at hinaplos ko ang mukha niya.
"I don't care. This can't wait", pagkasabi ko noon, I claimed her lips.
Nagulat pa siya pero agad din siyang nakabawi.
"Adam.." she called between our kisses.
"Hmmm?"
Hinawakan ko ang bewang niya pataas sa kanyang likod. I started kissing her neck nang bigla akong itulak ni Arkisha.
"What's wrong?" tanong ko.
"Tapos na ata silang ipasok ang mga gamit. Puntahan mo na sila", utos niya sa akin.

YOU ARE READING
EX with Benefits (COMPLETED)
General FictionSabi nila kapag ex na, ex na. Hindi na dapat nagkikita pa. Meet Arkisha, the girl who will do everything just to make her ex, Adam Jacob stay in her life. After the break up, there is something they can't get enough of. Benefits. Sa larong ito, a...