Sixty One

238K 3K 696
                                        

SIXTY ONE

Arkisha's POV

Bumalik na sa paglalaro si Adam. Inaalam ko pa rin kung ano ba ang naramdaman ko kanina. Alam kong dapat galit ako sa kanya. Na dapat pahirapan ko siya. Na dapat.. layuan ko siya.

Mali ito. Hindi dapat ganito. Okay na ako noong wala siya diba?

Tumayo ako at nagsimulang maglakad palabas.

"Arkisha! Saan ka pupunta? Hoy!" narinig kong sigaw sa akin ni Jam pero hindi ko siya pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

"ADAM!!" sigaw ni Jam. Narinig ko pa yon. Sa lakas ba naman ng boses niya.

Tuluyan na akong na akong nakalabas ng basketball court. Madilim na nga sa labas. Summer man ngayon pero malamig ang hampas hangin. Mukhang uulan pa ata. Bahala na. Malapit lang naman ang bahay namin dito. Hindi naman siguro ako aabutin ng ulan.

"Arkisha! Sandali!"

May tumawag ba sa akin? Tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad nang maramdaman kong may humawak sa braso ko.

"Saan ka ba pupunta? Madilim na!"

"Bitiwan mo ako!" sagot ko kay Adam. Oo, si Adam ang humawak sa braso ko at pumipigil sa akin. "Uuwi na ako!"

"Kung gusto mo ng umuwi, hintayin mo na kami. Patapos na ang game, hindi ka pwedeng umuwing mag-isa", sabi niya.

Umiling ako.

"Bitiwan mo ako. Uuwi na ako", ulit ko.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Makinig ka nga!" sumisigaw na siya.

Lahat ng galit na naramdaman ko kay Adam noon ay nabubuhay ulit ngayon.

"Sa tingin mo ba hahayaan kitang umuwi mag-isa? Arkisha, bumalik na tayo", utos niya.

Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

"Arkisha, ano ba? Halika na! Hindi ka nga pwedeng umuwi mag-isa. Makinig ka naman!"

Hinarap ko siya at tiningnan sa mata.

"Makinig? Hinihingi mong pakinggan kita? Naririnig mo ba ang sarili mo ha, Adam? Gusto mong makinig ako sayo?!"

"Arkisha.." bumaba ang tono ng pananalita niya.

Nagsisimula ng mamuo ang luha sa mga mata ko.

"Ako ba? Pinakinggan mo ba ako noon? Sinubukan kong magpaliwanag diba? Pero anong ginawa mo? Hindi mo lang isinara ang tenga mo. Isinara mo rin pati ang utak mo!" sigaw ko sa kanya. Matapos kong sabihin yon, pakiramdam ko unti unting gumagaan ang nararamdaman ko.

Nakatitig lang siya sa akin. Wala ba siyang sasabihin?

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Sige, sigawan mo ako. Sabihin mo lahat ng galit mo. Kung gusto mong sampalin ako, ayos lang sa akin. Kung yan ang makakapagpabawas ng sakit na nararamdaman mo. Kung sa pamamagitan niyan ay mababawasan ang galit mo. Sige lang.." mahinahong sabi ni Adam.

Hindi ko mapigilang umiyak. Lahat ng sakit nararamdaman ko na naman but this time it's different. Hinawakan niya ang kamay ko.

"I'm sorry, Arkisha. Kahit paulit-ulit akong magsorry sayo, gagawin ko. Kahit anong gusto mo, gagawin ko, mapatawad mo lang ako. Naging makitid ang utak ko, at pinagsisihan ko yon. Pinagdudahan ko ang pagbubuntis mo and I am really sorry for that. Napakalaki kong gago. If I could turn back time, aayusin ko ang lahat ng mga nagawa kong mali. Kaya naman ngayon, hihingi ako sayo ng isa pang chance to make things right and this time I will never let you go."

I don't know what to say. He cupped my face.

"I will do everything para patunayan sayo that I deserve another chance. Kung hindi ka man pumayag, ipapakita ko pa rin sayo that I am serious to win you back. Alam kong noon ikaw ang mas na nagmamahal sa ating dalawa, hayaan mong ako naman ngayon. Hayaan mong suklian ko lahat ng sakripisyo at pagtitiis mo sa akin noon. Let me court you every day."

Dahan dahan niyang pinahid ang mga luha na dumadaloy sa pisngi ko. Inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Mahal na mahal kita, Arkisha. Tama si Venice, duwag ako. Takot akong magtiwala dahil maski sarili ko hindi ko kayang pagkatiwalaan. But this time I am taking all my chances with you. Noong lumabas ka ng kwarto ko nang araw na yon at umiiyak ka, nasasaktan din naman ako. Hindi ko lang kasi matanggap noon na kaya mo pala akong lokohin.."

"Alam mong hindi totoo yan. That would be the last thing I want to do. Ang lokohin at saktan ka", sabi ko.

"I know. I know. I'm sorry nagkulang ako ng tiwala sayo. Mahal na mahal kita. Always remember that."

Niyakap niya ako at naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko. Hindi ako sumasagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Natatakot pa rin kasi ako.

"Kung hindi mo na ako mahal, maiintindihan ko. Pero huwag kang makampante ha? Cause I will do everything to make you fall for me again", sabi pa niya.

Lihim akong napapangiti sa sinabi niya. Mahigpit pa din ang yakap niya sa akin. Nasa tagiliran lang ang mga kamay ko. Should I hug him back?

"Sisimulan ko iyon sa paghingi ng tawad sayo at hindi ako magsasawang maghintay sa araw na mapatawad mo ako."

EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now